Laman ng plastik
Nilibot ko ang tingin sa paligid, nasa Clinic ako. Ano ginagawa ko dito? Agad akong napahawak sa sentido ko na kumikirot sa sakit. Ano ba nangyari sakin?
Tumayo na ako at nilapitan ko yung nurse doon sa desk.
"Miss baket po ako nandito?"
"Bigla ka kasing hinimatay sa canteen." Maigsi nitong sagot at binalik ang tingin doon sa isang folder.
"Baket daw po?"
"Iyun nga ang gusto kong itanong sayo. Kung may sakit kaba o di ka lang kumain kaya ka nanghina"
Di ako nag dinner kagabi dahil nga nakatulog nako agad. Di rin ako nag almusal. Tapos kaninang vacant nakailang kagat lang ako ng sandwich.
"Gutom lang po"
Kumunot naman ang noo ni ate. "Iyan ang problema sa inyong mga kabataan eh. Puro lovelife, wala namang makain"
"Wala po akong lovelife ate forever alone ako" Aba! Sa itchura ko na ito mag kakalovelife pa ako?
Tinignan niya ako head to toe. Alam ko namang panget ako. Pero wag naman niyang ipamukha sa akin.
"Halata nga pero di mo ako maloloko, halatang may relasyon kayo nung nagdala sayo rito kanina" Nagdala? Sino nagdala sakin dito yung janitor? Asa naman akong si Kenneth noh! Dakilang isnabero iyun. Buhatin pa kaya ako?
"Aish.. kinikilig nga ako sa inyo kanina eh.. napaka swerte mo" malapad nitong ngiti.
"Ayy naku ate! Sayong sayo na yung janitor! Walang umaagaw sayo" nawala ang ngiti niya, at tinignan ako ng matalim.
"Anong janitor!!"
"Yung nagdala sakin dito"
"Huh? Ano ba pinagsasabi mo? Sino ba yung huli mong kasama bago ka himatayin? Basta yung gwapong lalaki! Yung mayaman! Basta buhat buhat ka pa nga niya ng pang bagong pangkasal eh. Tapos sinusundan kayo ng mga istudyante" I frozed. Gwapong lalaki? Edi si Kenneth! SIYA LANG NAMAN ANG GWAPO RITO EH. SAKA FAMOUS DIN SIYA.
Bago ko buksan yung pintuan, may pahabol munang sinabi si nurse."Sabi pala nung boyfriend mo daanan mo raw siya sa room niya pagkagising mo.Nasa kanya kasi yung bag mo eh"
Hindi ko alam kung anong irereact ko? Dapat ba akong kabahan, dahil sa kahihiyan nang nasabe ko sakanya o tumalon sa tuwa?
*Room 2015*
Nandito ako sa labas ng room nila at inaantay na magbell. 5mins na lang.
Bakit kaya? Bakit kaya niya dinala yung bag ko? At di pinaiwan sa Clinic.
Nag ring na yung bell at agad namang lumabas yung teacher nila. Pati na rin yung ibang mga estudyante.
Agad namang may sumulpot sa mukha ko. Nagulat ako. Este siya pala nagulat .
"Pag nakatalikod ang ganda, pag nakaharap ang panget" sabi ni Clarence. Sa totoo lang, naflatter ako sa sinabe niya. Syempre naging maganda ako kahit papaano! Lagi na nga lang ako tatalikod kapag nakita ako ni Kenneth.
"Napaka honest mo naman, you're so sweet" pabulong kong sabi.
"Sino po hinahanap mo Ms. Negrita?" Hinga ng malalim. Kalma lang Judy, lalo kang papanget kung ipapakita mo na nagagalit ka.
"Si Kenneth" kalmado kong sabi.
"Stalker ka ba niya?" Nakangisi nitong sabi. Hindi ko siya sinagot at sumilip na lamang sa room nila. "Siya ba talaga ang hanap mo? At hindi yung bag mo?"