Chapter 15

155 24 9
                                    

A/N: I'm so sorry if napaka lame ng mga update ko can someone please to help me? Kung paano marerecover ang story ko haha.

For the Wages of sin

(Judy Ann Potente's POV)

Idinilat ko ang dalawa kong mata at nandito na ako nakahiga sa banig at sa napakainit na lugar. Nasa bahay na ako!

Napasinghap ako sa naamoy kong masarap na ulam.

"Good afternoon Judy Ann!" Masiglang sabe ni mama habang nagluluto ng kare kare.

Diba nasa school ako? Kasama ko pa nga si Rence? Shet! Baka naman panaginip ko lang ang lahat? Well, that is a good dream.

Umupo ako at nag unat unat. Tinignan ko si Mika na kumakanta sa electricfan.

"Kaynino galing iyan?" Tumayo ako at lumapit doon. "BAKIT SAMPU YUNG NUMBER" nakakamangha. Napaka lakas ng hangin.

"Edi kay Rence! Nirequest mo raw ito"

Ibig sabihin hindi panaginip ang lahat ng nangyare. "Sino nagdala sakin dito? At anong oras ako nakauwi? Saka kumusta na si Rence?" Sunod sunod kong tanong.

"Ang dami mong tanong! Si manong Jude nagdala sayo. 5am ka nakauwi. Okay lang naman siya, bangag lang kakabantay sayo matulog"

Napa palm face ako. Ako pa binantayan niya? Siya nga yung may allergy dyan!

Tumayo ako at tumingin sa maliit naming orasan. 4pm na huhu. Tulog mantika talaga ako!

"Mama papasok nalang po ako sa last subject. Pasensya na po sa nangyare kahapon, nakulong po kasi ako sa--"

"Room 201. Sa abandonado na room at magkasama kayo ni Rence " tumigil siya sa pagluluto at tumingin sakin na nakangiti. "Dapat sinabe mo sakin itong plano mo. Para napag baunan man lang ko kayo ng pagkain mo roon"

"MAMA! ACCIDENTE LANG ANG LAHAT" pinagtawanan lang niya ako. Yeah. Hindi siya naniniwala sa sinabe ko.

"Bilisan mo at pumasok kana sa last subject mo" utos niya sakin.

Nandito na ako ngayon sa school at pagkapasok ko ay hinanap ko kaagad si Megan.

"Bakit hindi ka pumasok ng klase kahapon?" Tanong nito sakin. Habang may dinodrawing na kung ano sa papel niya.

"Nakulong ako sa 201" ineexpect kong magulat siya o mag-alala, pero wala.

"Yung bag mo, iniwan ko kay Kylie" pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at naglakad.

"Megan!?" Tumigil siya sa paglalakad.

"Iyun lang iyun? Bakit iniisip mo na nagcutting ako kung nasaiyo naman ang bag ko. Hindi ka man lang ba nagtaka?"

Humarap siya sakin at parang ang lungkot ng mukha niya. "Atleast you found your hero" yumuko siya at naglakad na palabas.

"I DON'T HAVE ANY HERO!" umupo na ako sa upuan ko at tinignan ang laman ng bag ko.

Nandito na ako sa labas ng gate at inaantay si Rence.

"Nasan kana ba!?" Sabe ko habang pamartsa na paikot ikot dito.

Lumapit sakin si Kenneth na ikinabigla ko naman. "Hey!"

"Hi" nahihiya kong sabe. As usual, he always looks an angel.

"Sabay tayo umuwi.."

"Sabay tayo?" Nanliit ang dalawang mata ko sa sinabe niya.

She Died 3 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon