A/N: Hi CASarno17 classmate! Thank you sa pagsuporta HAHAHA. Pumasok kaba kanina? Bakit hindi kita napansin.
PLAN A: Date?
(Judy Ann Potente's POV)
"Pumunta na tayo ng clinic" gusto kong humiwalay sakanya ng yakap, gusto ko hanapin si Kenneth o si Kylie para magcomfort sakin. Pero hindi ko kaya. Dahil kapag siya ang nagsalita, walang sino man ang pwedeng humadlang.
Nakatingin samin ang lahat ng tao rito. Maging si Jessica sobrang sama ng tingin sakin. Humiwalay na ako ng yakap sakanya, baka ano isipin pa ng mga tao rito.
"Siya ang nag umpisa nito! Bakit mo siya kinakampihan Rence!?"
Tinignan siya ni Rence ng seryoso. Diba gusto ni Rence si Jessica? Dapat wala siya rito sa tabi ko!
"Ayoko na kitang makita sa school na ito.. you're kick out"
"A-ano?" Bigla itong natawa pero halata pa rin sa mukha niya ang takot.. "Hindi mo pwedeng gawin sakin ito! Hahaha. Member ako ng Philippine National Team ng volleyball. Kaya hindi mo ako pwede paalisin ng basta basta!" Sigaw nito.
"GET. OUT. OF. MY. SIGHT" paputol putol at madiin nitong sabe.
Humalukipkip ito. "Hindi ako aalis!"
Lumapit samin yung coach at pumagitna sa dalawa. "Clarence huwag mong gawin ito kay Jessica. Kailangan siya ng school na ito" pagmamakaawa ni Mr. Alvarez.
"Sino mas kailangan ninyo, ako o siya?" Biglang nagkarooon ng katahimikan sa buong court maging si coach ay hindi alam ang sasabihin. "Kapag nakita ko siya rito bukas. Ako ang aalis" pagkasabe nun ni Rence ay hinila niya ang kamay ko. "Pumunta na tayo ng clinic" nakatulala ako sakanya. Sigurado ba siya sa pinapakita niya sakin?
Siya ba ito?
"Huyy!" Nataranta ako sa sigaw niya at nagpahatak nalang.
Lumingon ako kay Jessica na may luha na sa pisnge niya. Si Kylie naman ay malungkot na nakatingin sakin at si Kenneth naman ay kunot noong nakatingin sa kamay namin ni Rence na magkahawak.
Binabasa ko maigi ang tingin ni Kenneth. Tingin ba iyun ng nagseselos?
Nakahiga ako ngayon dito sa kama ng clinic habang nakatingin sa ceiling. Inaantay kong matapos ang klase ni Rence at sabay kaming pupunta ng Machine House.
Napatingin ako sa pintuan ng may pumasok. Bigla akong napaupo at inayos ang buhok ko.
"Kenneth.." nakangiti kong bati sakanya.
Malungkot siyang umupo sa tabi ko. "Sigurado ka ba?"
"Sigurado saan?"
"Mamaya. Sa plano ninyo ni big boss" kanina ko pa ito pinag-iisipan. Ano kaya ang gagawin nila kay Rence kapag nahuli nila ito? Paparusahan din ba nila ito kagaya ng kay Kenneth? O baka patayin nila ito?
"Hindi ko alam, ayokong makakita na taong binubugbog. Pero mas ayoko naman na makitang maparusahan yung wala namang kasalanan" nakatingin ako maigi sa mata niya. Alam kong alam niya na siya yung tinutukoy ko
"Kailangan mapagbayaran ni Rence ang ginawa niya.."Ginulo ni Kenneth ang buhok ko at ngumiti siya sakin. "Judy Ann, babalik ako sa Master Bar mamaya. Susundin ko ang gusto nilang ipagawa sakin. Hindi mo kailangan gawin ito kay Rence. Mas lalo na" bigla siyang tumingin sa kawalan. Hindi niya ako magawang titigan sa mata.