Chapter 21

160 20 14
                                    

How do I live without you?

(Judy Ann Potente's POV)

"Gusto ko-- d-dalhin mo ako roon sa gitna habang buhat buhat mo ako na pang bride style. Tapos i-announce mo sakanilang lahat na ikakasal na tayo hihi" sabe ko sabay kurot sa pisnge niya.

NO! ERASE ERASE. Ganto ba talaga kapag lasing na? Kung ano ano na naiisip? Hayyss.. Mabuti nalang at hindi si Kenneth ang nasa harapan ko ngayon. Kundi baka gawin ko talaga itong naiisip ko.

Napatingin ako sa istage na nagsalita yung mc.

"Good evening couples! Now its already 11:40 and we were going to play the last song. And each and everyone of you, are required to dance and we are going to choose a Ms. And Mr. Best Couple of the night. And we will going to rewards a cash, certificate of participant and free luxury room in Manila Hotel"

Satingin ko ito na iyun.. ito yung sinasabe sakin ni big boss na free room.
"Shall we?" Napatingin ako kay Rence na nakatayo na pala sa harapan ko.

"Sure!" Nilahad niya ang kamay niya sakin at masigla ko itong inabot at tumayo.

Pumunta kami sa pinaka center. And ang awkward lang kasi nakatingin samin yung ibang tao. And by the way, nasa gilid lang namin sila, Sheena, Jessa and Anna ang sama ng tingin nila sakin.

"Don't mind them Judy Ann.." tinitigan ko ang maamong mukha ni Rence. Bakit parang matagal ko na siyang kilala? Bakit ang gaan ng loob ko sakanya? Bakit pakiramdam ko kapag kasama ko siya ay hindi ako mapapahamak?

Nagsimula na ang instrument. Sa kanang kamay ko ay maghawak kami ng palad. Sa kaliwa ay nakakapit ako sa balikat niya at siya naman ay nasa waist ko.

"I need you in my arms, need you to hold
You're my world, my heart, my soul"

Si Kenneth ang gusto ko pag-alayan ng kanta na ito. Pero bakit hindi ko maitanggi na parang nahuhulog na ako sakanya?

(A/N: Rence is the other POV)

[Bakit nakikita ko sayo si Yanna? Bakit habang tumatagal parang nagiging kamukha mo na siya?]

"If you ever leave,
Baby you would take away everything good in my life,
And tell me now
How do I live without you?"

[Fuck! Bakit ito ba yung kanta? It reminds me of Yanna. Today is the date of Yanna's death. Nanggaling ako kanina sa Elpis Laboratory. Hindi nga dapat ako aattend ng party, pero my employee said to me na hindi pa umuuwi si Judy Ann. Kahit 3 hours late na ako. Bakit ka pa kasi nag antay!]

"I want to know,
How do I breathe without you?
If you ever go,
How do I ever, ever survive?
How do I, how do I, oh how do I live?"

[Magkahawig sila ni Yanna ngayon. Coincidence ba ang lahat ng ito? Bakit ako pinaglalaruan ng tadhana? BAKIT PAKIRAMDAM KO SIYA SI YANNA. FUCK!]

Bakit humihigpit ang hawak sakin ni Rence? Gusto ko sana umangal. Pero--

Shet! Bigla niya akong nilapit sakanya. Sobrang lapit ng mukha namin. I can almost smell his breath! His fascinating and sweetest breath. At Baka hindi ko mapigilan ang sarile ko at manakawan ko siya ng halik.

"There'd be no sun in my sky,
There would be no love in my life,
There'd be no world left for me."

[I want to stop this song right now!! Nababaliw na ako. Baka hindi ko mapigilan ang sarile ko. At isipin ko na siya talaga si Yanna.]

Sana hindi tumigil ang kanta. Sana hindi tumigil ang oras na magkalapit kami. Sana hindi tumigil ang oras, na pakiramdam ko na kaming dalawa lang ang tao rito.

She Died 3 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon