Obsessed
Judy Ann Potente POV
Ang hirap naman ng first date namin nito, ang daming nanonood samin at nagbubulong bulungan.
Naka-indian seat kaming nakaupo sa damuhan at katabi namin ang malaking puno. Tinignan ko si Kenneth na seryosong binubuksan yung dalawang lunch box.
Hindi na nagsalita si Kenneth, simula nung lumabas kami ng canteen. Piling ko galit siya sakin ang cold niya. Hindi nga niya ako magawang tignan. "Bakit bigla kang nag handa ng pagkain natin?" Tanong ko. Gusto ko sana itanong kung bakit niya ako niyaya magdate, kaso huwag nalang! Baka magbago pa ang isip niya.
"Luto ito ni Clarence, nirequest mo raw sakanya na paglutuan ka raw niya.." hindi ako nakasagot sa sinabe niya. Nakakalungkot, first date namin iba ang nagluto.
"Bakit bigla kang sumimangot dyan?" Nagulat ako sa sinabe niya, akala ko hindi niya napansin. Inabot niya sakin yung lunch box na may laman na beefsteak. Nagtaka ako kaagad kasi magkaiba kami ng ulam.
"Bakit magkaiba tayo ng ulam?"
"Hindi ako kumakain ng beefsteak.." nagtaka ako sa sinabe niya, kasi ilang beses ko na siyang nakikitang kumain ng beefsteak. Remember? For almost 3 years na pang iistalk, kilala ko na ang kalahati niyang pagkatao. "Kumain kana dyan, may klase pa tayo mamaya" sabi niya sakin na hindi man lang magawang tumingin sakin. Nalulungkot ako, iba talaga nafifeel ko! Para bang ayaw niya sakin. Saka bakit kailangan niyang mag pretend na hindi niya gusto yung beefsteak? Kainis!
Huwag kang nega Judy Ann! Minsan lang dumating ang pagkakataon na ito. Mag enjoy ka lang! Huwag kung ano ano ang pinag-iisip mo.
Nilakasan ko ang loob at ngumiti. "Hindi rin ako kumakain ng beefsteak eh.." nilayo ko yung lunch box sakin.
Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sakin. "Bakit naman?"
Tinuro ko yung ulam niya, "ito yung kinakain ko ohh.." sabay pout ko. Napaningkit naman siya ng dalawa niyang mata. Natawa ako "Simula ng nakita kita sa school na ito, puro gulay na ang pinagkakain ko. Diba vegetarian ka?"
Napatango siya, hindi niya dinugtungan yung sinabe ko bagkus ay tumingin siya roon sa beefsteak na nilayo ko "Kainin mo na iyang beefsteak kahit kalahati lang. Malulungkot si Clarence kapag hindi mo ginalaw iyan.."
Natawa ako sa sinabe niya, wala akong pakielam kay Rence noh. "Siya malulungkot? Naku! Walang puso iyun hindi nga nasasaktan. Saka piling ko hindi naman niya talaga luto ito. Siya mag-aaksaya ng oras sa isang tulad ko? Hahaha. Pwede pa, kung may ilalagay siya na kung ano sa pagkain na ito. Puro kalokohan lang naman kasi ang alam nun hahaha" para akong baliw na tumatawa mag-isa. Bigla akong sumeryoso, nang napansin ko ang malungkot nitong tiningin. Huhu. "Pasensya na! Alam kong kaibigan mo si Clarence--"
"Wala lang sakin iyun, kainin mo nalang itong ulam mo. Nang umalis na tayo.. " Ganun!? Kapag natapos na kaming kumain ay tapos na ang lahat at back to reality na, na kahit ay hindi naman magiging kami.
"Kenneth baka mabilaukan ka! Wala ka bang dalang inumin?" Out of nowhere kong tanong.
Umiling siya. Meron akong dala, kaso ayoko sabihin. "Tara punta tayo ng retail at bumili tayo.." aangal pa sana siya ng hatakin ko ang kamay niya.
"Paano yung pagkain natin baka may kumuha--"
"Walang mangingielam nun!" I assure him. Sisiguraduhin kong titigil ang oras kapag magkasama kami.