Abandoned room
(Judy Ann Potente POV)
Pagkapasok ko ng room nag aatendance na yung prof namin at napansin kong wala yung chair ko at wala ring sobra.
"Judy, you can go to abandoned room and get your chair " sabe ni Mrs.Lim na prof ko sa Marketing Management.
"Iwan mo na sakin yung bag mo, para hindi ka mahirapan sa pagbitbit ng upuan" offer sakin ni Megan.
"Salamat.." itinabi niya yung bag ko sa bag niya.
Binuksan ko yung pintuan sa room 201 at binuksan ko yung switch ng ilaw napapatay patay sindi. Sa room na ito nakatambak lahat na sobrang upuan or may mga damages na.
Bago ako pumasok sa loob ay sinigurado ko munang nakabukas ng malaki ang pintuan. Natatakot ako baka biglang magsara at makulong ako rito. Hindi kasi ito nabubuksan kapag nasa loob ka.
Binitbit ko yung pinaka malapit na upuan at bigla akong napasigaw na may nakita akong kamay ng babae na may bracelet na pula at hinila nito pasarado ang pintuan.
Binaba ko yung hawak ko at pinihit ang seradula. "Buksan mo ito! Huyyyy! Sino ka bang nagsarado? Huh!?" Pagkasabi ko nun ay tuluyan ng napundido ang ilaw.
"SINO KA BANG NAGSARADO!?" Sabi ko habang sinisipa ang pintuan.
Nilibot ko ang tingin ko sa piligid, puno ng alikabok, mga sapot ng gagamba at amoy pintura. Napahawak ako sa ilong ko at umubo ng maraming beses.
Napatingin ako sa maliit na bintana sa pinakataas. Ulo lang kasya sakin dito pati kamay. Pwede naman siguro ako makasigaw, pero madalang lang talaga may dumaan na tao rito.
Kumuha ako ng upuan at umakyat ako rito. Hindi pa rin ako abot kahit kamay ko. Kung aakyat ako sa table ng upuan na ito tiyak mahuhulog ako.
Kung ipatong ko kaya yung isa kong paa sa isa pang upuan? Pero baka mahulog ako! Hayyss.. suicide attempt naman itong gagawin ko.
Kumuha ako ng isang upuan at doon ko ipinatong ang isa kong paa. Naka tip toe ako at sobrang diin ng hawak ko sa bakal ng bintana.
Sumilip ako sa bintana at nag-aantay na may dumaan.
After 40seconds of waiting.Nakakangalay naman itong position ko! Bumaba muna ako saglit at nag warm up.
Nakarinig ako ng kalampag ng paa.Nanlaki ang dalawa kong mata at umakyat sa dalawang upuan.
"Heyy!!! MAY TAO RITO SA LOOB" huli na nung nakapagsalita ako. Masyado na kasi siya malayo.
Inilabas ko yung kamay ko at kumakaway ako.(30 mins ago)
"Miss! Kanina pa ako rito! Tulungan mo ako please.." nanghihina kong sabe. Nagulat yung babae nung nakita ako. Nanlaki ang dalawa niyang mata at napatakbo siya habang sumisigaw na "may mutlo"
Napapunas ako sa mukha ko na naliligo na sa pawis.
Bigla akong natigil sa ginagawa ko at yung mata ay nanlaki. "Ano yung gumagapang sa paanan ko?" Nanginginig kong sabe. Dahan dahan akong tumingin sa baba at---ASDFGHJKKL!!
"WAAAAAAH!!" Tumalon ako sa kinatatayuan ko, na parang si Superman. Ang pinagkaiba lang ay nahulog ako sa sahig at una pa ang tuhod ko--- "Shet!! Ang sakit!?!" Napamura na ako ng kung ano ano dahil sa sakit. Napaiyak na ako this time. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
5:45pm
Idinilat ko ang mata ko at medyo dumidilim na rin. Anong oras na kaya? Wala pa bang naghahanap sakin? Hindi pa ba ako hinahanap ni Megan? Nasa kanya kasi yung bag ko.