Temptation
Andrew Kenneth POV
Habang kumakain ako, biglang umupo si Clarence sa tabi ko at ngumiti siya. Matagal na nang huli ko siyang nakita ng ganito.
"Anong goodnews?" Tanong ko habang ngumunguya ng chopseuy.
Tinignan niya ako ng masama, dahil sa posture na ipinakita ko "Huwag ka ngang magsalita, kapag kumakain ka" bigla kong binaba yung kutsara at tinidor ko. Nararamdaman ko, tumutubo na naman yung sungay niya.
"Goodboy.." sabi niya habang ginugulo ang buhok ko. Nag mukha tuloy akong aso sa ginawa niya.
May kinuha siya sa bag niya "Ibigay mo ito kay Judy Ann.." inabot niya sakin yung isang paperbag. Kinuha ko ito at nilagay sa table. Ipapaabot ko nalang ito sa kaklase niya. Ayoko nang makita yung babae na iyun.
"Anong laman niyan?" Nacucurious ako. Sana patay na daga rin.
"Pang lunch ninyo" nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabe niya.
"Pero kumakain na ako.." tinignan niya ako ng masama at doon ko naalala yung pinaka ayaw niya sa lahat.
Kapag nagdadahilan yung isang tao sa gusto niya.
Inislide niya yung kamay niya sa lamesa, hanggang sa mahulog yung plato ko sa sahig. Huminga ako ng malalim, kalma lang Kenneth. Kalma lang p*tek! Kapag nagalit ka, mas nagiging d*monyo ito.
Lumapit yung grade 10 na babae at nilinis niya yung natapon sa sahig. "Salamat.." sabe ko habang nakangiti. Nanlaki ang dalawa niyang mata dahil sa kilig at patakbong pumunta sa mga kaibigan niya para ikuwento.
Binaling ko na ang tingin ko kay Clarence "Sabayan mo kumain si Judy Ann nito, yung isang ulam dito, ay beef steak na may halong .. " naputol siya sa pagsasalita at ngumisi. " pangtatae.." nanlaki ang dalawa kong mata. "Yung isa ay gulay, iyun ang kainin mo.. walang halo ito" Ou may galit ako kay Judy Ann, pero hindi dahilan iyun para maki-ayon ako sa trip ni Clarence.
"May klase pa si Judy Ann mamaya, baka hindi siya makapasok kung kakainin niya iyan"
"Wala akong pakielaman...." madiin nitong sabi. Sa totoo lang, gusto ko nang mag walk out. Pero d*mn! Hindi pwede.
Wala na ako magagawa, kapag gusto niya walang makakapigil. "Paano nalaman ni Judy Ann na marunong ka magluto? 3 years ago nang huli mong gamitin iyang talent mo"
Matagal bago ito nakasagot, para bang may bigla siyang naalala "Nagkaroon ng problema sa Machine House ko, kaya nakulong kami sa kwarto ko at wala kaming makain. Kaya nagluto nalang ako.." napangisi ako. Gusto ko pa sana itanong, kung bakit nagluto ulit siya ngayon? Pero mas mahalaga itong itatanong ko.
"Ano namang ang nangyare?" Matagal na ng huli akong nakapunta sa bahay na iyun at ayoko na ulit makapunta roon. "Nakapasa naman ba siya sa mga temptation doon?" Ang Machine house na iyun, ay para lang sa mga guest niya.Marami pangsubok doon at doon pagbabasehan ni Clarence kung in or out ka ba sa buhay niya.
"Hindi niya kinalikot, kahit anong gamit ko roon.."
Nanlaki ang dalawa kong mata. Napaka impossible! Lahat ng pumapasok doon, ay talaga namang nangangalikot ng gamit at 70% doon ang may inuuwi, ninanakaw o hinihingi.
"Eh doon sa comfort room? Nakakalat sa bathtub yung mga pera.."
"Hindi niya napansin.." paanong di niya mapapansin? Eh ang laki laki ng bathtub doon, makikita kaagad iyun kapag pumasok ka. Maliban nalang, kung hanggang pintuan lang siya.