End of friendship
(Judy Ann Potente's POV)
Ang daming sundalo, pulis at media ang nandito. Kakawala lang ng flash bomb kanina. Nagkaroon na makapal na usok, tapos pagmulat ng mata ko ay wala na si Rence rito at naka posas na ang lahat maliban sakin.
Ang bilis ng pangyayare. Ikang sekundo lang ay ang dami ng naganap. Lahat ng tauhan ni big boss ay nahuli may ilang nabaril, pero wala namang nakatakas. Nasan na si Kenneth?
"Pwede ka ba namin interview-hin Judy Ann?" Napatingin ako sa reporter. "Lyca pala, broadcaster, from TV Patrol News" napako ang tingin ko sa camera.
"Pwede mo bang ikwento mo samin kung paano ka nahuli ng Black Stones Gang?" Itinapat nito sa bibig ko ang mic. Blact Stones Gang? Iyun pala ang tawag sa groupo ni big boss?
Hindi pa ako nakakapagsalita ay may tatlo namang reporters na lumapit sakin. "Ms. Potente, kaano ano mo po si Rence? Totoo po bang usap usapan na may secret relationship kayo?" Napailing ako. Usap usapan ba iyun? Ang hirap wala cellphone and TV, hindi ka updated sa mga nangyayare.
"Sinaktan kaba ng Black Stones?" Umiling ako. Ang dami ng mic sa malapit sa bibig ko. Hindi ko alam kung saang camera ako titingin.
"Pwede mo bang ikwento samin ang nangyare rito kanina?" Dumagdag naman ng limang reporters. Kaya atras ako ng atras at humakbang naman sila palapit sakin.
"HINDI AKO HOSTAGE OKAY! KAKAMPI AKO NG BLACK STONES" natahimik sila sa sinabe ko at nagkatinginan sa isat isa. "Kasama ako sa pag plano na ito. Sinadya namin ito, para mahuli si Rence. Kailangan niya mabayaran yung mali niyang ginawa kay big boss" dapat pinosas na rin ako. Nasan na ba yung mga pulis? Bakit ayaw nila akong hulihin?
"Ms. Potente, ano ano po ba ang nagawa niya?"
"Kaya ka po ba nakipag kaibigan kay Clarence dahil dito?"
"Nagalit po ba si Clarence ng nalaman niya ang pagtraydor mo?""May ginawa ba siyang mali sayo? Para gawin mo sakanya ito?" Napatingin ako sa kaliwa ko at rumehistro saking isipan ang tanong niya.
"Wala siyang ginawa sakin na masama. Pero kay big boss at sa iba pang tao marami. Siguro karma na rin niya ito" pagkasabe ko nun ay hinarangan na ng mga sundalo ang reporters sakin.
"Inaantay kana sa helicopter ni Clarence.." tinitigan ko head to toe yung lalakeng nagsalita. Naiiba ang uniporme niya sa mga sundalo.
"Colonel Lieutenant of the Philippines Army?" Tanong ko sakanya, tumango lamang siya.
Napatingin ako sa helicopter. Gusto kong tumalon, sumigaw at sumayaw sa saya, dahil pangarap ko talaga makasakay dito. Pero hindi sa ganitong sitwayon.
Napayuko ako at inalalayan ako ng isang sundalo paakyat. Umupo ako sa tabi ni Clarence at nakatingin lamang ito sa bintana.
Kinakabahan ako. Ano sasabihin ko? Ihuhulog naba niya ako rito? Siya na ba ang papatay sakin?
"Clarence--"
"Bukas magpa-interview ka at sabihin mo na kinidnap ka nila."
"Pero hindi naman totoo iyun--"
Humarap siya sakin at may halong galit at lungkot ang mga mata niya. "GA.WIN.MO" paputol putol at madiin niyang sinabe.
Tumayo ako at sinabing "Hindi ko gagawin! Hindi ko kaya magsinungaling Rence! Ako nagsabe kay big boss na kaya kitang dalhin sakanila. Kaya kung plano mo silang ipakulong, isama mo na rin ako! Dahil ako naman talaga ang may--"