A/N: Guys! Basahin po ninyo yung story ni Mik-MikPaMore na Spirit Hunter. Magaling po siya gumawa ng story and mabait na author din ito.
Charity
(Judy Ann Potente's POV)
Nagsusukalay ako ng buhok ko habang nakatingin sa small magazine na hawak ko ngayon.
SUSEJ Team Foundation
Is a private organization reaching out to street children in the Philippines. SUSEJ Team is to bring relief to all ethical groups focusing on orphans, widows, old people and poor families. Our heart is to move people with a new hope, and enabling them with skills and resources for a brighter future.
"Waaah! Namimigay sila ng JanSport bag!" Nagtatalon na sinabe ni Mika habang winawagayway niya ang bag sa harapan ko. "Ate Judy Ann! Hindi ka pa ba susunod? Ikaw nalang ang hindi pumipila sa charity"
"Mahaba ba yung pila?"
"Sobra!!! Kahit hindi nga taga rito ay dumayo pa para makahingi"
Pumasok na rin sa loob si Frett habang naghahabol ng hininga. May hawak siyang dalawang basket, na puno ng fruits and canned foods. "Judy Ann--" huminga muna siya bago nagsalita. "Si Rence pala ang gumawa ng SUSEJ Team Foundation na iyan!?" Pagkasabe niya nun pumasok na rin si ate Miranda.
"JUDY ANN!! PUMUNTA KANA ROON! PAULIT ULIT NA SINASABE ANG PANGALAN MO SA SPEAKER" bago pa ako makapag react sa sinabe nila, ay hinila na ni ate Miranda ang kamay ko palabas ng bahay.
Pinaligiran ako ng mga tao at lahat sila ay tinatanong ako. May iba namang kumukuha ng larawan sakin. Seriously!? Hindi ako artista noh!
"Ikaw si Judy Ann diba? Hanap kana ng boyfriend mo ayyiee" sabe ng hindi ko kilalang babae, sabay tusok niya sa tagiliran ko.
"Pasabe naman kay Rence, thank you ah!"
"Ang galing mo naman mag gayuma! Hahahaha"
"Dinaig mo pa ang mga sikat na celebrity at mga mayayaman ah!? HAHAHA"
Biglang may babaeng lumuhod sa harapan ko at niyakap nito ang binti ko.
"Ihingi mo ako ng gamot kay Rence! Kailangan ng anak ko ng HCI CMD. May sakit siya na leukemia." Naluluha nitong sabe. "Pakiusap! Gagawin ko ang lahat tulungan mo ako.."
Kapit bahay namin ito. Ito si Jenna, at ang anak niya na may sakit ay si Clay, 9 years old lang ito. Para bang bigla nalang kumirot ang puso ko, dahil sa awa.
"Susubukan ko po.." hindi pa ako tapos magsalita ay dumami na ang nanghihingi sakin ng gamot. Mga nag iiyakan din yung iba.
Dumating yung mga guards ni Rence, kaya nakaalis ako sa maraming tao.
Naka short ako na maluwag na hanggang tuhod at pink t-shirt na may drawing ng power puff girls at naka paa rin ako, dahil nasira yung tsinelas ko kanina.
Nandito ako ngayon sa harapan ni Rence habang nakapamewang. Nakangiti siya. Yung ngiting na ngangasar.
"Pumila ka sa tent number 4. Doon nag dodonate ng mga damit at tsinelas." May inabot siya sakin na papel at ballpen. Binasa ko ito. 143 names ang nakalista. Ang dami naman kaagad, wala pa ata silang isang oras dito. "Mag registered ka dyan.. tapos pumunta kana sa tent 4" bossy nitong sabe.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay may dinadagan pa siya. "Ou nga pala! Pumunta kana rin sa may pinaka malapit na parlor dito.. ipaayos mo yung buhok mo at magpa facial kana rin. Sagot ko na" Napa palm face nalang ako.