Chapter 25

152 17 33
                                    

A/N: Para sa nalilito, kung ano yung kumokontrol sa isipan ni Judy Ann. Iyun yung microchip sa utak niya. Kung babasahin ninyo maigi yung Elpis Laboratory, before chapter one. Sinabe roon ni Rence, na hindi na normal yung takbo ng utak niya. Kasi nga may kung ano ng nakalagay doon.

Kaya napapasunod siya kahit ayaw niya. LAGI SIYANG PERFECT SA EXAM. Pansin ninyo?
I hope na nagets ninyo hehe.

Freedom

(Judy Ann Potente's POV)

"Okay.." sinenyasan ni Rence si John na lumapit dito at inabot niya kay Rence ang cheque.

"Ica-cash ko nalang ba o papuntahin ko nalang ang anak mo sa Amerika at bahala na ang empleyado ng Dad ko sakanya?"

Kinalabit ko si Rence at sinabing. "Huwag mo na icash.." hindi niya pinansin yung sinabe ko.

"Ano?"

Bakit kailangan pa niya icash? Kung pwede namang pagamutin na agad si Clay. Baka kasi, manakaw pa yung pera. Delikado na.

"Cash.." nagulat ako sa sinabe ni tita Jenna. Shet!! Nag-iisip ba sila? Paano kung mawala pa iyan? Nandyan na nga ang grasya at baka madisgrasya pa!

Nagsulat si Rence ng 6,080,000 sa cheque at pinirmahan ito. Nang natapos ay inabot niya ito kay tita Jenna.

Hinalik halikan ni tita ang cheque at paulit ulit na nagpapasalamat kay Rence habang umiiyak.

Napalingon ako kay John, na siniko ako nito at natatawang sinabe. "Baka mapasukan ng langaw iyang bibig mo" agad kong sinara yung bunganga ko. Nakakahiya naman! Di ko namalayan na napanganga pala ako.

..........

Nandito kami sa maliit naming bahay, bali para kaming sardinas dito. For your information, sardinas din ang ulam namin. Dinagdagan nalang ni Rence yung pangkain namin.

"Judy Ann! Bakit hindi mo man lang sinabe na pupunta rito yung boyfrie--"

"MAMA NAMAN!"

Natawa siya at kinontinue yung sinasabe niya. "Este.. future husband pala hehe"

Napa palm face nalang ako. Alam ba talaga nila yung salitang "nakakahiya" ? Mukhang hindi!! Wala sila nun eh.

Habang maingay na kumakain kami sa lamesa, ay napatingin naman ako kay Rence na hindi na naalis ang ngiti niya simula ng pumasok siya rito. Ang weirdo naman ng lalake na ito. Ikaw kaya mamigay ng 6 million above? Magagawa mo pa bang ngumiti ng ganyan!

Nilagyan ko ng sardinas yung plato ni Rence. Binigyan niya ako ng deadly look at evil smile naman ang isinukli ko.

"Try mo. Araw araw ko itong ulam" proud kong sabe. Syempre hindi ko ikinahihiya ang young's town sardines hehe.

Pinapak niya yung ulam at laking gulat ko ng kumuha pa siya ng isa pa. Isa pa. Isa pa. At isa pa. At ininom nito ang tomato sauce.
Nagbukas na rin si tatay ng dalawang sardines. Para kay Rence.

"Ngayon ka lang ba nakakain niyan?" Tanong ko. Lahat kami ay manghang mangha na nanonood kay Rence.

"Nope.. 4 years ago ng huli akong nakakain nito. And favourite ito ng girlfriend ko na si Yanna" napatingin ako kay John na napailing kay Rence. "Ex I mean.." malungkot nitong sabe.

Nagkaroon ng katahimikan dito.. siguro nagulat sila ng banggitin nito ang ex niya. Without knowing na patay na ito.

"Ibig sabihin mahirap din yung ex mo noon? Parang si Judy Ann lang? Hahaha" binigyan ko na napakalisik na tingin si Mika. Napaka awkward! Kainis! May sense naman ang tanong niya. Pero hindi na dapat niya tinanong iyun! Ano naman kung mahirap? Saka duh! EX NA SILA. Past is past noh. Ang mahalaga ang future.

She Died 3 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon