Liara's POV
"He started it!!" Sabay turo ko kay Ian. Nandito kasi kami sa guidance office. Diba nga dahil pinaguidance kami ni Kaira?
"Pinagtanggol ko lang ang girlfriend ko!" Balik na sigaw niya sakin.
"Wala akong paki!" Sigaw ko sa kanya. Lumapit naman si Ryca kay Ian at kumapit sa braso niya.
"Tama na baby. Pabayaan mo na yang babaeng yan." Sabi ni Ryca tapos ay hinigit niya palayo sakin si Ian. Aba dapat lang. Baka kasi kung anong magawa ko jan.
"And where do you think you're going Ms. Villafuerte and Mr. Kim?" Napangisi ako nung mapagalitan sila ni Kaira.
"And who the hell are you para pagsalitaan kami ng ganyan?" Nakataas kilay na tanong ni Ryca. Ayoko talaga sa aura ng babaeng to.
"Kaira Park. 4-A. Classmate mo and lastly, Royal Gates academy's Student Council President." Mataray na sabi ni Kaira. Infairness.
"And how dare you talk to her like that?" Tanong ni Ian. Itong lalaking to, Napakaepal!
"She just dared." I answered.
"I'm not talking to you, B!tch!" Sabi niya. I smirked.
"I don't care, Jerk." Ganti ko.
"Hindi mo ako kilala Ara."Sabi niya.
"Oh? Anak ka ni tita Ana diba?" Pang-aasar ko.
Magsasalita pa sana siya kaso sumigaw na si Kaira.
"ENOUGH! Liara and Xandrei. Bukas na bukas, Kayo ang maglilinis sa field. Kayong dalawa lang. At ikaw naman Ryca, Tutulungan mo akong maglinis sa Lumang room sa likod ng Academy. Got that? Ngayon, LABAS!" Wth?? Paglilinisin niya kami??
Asa naman!
Magrereklamo pa sana ako pero lumabas na si Kaira ng guidance office.
"Seriously? Anong ginawa ko dito?" Nagtatakang tanong ni Jero.
Pero hindi namin siya pinansin at nagdiretso nalang kami sa labas.
Pumasok na kami sa room namin.
Pagpasok namin ay sinamaan ko agad ng tingin yung mga taong nakatingin sakin.
Mga panira!
"Hey Anne! What happened? Pinatawag daw kayo sa guidance office?" Isang babae ang lumapit kay Ryca at tinanong yan.
"Shut up Ayen." Naiinis na sabi ni Ryca.
Umupo na ako sa upuan ko at tumabi naman sakin si Ian. Hindi kami nag-uusap pero ramdam mo yung lamig ng aura naming dalawa.
Maya maya pa ay dumating na yung teacher namin at nagsimulang magdiscuss.
"I heard may bago ng Vice President ang student council ah?" Sabi ng teacher namin.
"And I heard na it's miss Arceo over there." Sabay turo ni maam sakin. Pero di ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Naramdaman ko namang nakatitig ang klase sakin. Naramdaman ko rin ang tingin ni Ian sakin.
"Has something to say Ms. Arceo?" Tanong ni maam.
Tinignan ko lang siya ng malamig.
"Well, Open your books on page 25" Sabi ni maam. Binuksan ko na yung book ko at tinignan ang lesson.
*************************************
"Kaira!" Tawag ko kay Kaira nung makita ko siyang palabas na ng gate. Uwian na kasi namin.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love: Great Circle
ActionBecause even the hardest person of the gangster world can be broken by love too.