Ara's POV
"Arapot. Diba bestfriends tayo?" Tanong sakin ni Dale habang naglalaro kami dito sa paborito naming park.
"Oo naman." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Ilibre mo nga ako ng ice cream." Natutuwa niyang sabi. Nagpout lang ako sa kanya. Paraparaan talaga.
Unti unti akong dumilat at tinignan ang paligid ko.
Nandito na ako sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nakaharap ko si DCV. Nakausap ko pa. Umiyak pa ako sa harap niya na labis na ikinaiinis ko.
Matapos ang pag-uusap namin ay naalala ko nalang na parang may tumurok sakin hanggang sa unti unti na akong nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung panu ako nakapunta dito sa kwarto ko.
Sino ang nagdala sakin? Tatanungin ko nalang sila yaya mamaya.
Tinignan ko ang sarili ko at nakauniform pa ako.
Yuck. Hindi na ako nakapagbihis at nakatulog nalang ako?
Bumangon ako at tumungo sa bintana ng kwarto ko. Napansin kong hindi ito nakalock.
Baka si DCV ang nagdala sakin dito. Baka dito niya ako idinaan sa bintana. Pero panu niya nalaman ang bahay namin?
Yan ang tumatakbo sa utak ko.
Napatingin ako sa orasan ng kwarto ko.
8:00 na. Mukhang maghahalf day nalang ako.
Bilis akong tumungo sa banyo ko upang maligo.
Nang matapos akong maligo ay humarap ako sa salamin ng banyo ko.
"Hindi na siya si Dale, Ara. Siya na mismo ang nagsabi sayo diba? Alisin mo na ang katiting na pagpapahalaga sa kanya. Kalimutan mo na siya. Burahin mo na siya sa isip mo." Alam kong para akong tangang kumakausap sa sarili ko sa salamin. Pero wala akong mapagsabihan eh.
Hindi ko nan pwedeng sabihin sa mga barkada ko.
Nakakatanga? Oo alam ko. Nakakatanga talaga. Nakaka ubos ng pasensya. Nakakabwisit. Ang sarap magmura.
Napakuyom ako ng kamao at tinitigan ang sarili ko sa salamin.
Bakit ganun? Naging gangster nalang ba ako ng walang dahilan?
Kung titignan mo ang babaeng kaharap ko ngayon, Ang lungkot lungkot niya. Puno ng galit ang mga mata niya. Puno ng lungkot at hinagpis.
Ang babaeng kaharap ko ngayon, May luhang tumutulo sa mga mata niya.
Ramdam ko ang sakit.
Ang sakit ng maiwanan.
Blinder Princess
Ara Arceo
Karugtong ng mga pangalang yan ang Tapang.
Pero ngayon, Bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan?
Hindi pa pala ako ganun kamanhid.
May puso nga talaga ako.
Pumikit ako bago muling tignan ang sarili ko sa salamin.
Pero bakit ganun? Siya paring itsura ko.
Bakit ako malungkot?
Should I really care about the ending of our friendship. I should not give a fvck right? Why am I feeling this way?
Am I really this fragile?
Am I really this vulnerable?
Am I still Blinder Princess?
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love: Great Circle
ActionBecause even the hardest person of the gangster world can be broken by love too.