Gangster 32: [Love Quarrel.Make Up]

4.8K 130 2
                                    

Jero's POV

"Bakit ganyan mga itsura niyo?" Hindi namin pinansin si Onyx na kapapasok lang sa room.

"Ang aga aga namang simangot yan." Si Ayen na naglapag ng bag niya sa upuan niya.

Tumingin ako kay Ian na nakatungo lang din.

Mukhang si Blinder---Ara pala ang problema nito.

"Si Ara ba, Dude?" Tanong ko kay Ian. Napatingin naman siya sakin. Ang lungkot ng mata niya.

"T*ng*na tol!! Nakipag cool off!! Hindi man lang ako pinag explain. Nakakainis naman. Ako nga hindi nagalit na siya pala si Blinder Princess eh. Tapos siya cool off agad!!" Parehas nga kami ng problema nito. Nakipag cool off din kasi sakin si Ryca eh. Naku naman.

"Ooohh. Ayan kasi. Dapat kasi ang girlfriend ang unang nakakaalam ng sekreto mo. Di ka totoo kay Ara tol. Tsk. Nakaabang pa naman sila Andrex at Clyde jan." Tinignan ng masama ni Ian si Onyx kaya natahimik nalang siya.

"Eh kayo ni Ryca? Anong nangyari sa inyo matapos ang mask off?"

"Ayun. Galit na galit. Cool Off kami. Haaaay."

Ano nga bang nangyari? Eh kasi nasa gang ass kami nun. Tapos nakapagdesisyon na akong magpakilala sa kanya. Papasok siya sa office ni Gang master nung hinila ko siya palabas. Kinausap ko siya. Inis na inis pa siya sakin. Remember? Tingin niya sakin nun kaaway. Kaya asar na asar siya.

Tapos tinanggal ko yung maskara ko sa harap niya. Gulat na gulat siya kaya napatakit siya sa bibig niya. Sinampal niya pa ako. Niloko ko daw siya. Ang unfair ko daw. Siya daw inamin niya noon agad agad na siya si Miss Killer Defense tapos ako nun lang umamin. Naiinis siya kasi bakit daw parang ang konti ng alam niya tungkol sa Gang ass. Tumakbo siya papasok ng Office ni Gang Master kaya sinundan ko siya. Pinagmask off niya lahat ng nandun. Aaminin ko mejo nagulat ako dahil kabarkada ko lang pala mga yun. Tapos pinatanggal niya sakin maskara ko. May mga nagulat. Yung mga hindi nakakakilala sakin. Dumating si Zero. Nagmask off din at nagulat sila nung malaman na si Ian yun. Nagalit pa nga si Ara nun diba?

Matapos mag walk out ng reyna ay dumating si Gang Master tapos ang mahal na hari sinundan ang reyna niya. At ewan ko na kung anong nangyari.

Basta after nun nag walk out rin si Ryca kaya sinundan ko. Nagpunta siya sa parking lot ng gang ass pero pinigilan ko siyang pumasok sa kotse niya. Kinausap ko muna siya at sinuyo pero sinampal niya lang ako at nakipagcool off siya.

Kaya eto ako ngayon. Nanlulumo.

May narinig akong tawanan na galing sa pinto kaya napatingin ako sa pintuan.

Pumasok si Ara, Ryca, Kaira at Andrex na nagtatawanan. Nang mapatingin sa direksyon ko si Ryca ay tumigil siya sa pagtawa at umirap.

Mukhang mahihirapan ako sa pagsuyo ngayon ah?

Ian's POV

"Ara." Tawag ko kay Ara na ngayo'y nasa tabi ko. Pero hindi niya ako pinansin. Nakatuon lang siya sa libro niya.

Kelan pa siya nahilig magbasa? -_____-

I poke her side pero still no response parin.

Kumuha ako ng 1/4 paper at sumulat.

Ara please. Let me explain kasi. Cool off ka naman agad jan.

Yan yung sinulat ko sa papel at inabot sa kanya.

Tumuon ako sa teacher na nagdidiscuss sa harapan.

Naramdaman kong binalik ni Ara yung papel sakin kaya naman binasa ko.

The Gangster's Love: Great CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon