Ara's POV
*canteen*
"Haaaaaay." -Ayen na nagbuntong hininga.
"Haaaaaay." -Ryca na nagbuntong hininga din.
*poink *poink
"Aray/Ouch!" Sabay nilang sabi kasi pinukpok ko sila ng hawak kong C2 bottle na wala ng laman.
"Ano bang problema mo, Ara?" Kakamot kamot sa ulong sabi ni Ayen.
"Ikaw? Anong problema mo? Bakit ka nagbubuntong hininga jan?" Tanong ko sa kanya.
"Nakakainis naman kasi. Tapos na nga ang pagiging journalist ni Ayesha dito sa school tapos hindi parin bumabalik ng Tagaytay." Nakapout niyang sabi.
"Ah. Kaya pala problemado ka. Natatakot ka kasi pakiramdam mo inaaligiran niya si Onyx?" Nakangisi kong sabi sa kanya.
"Oo. Ganun na nga." Sagot niya at nagbuntong hininga ulit.
"Wala ka bang tiwala kay Onyx?" Tanong ni Kaira habang sabay kagat ng pizza na kinakain niya.
"Kay Onyx may tiwala ako. Pero kay Ayesha, Wala." Kawawa naman itong si Ayen. Inaaligiran ng half sister niya ang boyfriend niya which happens to be first love of Onyx. Buti nalang si Ian walang first love. Ako lang! Hahahaha.
"Ikaw naman Ryca? Bakit mukhang problemado ka rin jan?" Binalingan ko ng tingin si Ryca na sumusubo ng Spaghetti niya. Nilunok niya muna yung kinakain niya bago tumingin sakin at sumagot.
"Hindi ko parin kasi kayang tanggapin na 2 months ko nalang makakasama si Jero dito." Aysus. Yun pala ang problema. Ang pag-alis ng minamahal niyang boyfriend.
"Bakit? Right after graduation ba talaga ang alis niya? As in agad agad?" Tanong ko.
"Hindi naman. Pinakiusapan niya ang parents niya na magstay muna siya dito ng One Week bago siya umalis." Sagot naman niya at sumubo nanaman ng pagkain niya.
"Oh. Yun naman pala eh. Edi make that one week worthwile." I said.
"Tss. It can't change the fact na aalis siya." Nagdadabog siyang uminom ng C2 niya.
Kumagat muna ako ng Pizza na kinakain ko rin bago magsalita.
"Alam mo Ryca. Yung pag-alis ni Jero may mabigat na dahilan. Alam mo na hindi naman siya aalis para lang sa wala diba? Alam kong ayaw ka rin naman niyang iwan dito. Pero isipin mo, Pag hindi siya umalis, Magiging maligaya nga kayo pero panu ang pamilya niya?" Natigilan si Ryca sa sinabi ko.
"Kainis. Pag ikaw na ang nagsalita mapapatahimik talaga ako." Nginitian ko lang si Ryca.
"But thanks." Ngiti niya sakin.
"Ikaw Kaira? May problema ka rin?" Tanong ko kay Kaira kaya napatingin siya sakin.
"Meron."
"Ano naman?" Sabay sabay na tanong namin nila Ayen at Ryca.
"Araw araw akong pinapatay ni Andrex sa kilig."
=_________= - Me
=_________= - Ryca
=_________= - Ayen
"Ang lala. Malala talaga." Naiinis na wika ni Ayen.
"Putek na yan. Lulong na lulong eh." Sabi ko naman.
"What the?" React naman ni Ryca.
"Wag nga kayo! Mga inggit." Sabi niya.
"Anong inggit? So what kung pinapakilig ka ni Andrex? Eh may Jero ako and 16 years na niya akong pinapakilig." Belat pa ni Ryca kay Kaira.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love: Great Circle
ActionBecause even the hardest person of the gangster world can be broken by love too.