Gangster 61: [Why?]

3.5K 84 1
                                    

Ara's POV

"Naglalaro ka pala niyan?" Hindi ko pinansin si Ian na umupo sa tabi ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalaro ng rubix cube. Malapit ko na kasi itong mabuo.

"Kaya mong buuin yan? Ilang araw ka na bang nagtatry?"

"Three days ago." I anwered.

Hindi na niya ulit ako kinulit at hinayaan nalang sa ginagawa ko.

After 5 minutes ay napangiti ako dahil natapos ko na rin ang ginagawa ko.

"Yeah! Buo na rin." Inangat ko pa ang rubix cube habang abot tenga ang ngiti ko.

"Tss." React naman nitong katabi ko.

"Nasan pala yung iba?" Tanong ko kay Ian dahil kakami lang ang nandito sa room. And when I say, Kami lang. Kami lang talaga.

"Nasa canteen." Sagot niya bago kunin ang rubix cube sa kamay ko.

"Ang galing mo naman. Samantalang ako ni minsan hindi makabuo. Kahit isang kulay lang." Nakakatuwa siya. Para siyang batang nagtatampo.

Binawi ko ang rubix sa kamay niya at ginulo gulo ko iyon.

"Hoy. Bakit mo ginugulo ulit? Bobo ka ba? Tatlong araw mong binubuo tapos guguluhin mo lang. Eh bobo ka nga." I ignored his rant and continue what I'm doing.

Kahit patuloy siyang nagrereklamo ay tuloy parin ako sa paggulo ng rubix cube. Nang matapos ako ay inabot ko sa kanya. Nagtataka naman siyang kinuha yun mula sa kamay ko.

"Anong gagawin ko dito?" Taas kilay niyang tanong.

"Try mong ipampukpok sa ulo mo. Baka sakaling gumana yang utak mo." I answered sarcastically.

"Ha-Ha. Last mo na yun. Baka ikamatay mo na sa susunod." Bira niya naman sakin.

"Gag*" Mura ko.

And in an instant nakanakaw nanaman siya ng halik sakin.

"Bunganga mo ha." Nagmake face lang ako sa kanya.

"So ano ngang gagawin ko dito?" Binalik niya ang tingin sa rubix cube.

"Buuin mo yan." Sagot ko.

"Huh? Eh kasasabi ko pa nga lang na hindi ako marunong diba? Kahit pa habambuhay ko tong itry buuin. Hindi ko to mabubuo." Akmang ibabalik niya na sakin yung rubix pero pinigil ko siya.

"Nasan ang yabang mo Mr. Ian Xandrei Kim? Rubix Cube lang hindi mo pa mabuo. Tsk tsk." Iiling iling pa ako sa kanya kaya tumalim ang tingin niya sakin.

"Tss. Hinahamon mo ba ako, Miss Arceo?"

"And what if I am?" Ngumisi ako sa kanya.

"Okay. I'm taking your challenge. Pero dapat may kapalit." Tinaasan ko siya ng kilay and now, It is his turn to grin.

"Pag nabuo ko to, Kahit anong mangyari, Masama man o mabuti, Ipangako mong sakin ka lang pakakasal." Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog na ito. Nag-init din bigla ang pisngi ko.

Nakanang! I tried to voice out something pero nawawala ang boses ko.

Speechless ako?Oo, Best way to describe what I'm feeling right now.

"Oh ano? Speechless ka? Nganga pa, baby." Arghhh. Kainis. Nanalo nanaman siya sa asaran.

"Basta. Buuin mo yan." Wika ko sa kanya at umiwas na ng tingin.

The Gangster's Love: Great CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon