Gangster 37: [Selos]

4.3K 114 3
                                    

Ara's POV

"Arghh!! I hate it!! I hate it talaga!! This is Torture!!" Pagmamaktol ko habang naglalakad. Bwisit kasi na Ian yan. Iwanan daw ba ako? Ano ba kasing problema nun? Kakabati lang namin ah? Hindi ko alam kung galit sakin oh hindi. Kanina pa ako naglalakad at hanggang ngayon ay hindi ko parin siya natatagpuan. Pag nalaman ko lang na nambabae yun, Naku! Puputulan ko yun!

Bakit nga ba siya tumakbo? Well this is what happened a few minutes ago.

**Flashback**

Nandito parin kami sa kubo at hinihintay lang namin ang pagbabalik nila Ayen at Onyx. Nagkukulitan at nag-aasaran lang sina Andrex, Kaira, Jero at Ryca.

Si Clyde naman nakikinig sa headset. Si Ian nakayakap sakin at ayaw na ata akong pakawalan. Possessiveness level 99.9. Kahit naiirita ako ay tinitiis ko parin. Pasalamat siya mahal ko siya. Yuck! Hindi naman ako ganito dati ah? Ganun ba talaga pag naiinlove? Nabobobo at natatanga? Kahit na ang pinakamatigas na tao ay napapalambot pag nainlove? Na kahit na pusong bato ka ay malulusaw yan pag may nagpatibok ng mala yelo mong puso? At nagiging corny ka na samantalang cold ka naman dati? Well, Kung ganun nga ang inlove ay nakakabwisit pala talaga. Ibang iba na ako. Hindi ako ganito. Natuto na akong magkaroon ng pakiramdam ulit. Hindi na ako manhid. Parang yung sakit na naramdaman ko dahil sa pagkawala ni Dale ay naalis nang dahil lang sa mga kaibigan ko. Si Kaira na nung una ay kinaiinisan ko at tinuturing kong competitor pero bestfriend ko na ngayon. Si Jero at Ryca na sobrang PDA pero nagpapasigla ng naman sa barkada. Si Onyx na comediant sa barkada. Si Ayen na sobrang talino at Nagmimistulang tutor namin tuwing nahihirapan kami sa isang lesson. Kahit na siya ang pinakabata samin. Si Andrex na guy bestfriend ko at tinuturing kong Dale the second. Kuya sa barkada. Mature mag-isip kumbaga. Si Clyde na sobrang tahimik akala mo autistic. Nerdy noon pero astig na ngayon kahit pa hindi halata sa galaw niya. Geeky kumbaga. Siya rin ang nagmimistulang adviser ko tuwing kailangan ko ng knowledge. At huli... Si Ian, Ang Zero na kalaban ko sa gang ass pero ngayon ay boyfriend ko na. Sinong mag-aakala na magkakainlovan kaming dalawa eh halos magpatayan na kami noon? Kahit di ko madalas sabihin. Mahal na mahal ko ang gagong to. Noon yung taong kinaiinisan ko at gusto ko ng patayin ay ang taong ikamamatay ko pag nawala sakin ngayon.

"Ano Arabebe? Anong sagot mo?"

"Uhh? Oo?" Mukha silang nagulat lahat sa naging sagot ko? Aba malay ko ba sa pinag-uusapan nila? I was busy talking to myself at biglang nagtatanong sila ng kung ano man kaya sinagot ko ng Oo. Malay ko ba?

"Anong sagot mo Ara? Anong sagot mo?" Tinignan ko si Ian na mukhang nagtransform na bilang dragon. Oh? Ano ba kasing mali sa Oo ko?

"Oo. Di mo narinig?" Sagot ko sa kanya. Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako ng masama. As in sobrang sama. Tumayo siya at dali daling umalis sa lugar na kinaroroonan namin.

"Halla? Ano bang nasabi ko? Nagalit ba siya sa oo ko?" Tanong ko sa mga naiwan.

"Arabebe. Don't tell me hindi ka nakikinig sa usapan namin at basta ka nalang sumagot?" Tanong sakin ni Rycavirgin. Tumango ako sa kanya. Wala naman kasi talaga akong idea sa pinag-uusapan nila.

"Haha. Sabi na eh! Nagulat talaga ako sa naging sagot mo. Nagspace out ka lang talaga. Habulin mo si Ian dahil namis interpret ka niya." Tatawa tawang sabi ni Kaira.

"Ano ba kasi yung tanong?" Naiirita kong sabi.

Hindi sila sumagot sa halip ay nagtawanan lang. Si Clyde nakaheadset at nakapikit. Pinagpasyahan ko nalang na umalis para hanapin ang walk-out king na yun. May mga baliw akong kaibiga. Gash. I'm so blessed! Note the sarcasm. =______=

**End of Flashback**

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung ano ba yung pesteng tanong at bakit ganun nalang ang naging reaction ni Ian sa sagot ko.

The Gangster's Love: Great CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon