Gangster 59: [P.R.O.M.]

3.8K 78 5
                                    

Ara's POV

"Sino ba kasing nakaimbento ng prom? Ipapapatay ko talaga." Pagrereklamo ko habang sinusukat sakin ang gown na kulay asul.

Okay pa sana kung cocktail eh. Kasu gown?? Nagmumukha akong disney princess eh. Nak nang!

"Bunganga mo nga Ara." Saway sakin ni mommy kaya nagpout lang ako.

Prom na kasi namin mamaya at itong magaling kong ina ay excited pa sakin.

Last year kasi sa dati kong school hindi ako umatend dahil puro pasosyal lang naman ang meron. Dapat nga ngayon hindi ako aatend pero pinilit lang ako ni mom at syempre dahil na din kay Ian.

Ang bilis ng araw. February na, Next mong gagraduate na kami.

"Oh ayan. Prettylalu na ang jonakis mo." Nakangiting wika ng bakla kay mommy.

Pumalakpak naman si mommy.

"Ma! Mamaya pa po ang prom. Ang aga aga pa kaya tapos inaayusan na ako?"

"Anong inaayusan? Sinusukat lang kung tama ang sukat sayo ng gown mo." Sagot naman sakin ni mommy.

"Oh ayan. Nasukat na. Tamang tama sakin. Pwede na bang alisin?" Natawa lang sakin si mommy tsaka yung bakla.

"Sige na. Magbihis ka na." Pumalakpak naman ang tenga ko sa narinig ko.

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at tinanggal ang damit tsaka nagsuot ng pambahay ko.

Pagbaba ko ay kausap parin ni mommy ang bakla.

"Ang gorgeouslalu talaga ng jonakis mo, Nica. Nagmana sayo. Keber!" Rinig kong sabi ng bakla.

Natawa naman si mommy. "Nakakaaliw nga ang anak kong iyon. Kung hindi lang siguro nun boyfriend si Xandrei ay iisipin kong tomboy yun. Hindi kasi kikay." Sabi naman ni mommy kaya napataas ang kilay ko.

"Ay!! Bonggacious!! May papabol ang iyong Disney princess mo? Ay for sure ay yummy at gwafu iyun!" Bakit ba ang aarte ng mga bakla?

"Napakagwapo nga ng batang iyon." Nakangiting wika naman ni mommy. Napailing iling lang ako. Hindi ba nila napapansing nandito na ako?

Lalapit na sana ako kila mommy nung may biglang nagdoorbell.

"Ako na" Sabi ko bago tumungo sa gate at nagulat ako kung sino ang nandun.

"Anong ginagawa mo dito?" Taas kilay kong sabi sa kanya.

"Tinawagan ako ng mommy mo. Dito na daw kami hanggang mamaya at magsabay sabay nalang daw tayong pumunta ng school." Napatingin ako sa dala ni Kaira at may hawak nga siyang malaking plastic bag at isang bag ng sapatos. Mukhang dinala na niya dito ang susuotin niya mamaya.

Pinagbuksan ko siya ng gate at nagulat ako nung makitang kasama pala ni Kaira sina Ayen at Ryca. May mga dala rin.

"Grabe si mommy. Tinawagan talaga kayo." Wika ko at pinapasok na sila. Nang makapasok na ay sinara ko muna ang gate bago magtuloy sa loob ng mansyon namin.

"Oh. Ayan na pala kayo." Nakangiting salubong ni mommy kila Ayen at nagbeso beso pa.

Nagchismisan lang sila ng chismisan nung magbeep ang phone ko.

Napangiti ako nung mabasa ang text ni Ian.

From: Ian<3

Baby, Outside :)

Agad agad akong lumabas at napangiti nung makita ko si Ian sa labas ng gate namin.

Lumabas ako at lumapit sa kanya.

The Gangster's Love: Great CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon