Gangster 63: [Bitches]

3.4K 83 6
                                    

Ara's POV

Nabalitaan namin ang break-up nila Ayen at Onyx. Lahat kami nasasayangan. Muntik na ngang mabugbog nila Ian si Onyx dahil sa ginawa nito pero pinigil ko lang.

Akala ko kasi madadaan ito sa maayos na usapan pero wala eh.

Hindi matino sumagot si Onyx.

As in wala talaga siyang sinasabi. Nakakagago siya, Nagpromise pa siya kay Ayen kung hindi niya parin pala tutuparin, Ang sarap nilang pag-untugin ni Ayesha niya.

Sobra siguro ang sakit na nararamdaman ni Ayen ngayon.

Laging awkward kasi nasa iisa circle of friends lang kami.

Si Ayen ayun, Nagtutok nalang sa pag-aaral. Minsan nga hindi na siya naglalunch eh. Ginawang tambayan ang library.

Minsan naman tuwing magkakasama kami, It's either aalis si Ayen or aalis si Onyx.

Ganun kaloko ang sitwasyon namin. At lahat kami naaapektuhan sa kaartehan nilang dalawa.

Ngayon naman ay lunch at nandito kami sa canteen. Hindi nagsasalita si Onyx at kumakain lang.

Si Ayen ay malamang nasa library nanaman.

Nabasag ang katahimikan nung magsalita si Clyde.

"Diba si Nicollo yun? Bakit kasama niya si Ayen?" Napatingin silang lahat sa tinuturo ni Clyde except sakin na kay Onyx nakatingin.

Napatigil siya sa pagkain at tinignan din ang sinasabi ni Clyde.

Napangisi ako. I know he loves her. Pero bakit mo iniwan Onyx? Bobo ka ba?

Tinignan ko nalang din sila Ayen na papasok ng canteen.

"Nicollo! Ayen! Dito!" Napatingin sila samin at ngumiti.

Lumapit sila sa table namin.

"Oorderan nalang kita." Tumango lang si Ayen kay Nicollo at umalis na si Nicollo patungong counter.

Umupo naman si Ayen sa tabi ko.

"Bakit kayo magkasama nun?" Tanong ni Ryca.

"Ahh. Pinilit niya lang akong maglunch. Lagi niya daw kasi akong napapansin na pumapasok lang sa library tuwing lunch." Nakangiting kwento ni Ayen.

"Ay ang sweet." Sabi ni Kaira.

"Wala na akong gana." Tatayo sana si Onyx nung pigilan siya ni Jero.

"Hintayan pre. Pag umalis ka ngayon, Magmumukha kang bitter kay Ayen." Nagulat si Onyx pero umupo rin naman agad.

Napatingin ako kay Ayen at nakita kong nakatingin lang siya kay Onyx.

Napailing iling ako.

Maya maya ay dumating na si Nicollo at inabot ang pagkain ni Ayen.

"Parang dati lang si Onyx ang gumagawa niyan kay Ayen." Sinamaan ko ng tingin si Ian nung sinabi niya yan.

"Lahat nagbabago Ian. Tandaan mo yan." Sabi sa kanya ni Clyde at nagsukatan ng tingin ang dalawa.

May something ata na hindi maganda sa dalawang to.

"So Nicollo, Nililigawan mo na ba tong kaibigan namin?" Napaubo si Onyx samantalang si Nicollo ay nanlaki ang mga mata sa tanong ni Kaira.

"Oo. Kasu ayaw niyang magpaligaw." Napatingin ako kay Onyx na masama ang tingin kay Nicollo.

"Ay! Bakit naman Ayen? Magpaligaw ka na." Nagshrugged lang si Ayen.

Itong si Kaira naging official lang sila ni Andrex. Naging pakialamera na sa lovelife ng iba.

The Gangster's Love: Great CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon