Ian's POV
Ibang klase talaga yung amasonang yun. Naground daw sakin? May kuryente ba ako?
Walang hiya yung mga yun iniwanan ako. Binilisan ko ang paglalakad ko para sundan sila.
Nandun na silang tatlo Guidance Office at nagtatalo nanaman si Kaira at Ryca.
"Eh bakit kasi di nalang ako ang kasama ni Baby?" Reklamo ni Ryca kay Kaira.
"Oh sige. Kayo ang maglinis dun sa Field. Dalawa kayo ng baby mo." Naiinis na sagot ni Kaira.
"No! Ang gusto ko, Kaming dalawa sa lumang room sa likod! Ang lawak kaya ng field!" -Ryca
"Eh diba gusto mong makasama si Xandrei? Pinagbibigyan na nga kita eh." -Kaira sabay roll eyes.
"Eh gusto ko sa lumang room! Kayo nalang ni Liara sa Field!" -Ryca.
"Hindi kayo pwedeng magsama doon ni Xandrei! Baka may gawin kayong milagro!" -Kaira.
Napaubo naman kami ni Ara sa sinabi ni Kaira. Anong milagro? Kami ng pinsan ko? Sabagay di niya alam.
"Green! Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano ano!" -Ryca, malamang pati yan nandidiri na.
Nung hindi ako makapagpigil ay babatukan ko na sana sila pero naunahan ako ni Ara. Ang bilis niya.
"Ouch/Aray." Sabay na sabi nung dalawa.
"Kayong dalawa nalang sa field at kami na ni Ian sa room! Wala tayong masisimulan jan sa pagtatalo niyo eh!" Sabi ni Ara. Mukhang natakot naman yung dalawa sa itsura ni Ara kaya natahimik sila.
"Sige!!" Nagulat ako nung pumayag si Kaira na kami nalang sa lumang room. Kumuha na siya ng walis at dustpan at hinigit palabas si Ryca na nagsisisigaw.
Napatingin naman ako kay Ara na kumukuha na rin ng walis at dustpan. Buti wala dito si Sir Colas.
"Oh ano?" Tinignan ako ni Ara ng di-ka-ba-maglilinis-look.
Kumuha naman ako ng mga gamit ko at sumabay kay Ara papunta sa likod ng school.
Walang nagsasalita saming dalawa habang naglalakad.
Hindi naman cold ang atmosphere namin. Katunayan ang tamlay niya talaga ngayon.
Nakayuko lang siya habang naglalakad.
"Ah Ara."
"Ano?" Naiirita niyang sabi.
"Dito na yung lumang room." Turo ko sa pintuan sa harap ko.
Bigla naman siyang napatigil. Lumampas na kasi siya.
"Sabi ko nga. Tabi!" At tinulak niya ako tsaka siya naunang pumasok sa loob.
Napangisi ako sa katangahan ng babaeng to.
Pumasok na rin ako sa room at naabutan ko siyang naglilinis na.
Sumandal lang ako sa pader at pinanood siyang magwalis ng mga dumi, Magpagpag at magsalansan ng mga gamit na pakalat kalat.
"Hindi ka ba maglilinis?" Lumapit siya sakin at namewang sa harap ko.
"Maya na. Tsaka ikaw nalang kaya? Tutal bagay sayo. Hahahaha." Sinusubukan ko lang siyang inisin kasi ang tamlay niya at hindi ako sanay.
"Kahit kelan talaga." Iiling iling niyang sabi at lumayo na sakin. Yun na yun? Nagpatuloy lang siya sa pag-lilinis kaya nagsimula na rin ako.
At dahil sa naboboring ako ay nagpatugtog ako ng kanta.
Np: No Distance
By: Jason Chen
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love: Great Circle
ActionBecause even the hardest person of the gangster world can be broken by love too.