Kaira's POV
One month. One month simula nung makatanggap kami ng isang malaking pagbabago sa buhay namin.
Biglaan nalang naglahong parang bula si Ian at iniwan si Ara sa ere. Nobody knows where he is.
Sa isang buwan ay nakakaramdam na kami ng unti unting pagsugod ng mafia famiglia.
Nawawala na rin si Gang Master at ewan namin kung nasan siya. Kung kelan kelangan tsaka nawala. Pakshet lang.
"Wala bang balita?" Tanong ni Ryca na alalang alala na sa pinsang nawawala.
"Tingin mo magiging ganyan parin ang itsura ni Ara kung may balita na kay Ian?" Turo ni Andrex kay Ara na nakatingin sa kawalan.
Nandito kami ngayon sa Gang Ass at nagpasya kaming mag-usap usap dahil nga sa nawawala si Gang Master at si Ian.
Si Ara. Ang dating nakakatakot na aura na meron siya ay nawala na. Tuwing titignan mo siya, imbis na matakot ay maaawa ka pa. Hindi na siya ang Blinder Princess na kakilala ko.
"Ara." Lumapit ako sa kanya. Tinignan naman niya ako at ang cold cold ng expression ng mga mata niya. Pero meron ding hint of pain. Ganun siya nakakaawa.
"May nabugbog nanaman daw na gangster kagabi. Nadala pa nga sa hospital." Napatingin kami sa kapapasok lang na si Ayen kasama si Nicollo. Hindi kami nakamaskara dahil kami kami lang naman ang nandito at wala ang mga lower gangsters.
"Saang gang?" Tanong ni Ryca.
"X gang. Mula sa Y gang ang nakapagsabi samin." Napakagat ako sa labi ko. Sumusugod na sila. Hindi na biro to. VMafia ang kalaban namin dito.
"Nasan ba kasi si Gang Master?" Naiinis na wika ni Andrex.
"Ayen. Samahan mo ako. Let's do a research. Tara sa leader ng X gang." Yaya ni Nicollo kay Ayen.
"Kakarating niyo lang tapos aalis na kayo agad?" Sabat ni Onyx na masama ang tingin kay Nicollo.
"Kung bitter ka kasi kasama ko si Ayen. Magdusa ka." Pang-asar sa kanya ni Nicollo na ikinagulat ni Ayen.
"Asa dude." Wika ni Onyx.
"Arggh. Pwede mamaya na yang selosan niyo? Tsk." Naiinis na sabi ni Ryca. Itong si Ryca naging sobrang sungit na simula nung umalis si Jero patungong US. Nasanay kasi sila na magkasama sila palagi ngayon magkalayo na.
"Kung namimiss mo si Jero. Pauwiin mo na. Kailangan natin siya ngayon. Wala si Zero." Wika ni Ayesha.
"Sinabi ko na sa kanya yan and ginagawan na niya ng paraan." Sabi ni Ryca.
Muli akong napatingin kay Ara nung bigla siyang tumayo at tumungo sa may pintuan.
Nilapit niya ang tenga niya sa pinto. Nagtataka naman kaming pinanuod siya.
"Sh*t." Bigla akong kinabahan sa pagmumura ni Ara.
"B-bakit??" Tanong ko sa kanya.
Humarap siya samin at tumingin ng seryoso. "May mga tao sa labas." Nanlaki ang mata ko. Bakit bigla akong kinabahan?
"Baka yung mga gangsters lang yan." Cool na sabi ni Onyx.
"Kung yung mga gangsters yan, Edi sana nag-iingay na sila ngayon. Pero bakit ang tahimik?" Seryosong sabi ni Ara. Bakit ba ang talas ng pakiramdam ng babaeng to? Nakakainggit tuloy.
Napatingin kaming lahat nung gumalaw ang doorknob. Unti unting bumukas ang pinto kaya nagready kaming lahat. Hinawakan ko ng mahigpit ang baril ko.
Nakahinga kami ng maluwag nung si Gang Master lang ang pumasok.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love: Great Circle
ActionBecause even the hardest person of the gangster world can be broken by love too.