Gangster 9

7.5K 172 2
                                    

Liara's POV

Ilang oras na ata ako dito sa tapat ng salamin sa banyo ko kakatoothbrush. Hindi ko kasi matanggap na isang hamak na GG lang ang nakahalik sakin! Arrrrgggh!!

Nagmumog na ako at tinignan ang sarili ko sa salamin.

"Ang ganda ko pero isang gago lang ang nakahalik sakin! argghh! Bwisit na GG yun!" Lumabas na ako sa kwarto ko at tumungo sa walk-in closet ko. Kumuha ako ng Aeropastale t-shirt ko na color blue at isang maong shorts.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay bumaba na ako para manuod ng TV. May TV naman sa kwarto ko kaso mas bet ko sa baba.

Pagkadating ko sa salas ay naabutan ko si mommy na nanunuod. Kadarating lang nila? Nagbago na ang isip ko kaya pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko at doon nalang ako manonood. Binuksan ko ang TV ko at umupo sa ibabaw ng kama. Palipat lipat lang ako dahil wala akong magustuhang palabas.

Pinatay ko nalang ang TV. Kinuha ko ang laptop ko at nag open ng facebook account.

Nag accept lang ako ng Friend Request.

Inadd na ako ni Kaira, Pati si Ryca. Pati nga si Jero eh.

Inaccept ko lang sila.

Andrex Jimenez? Accept.

Ayen Chua? Accept. Tutal mga pamilyar naman sila. Pati si Onyx Havier na malandi ay inadd ako.

Ian Xandrei Kim

Accept o Ignore?

Inaccept ko nalang siya dahil sayang ang effort niyang pag-aadd sakin.

After nun ay nagstatus lang ako.

'Die GG. :-P'

Yan ang status ko. Ilang minutes lang ay madami ng naglike.

Hahaha! Ni wala nga silang idea kung sino ang GG na yun.

Maya maya ay tumunog ang chatbox ko.

Ian Xandrei Kim: Rot in Hell, FL >_<

Liara Vanessa Arceo: You first, GG :-P

Ian Xandrei Kim: Die!! Die!! Argggh! You first kiss stealer!

Me: How dare you! You're the stealer here! My precious first kiss is gone! And it was stolen by a GG!

Siya: FL!

At dahil sa nabibwisit ako ay naglog-out na ako. Pinatay ko na ang laptop ko.

Narinig kong tinawag ako ni yaya kaya bumaba na ako para kumain.

Tahimik lang kami sa hapag dahil wala naman akong balak kausapin ang parents ko.

"Vanessa." Hindi ko pinansin si Dad nung tinawag niya ako.

"Vanessa." Pag-uulit niya.

"What?" I said irritated.

"Hindi mo man lang ba kami babatiin ng mommy mo? Parang hangin lang kami sayo ha?" Halatang naiirita na si Dad. Kita niyo? Nananahimik na nga ako, nagmumukha parin akong masama sa paningin nila.

"Why would I? Nagpaalam ba kayo nung aalis kayo? Hindi diba? Kaya patas lang." I said without even looking at them.

"Vanessa." Dad said firmly. Ha! As if I'm scared. Duh!

"Kiel. Let her." Mom said.

"Kaya nagiging ganyan yan dahil inispoiled mo! Nababastos ka na niya minsan Monica pero hinahayaan mo." Sabi ni Daddy kay Mommy.

The Gangster's Love: Great CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon