Gangster 56: [Jero and Ryca's Dilemma]

3.4K 77 0
                                    

Kaira's POV

2 months nalang at maaamin ko na rin ang nararamdaman ko for him. For Andrex.

I never thought that I will like him eventually. All my life I've been always dreaming of being with Jero. I never see myself with somebody else, But along came this guy. Andrex Jimenez.

"Space out ka ata?" Napatingin ako kay Clyde na nasa tabi ko ngayon.

"Hindi naman. May mga naiisip lang." Sagot ko naman sa kanya.

"Si Andrex. Kayo na ba?"

"Hindi pa." Lagi nalang yan ang topic namin tuwing magkakasama kami. Kung kami na daw ba.

Ganun ba sila kaexcited na magkatuluyan kaming dalawa?

"Si Shantal? Di mo ba namimiss? Wala ka bang balak na dalawin siya dun?" Ako naman ang nagtanong kay Clyde.

"Miss na miss ko na nga eh. Kaso hindi kasi pwede." Kumunot ang noo ko sa kanya. Bakit naman hindi pwede?

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Balang araw maiintindihan mo rin ako, Miss President." Lalong kumunot ang noo ko.

Hindi ko siya magets.

"Ganyan ba kayong matatalino? Komplikado mag-isip?" Sabi ko sa kanya at napachuckle naman siya.

"Bakit? Si Andrex ba ganito din sayo?"

Nag-isip isip naman ako.

Matalino si Andrex at oo, may mga pagkakataon na hindi ko siya maintindihan.

"Oo. Madalas." Sagot ko nalang.

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap ni Clyde nung bigla akong hinigit ni Andrex patayo.

Galit na galit ang mukha niya

Halla? Anong nangyari dito?

"A-andrex?? B-bakit?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. Instead tinignan niya si Clyde.

"Dapat ba lagi kitang karibal? May Shantal ka na diba? Bakit kasama mo si Kaira?" W-wait? Nagseselos ba siya?

"T-teka lang naman Andrex. Ano ba yang mga pinagsasabi mo?" Hindi parin ako sinagot ni Andrex.

"Andrex, Pare. Nag-uusap lang kami ni Kaira. I'm dissapointed. Diba ikaw ay man of understanding? Bakit ka ganyan maakto ngayon?" Napabuntong hininga lang si Andrex at tumungo.

"I guess lahat ng understandings ko sa katawan ng evaporate nung makaramdam ako ng selos." Namula ako sa sinabi niya.

Inamin niyang nagseselos siya.

Kyaaaaaah!!!!

"I'm sorry bro." Paghingi niya ng tawad kay Clyde.

Ngumiti lang si Clyde bago tuluyang umalis.

"Para kang tanga." Sabi ko kay Andrex.

"Tss." Ahaha. Ang sungit nanaman po niya.

Jero's POV

Magkasama kami ngayon ni Ryca. Vacant namin kaya pakalat kalat lang kami dito sa school. Di pa naman kasi pwedeng umuwi hanggat hindi pa uwian. Tsk.

"San mo balak magcollege?" Natigilan ako sa tanong niya.

Napayuko ako.

"Huy babe?" Hindi ko siya pinansin.Nanatili lang akong nakayuko.

"Jero tinatanong kita." This time tinignan ko na siya.

"E-ewan ko pa eh." Sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Yung problema mo, Hanggang kelan mo balak itago sakin?" Alam niya.

Sa bagay, Si Ryca yan eh. Sanggol palang ata kami magkasama na kami. Kaya malamang alam niya pag may mali. Wala na akong pinapasok na babae sa buhay ko maliban kay Ryca. Syempre pati sa mga relatives ko.

Ay oo nga pala. Sila Ara pa pala.

"Wala akong problema." I turned to look at her and gave her a reassuring smile.

"You're not a good liar, Jero. Tell me." Nawala ang ngiti ko at tumingin ako sa kanya ng seryoso.

"Hindi ako dito magcocollege." Sagot ko sa kanya at nagbuntong hininga.

"S-saan?" Alam kong tinatry niya lang kumalma.

"Kailangan kong sumunod kila Kuya sa US. Nandun na sila Dad at mom. At bilin nila sakin na sumunod after graduation." Tumingin sa ibang direksyon si Ryca.

"Hanggang kelan ka dun?" Tanong niya pa.

"Hanggang sa maayos ang problema sa company namin." Napabalik ng tingin si Ryca sakin at takang taka.

Kailangan ko ng sabihin ang totoo. Hindi ko to maitatago sa kanya ng matagal.

"Nalulugi na ang company namin. Napabayaan ito simula nung magkasakit si Kuya Leo. Last month ko lang nalaman." Ako naman ngayon ang umiwas ng tingin.

"Eh diba may branch ang company niyo dito? Bakit kailangang doon ka pa mag-aral."

"Nakasanla ang branch ng company namin dito. Sabi ko nga, Nagkanda lugi lugi na kami. Mas pinaparioritize lang nila dad yung sa US dahil doon ang mas malaking investments." Paliwanag ko sa kanya.

"Pero hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangang doon ka mag-aral. Kaya namang asikasuhin ng parents mo yun kahit nandito ka." Hindi ako makasagot. "Look Jero. Dapat umpisa palang sinabi mo na para nakahingi ako ng tulong sa parents ko. Hindi yung ganito. Malalaman ko nalang na after graduation aalis ka na, At doon mag-aaral. Malalayo ka sakin. 16 years tayong magkasama Jero. Sabay tayong lumaki. Tapos bigla ka nalang mawawala sa tabi ko? I can't imagine my life without you." May tumulong luha sa mga mata niya pero agad ko rin iyong pinunasan.

"Please understand. Kailangan kong mag-aral dun kasi isasabay na ang training ko sa pagpapatakbo ng company. Habang nagpapagaling si Kuya Leo, Ako muna." Hindi siya umimik. Humihikbi parin siya.

"At kaya ayokong sabihin sayo kasi alam ko na hihingi ka ng tulong sa parents mo. Ayoko ng ganun, Ayokong umasa sa iba. Kahit parents mo pa sila, Gusto kong ako mismo ang makaayos ng gusot na to. Gusto kong patunayan ang sarili ko na I'm man enough." Paliwanag ko sa kanya.

"Jero naman. Ayoko nga kasing malayo sayo. Hindi ko kaya."

"Iba ang hindi kaya sa ayaw tanggapin. Kaya mong malayo ako pero ayaw mo lang tanggapin na aalis ako." Tinignan niya ako bago irapan.

"Bwisit. Ikaw na matalino." Natawa ako dahil para nanaman siyang bata.

"Babalik ako dito every semestral break. Or kung gusto mo puntahan mo ako dun." Nagbuntong hininga nalang siya bago tumingin ulit sakin.

"Bakit ganun? Sunod sunod ang dating ng problema. May mas lalala pa ba dito?" Tanong niya sakin. Hinigit ko siya papalapit sakin at niyakap.

"Pagsubok lang to. Kaya nating lagpasan to. Aayusin ko lang ang gusot sa kompanya namin." Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik.

Sana

Sana maayos nga to.

Bakit kasi nalugi pa kami? Kailangan talagang magpagaling ni Kuya para wala ng problema. Kailangan kasi namin ng ideas niya.

Magaling si Kuya pagdating sa business.

Kung ako ang tatanungin. Ayoko rin namang malayo kay Ryca. Hindi ko kaya.

--------------------------------

Author: Estimated chapters? Ewan. Di pa sure. Hahahaha :)

Next chapter's title: [DCV and Queen]

Yeah! Moment ni Ara at ng Mafia Reaper or should I say, Dale

The Gangster's Love: Great CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon