Epilogue

7.4K 163 43
                                    

Note: Read the author's note after reading the update. Thanks. XOXO :*

So this is it...

********************************

Epilogue:

Ryca's POV

3 months ng commatose si Ara. July na at next month ay pasukan na namin for College.

Pero hindi kami naeexcite. Sino ang maeexcite kung nakikita namin ang kaibigan namin na nakaratay lang sa hospital bed at maraming apparatus ang nakakabit sa kanya?

Ang tagal gumising ni Ara. Araw araw namin siyang dinadalaw at kinakausap baka sakaling magising na siya pero nakakalungkot sabihin na walang nangyayari.

May time pa nga nagparty kami sa loob ng kwarto niya nagbabakasakali na magising siya at sigawan kami na maingay kami. Kaso wala.

Dumating rin yung oras na kiniliti namin siya sa paa pero wala parin. Ganun kahimbing yung tulog niya. Natatakot tuloy ako na baka hindi na siya magising. Na baka iwan niya kami.

"Hi Ara. Nandito nanaman ako." I tried being energetic in front of her baka sakaling magising siya ng kaingayan ko. Pero wala parin.

Mukha parin siyang lantang gulay.

"Bakit ba ang hilig mong tumambay dito sa Hospital? Gising na kasi. Namimiss ka na namin." Kahit naiiyak ako ay sinusubukan ko paring maging matatag for Ara.

Ang daya. Namimiss ko na nga si Jero na umuwi dito last week para dalawin si Ara pero bumalik din agad sa States tapos itong si Ara nagpapamiss din.

Pati yung ugok kong pinsan namimiss ko na. Nasan na kaya yun? Porket naman mafia reaper siya ay pinsan ko parin siya.

"Ara gumising ka naman na oh. Namimiss ka na naming lahat. Tinatry naman namin na mapapunta si Ian dito baka sakaling siya ang makapagpagising sayo pero we lost contact." May tumulo ng luha sa mga mata ko.

"Ara please. Gising na please." I plead.

Humagulgol ako ng iyak. Iyak lang ako ng iyak at dumukmo ako sa bed ni Ara.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil may kumakalabit sakin.

"Uhmmm.. Ano ba yan." Tumunghay ako at nanlaki ang mga mata ko nung makita ko si Ara na nakatingin sakin.

T-teka?? G-gising na siya??

"A-ara??" Ayaw mag sink in sakin na nagising na siya kaya agad akong tumawag ng nurse.

"Ara. Huwag ka ng pipikit please. Dilat lang okay? Gising lang. Parating na ang mga doctor." Nung makarating na ang mga doctor ay agad nilang inasikaso si Ara. Tinawagan ko rin sila tito at tita. Pati na sila Kaira.

Tinext ko si Jero.

At pati si Ian. Kahit hindi ko sigurado kung matatanggap niya ba o hindi.

To: Xandrei

Gising na si Ara. Ang saya :)

Then I hit send.

Sinabi ng doctor na stable na daw si Ara.

Nilipat na siya ng kwarto.

Hindi pa siya nagsasalita pero ngumingiti at tumatawa na siya.

"S-si I-ian? D-dinalaw n-niya ba ako?" Hirap na tanong ni Ara.

Nagkatinginan kaming lahat at hindi alam ang isasagot.

"I guess not." Malungkot sa sabi ni Ara.

"Love is a serious mental disease." Sabi pa ni Ara at may tumulong luha sa mga mata niya.

3 months na pero nasasaktan parin siya.

Hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Ang sakit lang ng napagdaanan niya.

Nilapitan siya nila Ayen at Kaira para yakapin.

Ako naman ay tumalikod lang at nagpunas ng luha

Pusa! Nakakahawa naman.

Chineck ko ang phone ko at nagbabakasakaling nagreply si Ian pero wala.

Wala na ba talaga siyang paki?

Ara's POV

3 buwan akong nakatulog. Sa panaginip ko lagi akong dinadalaw ni Ian pero nung nagising ako, ni minsan pala hindi niya ako dinalaw. Sana hindi nalang ako nagising.

"Ingat ka dun, Ara." Sabay yakap sakin ni Kaira.

Nandito kami ngayon sa airport dahil tutungo kaming New York. Dun na ako mag-aaral, Nung una ayoko pa pero dahil narin sa sinabi nila Ayen na kailangan kong makalimot ay pumayag na ako.

"Dapat pagbalik mo, Balik ka na sa dating Ara na matapang okay?" Tumango ako kay Ryca.

"Nitong mga nakaraang buwan kasi lumambot ka na." Sabi naman ni Ayen.

"Kalimutan mo na siya." Sa sinabing yan ni Andrex ako natigilan. Nabanggit lang siya sumasakit na ang puso ko.

"Kakalimutan ko na lahat. Pagdating ko ng New York, Including him and how he betrayed me." Sagot ko kay Andrex at napangiti lang siya.

"Pasalubong namin ha?" Kahit kelan talaga si Onyx.

Sila Kaira, Andrex, Ayen, Onyx at Ryca lang ang naghatid sakin.

Niyakap ko na sila Isa isa at tuluyan ng namaalam.

I took one last look at them at gave my final wave.

Aayusin ko ang sarili ko sa New York. I'll be tougher and bolder.

Stronger and Fiercer.

Di na ulit ako papatangay sa damdamin ko.

Sabi nga nila, Leave everything in the past so we can master our future.

Sa lahat ng sakit na dinanas ko, Kakalimutan na kita.

Bahala ka na sa buhay mo, IAN XANDREI KIM.

--------------------------------

Author's Note: Yan! Tapos na ang The Gangster's Love. OO!! TAPOS NA TALAGA YAN PROMISE!! Epilogue na diba?

Tanong: Bakit ganyan ang ending?

Kasi hindi pa ending ng story nila. Yeah, Tapos na ang book 1 kaya itutuloy sa BOOK 2!! Party party!! May book 2. Yehet!! Ohorat!! Hahaha.

Ang title?

"TGL2: Black Fairytale"

Posted na yung prologue. Just check it in my works. ^____^V

So sa lahat ng Sumuporta dito. Thank you so much guys :)) Hindi ko to matatapos without your all out support!! Muah! :*

Para sa mga tanong just comment or PM me nalang. :))

The Gangster's Love: Great CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon