Ian's POV
Last day ng School Fair. Buti naman at peaceful na ang mga buhay namin. Wala na kasing humahabol samin.
Mamayang gabi na rin yung ball.
Dati wala akong pakialam sa ball na yan at hindi rin ako pumupunta. Pero nung dumating si Ara ay nagkagana na ako.
"Anong oras kayo pupunta mamaya?" Tanong ni Jero. Magkakasama kami ngayon at nakatambay kami dito sa Canteen. Wala na kasi kaming magawa.
"7 siguro." Sagot ko.
"Ako six. May mga aayusin pa kasi kami." Sagot naman ni Ayen na umiinom ng juice niya.
"Susunduin kita ha?" Tinanguan lang ni Ayen si Onyx.
"Maghintayan tayo ah? Dun sa gate. Sabay sabay tayong pupunta sa quadrangle." Wika ni Kaira na tinanguan naming lahat. Sa quadrangle kasi gaganapin yung ball mamaya.
Kanina ko pang napapansin na tahimik si Ara kaya kinausap ko siya.
"Tahimik mo?" Tanong ko sa kanya.
"I'm fine." She said smiling. Hindi ko alam ang meron saming dalawa pero mahal namin ang isa't isa.
Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.
"Ahemm." Napatingin naman kami sa mga kaibigan namin na kahit kailan eh panira ng momentum.
"Bumuo nanaman kayo ng sariling mundo niyo jan." Sabi ni Andrex.
"Huwag kang bitter tol." Nakangisi kong sabi at inismiran niya lang ako. Siniko naman ako ni Ara.
Lumabas na kami ng canteen at nagpaalam na kami sa isa't isa. Nagkanya kanya na yung iba dahil mag-aayos pa daw para sa ball mamaya.
"Hatid na kita." Sabi ko kay Ara.
"Wala din kotse ko." Sagot naman niya at pumasok sa kotse ko.
Inihatid ko siya sa bahay nila. Tahimik siyang lumabas ng kotse ko at pumasok sa loob.
Ako naman ay nagdrive na pauwi samin.
Kailangan ko ring maghanda para mamaya.
Third Person's POV
Ilang oras nalang ay magsisimula na ang School Fair Ball sa Royal Gates Academy.
Naghahanda na ang lahat lalo na ang mga babae ng campus shivers.
Inaayusan na ng isang bakla na nirentahan sa salon si Ryca. Siya kasi ang tipo ng tao na hindi magpapakabog kaya todo paganda siya.
Isinuot na niya ang kanyang Red Silk Gown na talaga namang seductive. Fitted ito sa katawan niya at talaga namang makikita mo ang hubog ng katawan niya. May slit ito na magpapakita ng maputi niyang right leg. Hindi mahilig sa tube si Ryca kaya naman at nakaturtle neck na long sleeve ang suot niya. Pero net naman ang sleeve. Nakataas ang kanyang buhok at mapupula ang kanyang mga labi gawa ng lipstick.
Tinitigan niya ang sarili niya sa salamin at napangiti.
"Lolo, ang ganda ng apo niyo oh"
Wika niya sa sarili nang maalala ang kanyang lolo. Bumaba na siya at naabutan na naghihintay sa baba ang kanyang boyfriend na si Jero na nakasuot ng black long sleeves. Semi formal naman kasi ang ball nila. Bumaba siya sa hagdan at lumapit kay Jero na ngayon ay nakanganga. Labis siyang nagandahan kay Ryca ngayong gabi. Nagpaalam na sila sa parents ni Ryca at sumakay sa kotse. Pero bago sila umalis ay hinalikan ni Jero si Ryca sa lips ngunit smack lang. Napangiti naman si Ryca sa ginawa ng binata.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love: Great Circle
ActionBecause even the hardest person of the gangster world can be broken by love too.