Ian's POV
Badtrip naman. Kanina pa ako paikot ikot dito sa school hindi ko parin makita kung nasan si Ara.
Nakasalubong ko si Clyde na may hawak na DSLR at focus na focus siya dito.
"Hoy Nerd!" Tawag ko sa kanya.
Agad naman siyang napatingin sakin at nakakunot ang noo.
"Bakit?" Tanong niya. Aba ayos ah? Hindi na nauutal ang nerd na to? Palibhasa kasi back-up niya si Ara.
"Nakita mo si Ara?" Tanong ko.
"Kasama ata si Kaira, Inutusan ata sila ni Sir Colas." Sagot niya. Tumango tango nalang ako.
Aalis na sana ako pero tinawag ko ulit siya.
"Nerd!"
"Bakit nanaman?" Nakakunot noo niyang sabi.
"Try mo kayang mag palit ng style? Magsawa ka sa pagiging nerd." At tuluyan na akong umalis.
Bakit ko ba nasabi yun? Oh well. Tutal naman kasama niya daw si Kaira edi ibig sabihin nasa SC office sila diba? Pero teka? Panu nalaman ni nerd kung asan si Ara? Ako nga walang alam eh! Tss =______=
Nang makarating na ako sa SC office ay pumasok na ako. Di uso sakin ang katok katok.
"Why so rude?" Taas kilay na sabi ni Kaira. Tsk. Katarayan.
"Nasan si Ara?" Tanong ko.
"Ah, Nagpasama kay Andrex. Nasa mall sila ngayon. May pinabili kasi si Sir Colas eh." Sagot niya habang ngiting ngiti.
"Ha? Akala ko ba ikaw ang kasama ni Ara?" I asked.
"Ako dapat. Pero may follow up na utos si Sir kaya naghati nalang kami ni Liara. Siya sa mga pinapabili then ako dito sa SC office." Sagot naman niya bago bumalik sa ginagawa niya.
"Eh bakit si Andrex pa ang kasama niya? Pwede namang si Ayen o kaya si Ryca!" Bakit si Andrex pa?
"Ayen? Asa ka dun. Ryca? Tingin mo sasama si Liara dun? Baka sumabog pa ang mall." Sagot niya.
"Edi kay Clyde!" Oo tama, Mas gugustuhin ko pang kay Clyde nalang sumama si Ara. Kesa kay Andrex pa. Tss -_____-
"You sounded like a jealous boyfriend, Xandrei." She said while smirking at me.
Ano daw?? Ako?? Jealous? Ha! Asa!
"Me? Jealous? With whom? Ara and Andrex? Hell No!!" I groaned.
"Defensive." Nakakainis itong si Kaira ah?
"Eh bakit nga kasi si Andrex ang kasama niya?" Tanong ko ulit.
"At bakit hindi?" Bakit ba ang hilig niyang magsmirk? Hindi naman bagay. Tss.
"Ewan ko sayo. Tss! Oh!" Sabay lapag ko ng box na kanina ko pa hawak sa mesa niya. Ito rin ang dahilan kung bakit ko hinahanap ang feeler na si Ara.
Pinabibigay kasi ni mama yun.
"Ano to?" Takang takang tanong niya sakin.
"Ewan ko kay mama. Basta ibigay ko daw kay Ara. Pero dahil nga wala siya, Ikaw na bahala magbigay." I said. Tumango nalang siya.
Lumabas ako ng SC room at nakasalubong ko si Jero. Aba himala? Di sila magkadikit ni Ryca ngayon ah?
"Si Ryca pre?" Tanong ko sa kanya.
"Tss. Mukha ba akong hanapan ng nawawalang Ryca?" Bat ang sungit nito ngayon?
"Kalma. Para nagtatanong lang eh. Bugbugin kaya kita." -____-
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love: Great Circle
AçãoBecause even the hardest person of the gangster world can be broken by love too.