Started: June 7, 2017
By:Starrsss(Flashback)
(Someone's point of view)
Nakatitig ako kay Yanna habang mahimbing siyang natutulog sa incubator. Eight months nang nakakalipas, simula nang inoperahan ni dad ang kanyang utak at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.
Ang sakit na hindi alam ang dahilan. Ang sakit na walang lunas. Ang sakit na unti unti niyang makakalimutan ang lahat.
Isa sa pinaka sikat na cytologist ang dad ko, dahil siya lang naman ang nakaimbento ng "HCI CMD" or HCI cell mineral drop. Isang tubig na nakakapag pagaling sa ano mang klaseng sakit ng tao. Ang HCI CMD ay isang mineral na nagmula sa Great Salt Lake.
May hinahalo si dad dito para maging mabisa ito sa lahat at kung ano man ang formula na iyun. Walang nakakaalam tanging siya lang.
Isang sakit lang ang hindi kaya lunasin ng HCI CMD . Ang "alzheimer" ang sakit ng taong nasa harapan ko ngayon.
Nag experiment si dad ng lunas dito. Isang microchips na inilalagay sa utak at ipinatitigil nito ang pagfunction ng ilang parte ng utak niya para matigil sa pagkakaroon plaques at tangles. Na nagiging sanhi sa pagkakaroon ng Alzheimer.
Binuksan ko ang incubator at hinawakan ang kamay niya. "Ilang months nalang at eepekto na ang microchips sa utak mo. Kahit wala ka ng maalala, sisiguraduhin kong ikukwento ko sayo ang lahat .. kung anong meron tayo kung gaano natin kamahal ang isa't isa" napahawak ako sa pisngi ko na tuloy tuloy na ang luha. "Kahit hindi na natural ang pag-function ng utak mo, alam kong hindi pa rin magbabago ang nararamdaman mo sakin. Dahil ang puso mo na siya ang mangungusap sayo, na ako lang ang taong mamahalin mo"
(3 days ago)
"Nasa Machine House ang dad mo..gusto ka niyang makausap" nakahiga ako sa tabi ni Yanna. Hindi ko ininda ang nagsalita sa labas. Hindi na ako aalis dito, ilang araw nalang magigising na siya at kailangan ako ang una niyang tao na makita. Kung hindi--
"Clarence, patungkol ito sa microchips ni Yanna." Napatayo ako sa pagkakahiga at bumaba sa incubator. Idinikit ko ang kamay ko sa scan para mabuksan ang pintuan.
"Kaya ba biglang umuwi si dad dito para sabihin ito?" Naiiyak siyang napatango. Ito ang matalik na kaibigan ni Yanna, papalit palit kami ng pagbabantay sakanya. Kaming dalawa lang naman ang may access para makapasok sa Elpis Laboratory.
"Huwag kang papasok sa loob, baka magising si Yanna. Kailangan ako ang una niyang makita.." paulit ulit ko itong ipinaaalalanan sakanya at hindi ako titigil hanggang sa magising na si Yanna.
"Alam ko Clarence, hindi ako papasok sa loob.. kahit anong mangyari" pangako niya sakin.
Pagkarating ko sa Machine House ay nakita kong nakaupo si dad sa blue velvet sofa.
"Dad bakit bigla kang napapunta rito?"
Malungkot akong tinignan nito. "3 years lang eepekto ang microchips na iyun at babalik na ulit ang sakit niya."
"Edi lagyan mo ulit ng microchips!?"
"Hindi na pwedeng maalis ang microchips sa utak niya, dahil sasabog iyun kapag inalis" napahawak ako sa mukha ko. Sobrang blurred na ng paningin ko. Bago palang niya operahan si Yanna alam ko hindi na pwedeng alisin ang microchips once na inilagay na iyun.
Pero hindi ko kayang tanggapin ito, ang tagal kong naghintay. Akala ko okay na ang lahat. Pero bakit biglang ganito!?
"Shet! Bakit yung ibang tao nagagawa mong pagalingin!? Diba kaya ka nga nag scientist para mailigtas mo ang mga mahal mo sa buhay. Pero hindi mo nailigtas si mama noon! At ngayon gusto mo ako maging katulad mo? Na kahit ikaw na ang pinaka kilalang cytologist sa buong mundo at kahit vice president kana sa America, ay hindi ka pa rin masaya sa buhay mo, dahil alam mo sa sarili mo.. isa lang ang magbibigay sayo ng kaligayahan, iyun ang makasama si mama habang buhay." Nalulunod na ako sa luha ko. Buhay pa si Yanna, pero yung iyak ko. Higit pa sa namatayan. Mahal na mahal ko si Yanna at gusto ko siyang makasama ng matagal.
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si daddy at niyakap niya ako "May mga bagay na dapat nalang tanggapin, mga bagay na dapat handa ka." Paano ko tatanggapin? Paano ako magiging handa Kung isang beses lang naman ang buhay ng tao at isa lang ang pangarap ko. Na makasama siya hanggang sa pagtanda ko. "May mga pangyayaring hindi na mababago at mga pangyayari na itinakda para satin..iyun ang buhay ng isang tao na kailanman ay hindi natin hawak"
Walang tigil ang pag-iyak ko at sinusuntok ko na si papa sa chest niya, pero hindi pa rin niya ako binibitawan ng yakap.
"Vice president!" Napatingin kami sa sumigaw.
"May nagpasabog po ng bomba sa Elpis Laboratory" naiiyak nitong sinabe. "At walang buhay na natira"