Baekhyun's POV
"Tulog na tayo Baby Love." Sabi ko at niyakap siya.
"Gusto ko ng Singkamas" Bulong niya.
"Bukas nalang Baby Love. Papasama ako kay Chanyeol" Sabi ko at pumikit na. Pagod ako sa trabaho e, natambakan.
"Gusto ko ngayon na! Wag mong antayin na mainis ako, Baby Love." Warning niya. Natakot naman ako kaya napatayo ako bigla.
Maghahanap tuloy ako ng Singkamas ng wala sa oras =__= matawagan nga si Chanyeol.
"Hello? Bakit? Maghahanap pa ko ng pagkain!" Sigaw sakin ni Chanyeol.
"Maghahanap din ako. Tsk. San ka ba?" Tanong ko.
"Sige magkita nalang tayo." Sabi niya at inoff ko na.
"Taena! San ako maghahanap ng Singkamas ng gantong oras?!" Pagsusumbong ko kay Chanyeol.
"Ako nga, Pakwan! May bukas pa kaya?" Tanong niya.
Pumunta kami sa Market at naghanap. Kunti nalang yung bukas dahil gabi na nga =__=
"Tikman mo nga to, Chanyeol" Sabi ko. May free taste kasi, balak kong bilhan din ng ganto si Baby Love kung masarap.
"Hmmm.. Masarap naman!" Sabi niya at tumikim pa ulit.
"Patikim." Sabi ko at tinikman, oo nga at masarap.
"Magkano po?" Tanong ko.
"Pasara na kami kaya, 100 nalang" Sabi nung tindira.
"May Singkamas/Pakwan po kayo?" Sabay na tanong namin ni Chanyeol.
"Ay nako. Gabi na, malamang wala na yun dito." Sabi nung tindira. Nagtinginan naman kami ni Chanyeol. Patay kami neto!
"Singkamas at Pakwan? Meron pa ko dito." Sabi nung isang tindira.
"Anla Ate! Hulog ka ng langit!" Sabay na sigaw namin ni Chanyeol.
Excited pa kong pumasok ng bahay at ibigay kay Baby Love yung mga pinamili ko.
Kaso pagbukas ko ng pinto, flying tsinelas ang sumalubong sakin.
"Baby Love! Teka! Eto na yung Singkamas mo" Sabi ko.
Pinagbabato pa din niya ko ng tsinelas at kung ano man ang mahawakan niya.
"Anong oras na! Kanina pa ko nagaantay!" Sigaw niya. Naptingin naman ako sa orasan at 1hour pala kaming nawala ni Chanyeol.
"Malamang! Naghanap pa kaya ako ng Singkamas mo!" Sabi ko.
Tumigil naman siya at umupo.
"Sinusumbatan mo ako?" Sabi niya at humikbi na.
"Hala Baby Love. Hindi. Oh eto, may masarap pa kong binili sayo" Sabi ko at iniabot yung mga pinamili ko.
"Lagay mo na yung Singkamas sa Kusina. Bukas nalang. Ano to?! Wow. Tupegggggg!" Sigaw niya. Buti naman at gusto niya =__=
Maayos naman si Baby Love. Healthy naman daw yung Baby tapos sabi pa nga, malaki daw yung tyan niya para sa 4months.
Medyo sabay sila ni Sooyoung kaya sabay din kaming naghihirap ni Chanyeol =____=
"Tara na sa labas Baby Love?" Tanong ko. Kagigising lang din naman kasi namin.
"Buhatin mo ko." Sabi niya. Binuhat ko naman siya.
"Mabigat na ba ako?" Tanong niya habang nakasabit yung kamay niya sa leeg ko.
"Hindi ah! Ang sexy mo kaya!" Sabi ko. Sa mga gantong pagkakataon, kelangan ng bolahin siya.
"Talaga?" Tanong niya. Teka! E-example-lan ko kayo ha.
"Joke! Ang bigat mo na kaya!" Sabi ko. Sumimangot naman siya at nagpababa. Andito palang kami sa hagdan e.
"Wala kang Kiss, Hug at hindi kita lulutuan!" Sigaw niya at bumaba na. See? Nakakainis! Mamamatay pa ata ako ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
Married Life (Byun Series #1 - Book 2)
RomanceWhat will happened in their married life? -Czezelle Lu!