Special Chapter (Repost!)

3.4K 84 7
                                    

[REPOST!!! GUSTO KO LANG IPROMOTE ULIT ANG SIS HIHIHI]

Irene's POV

Natigil ako sa pagsusulat ng marinig kong tumunog ng malakas ang aking cellphone. Naramdaman ko din ang tingin nila sakin even our Professor is now looking at me.

Tumunong muli ang aking cellphone at ngayon ay galit na ang mukha ni Ma'am Lumawag.

"Kusa ka bang lalabas o kukunin ko ang phone mo?" Napatingin ako sa prof kong magkasalubong ang kilay.

Dali-dali naman akong lumabas at sinagot ang tawag. Punyeta, kapag nonsense talaga ang sasabihin nitong Byun na ito, kakalbuhin ko lahat ng buhok niya sa katawan!

"Oh?" sinagot ko ang tawag niya.

"Hello din asawa ko..." he chuckled.

"Bilisan mo ng sabihin ang kailangan mo, Byun." sabi ko. Narinig ko namang tumawa sya ng mahina at namangha dahil alam ko na agad ang gusto niya.

"You really know me well, Ineng... anyway, go to our condo now, nagugutom ako." he said like he's my boss, tss!

"Kay Ma'am Lumawag ang subject natin ngayon, alam mo naman tong prof na to," sabi ko.

"I'll be waiting, Irene. Bye, Love!"

"Trigg--" narinig ko ang pagkaputol ng linya. Binaba ko ang aking cellphone at tinignan iyon.

Napakagat naman ako sa labi ko sa sobrang asar sa Byun na yun! Kailangan ko nanaman tuloy umakting.

Pumunta ako sa CR at humarap sa salamin. Binuksan ko ang gripo saka binasa ang mukha ko at ginulo ang buhok ko.

Nasa harap na ako ng room. Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana kagatin ng prof namin ang acting ko.

Pumasok ako sa loob and they're all looking at me. Ginalingan ko naman lalo ang umakting. Hinawakan ko ang aking ulo at humawak sa isang upuan bilang suporta. Agad ko namang nakuha ang atensyon ng aming professor.

"Irene Bae, are you okay?" tanong ni Ma'am Lumawag.

Umakto naman ako na parang nasusuka, "Ma'am, can I go home now? Hindi ko na po kaya ang sakit ng tyan ko at nahihilo po ako..."

"May clinic tayo..."

"Ma'am, magagalit po ang Mommy ko pag nalaman nyang hindi ako umuwi agad. May sakit na po ako kanina at ang sabi niya ay umuwi ako kapag naramdaman ko nanaman ang sakit ng ulo at tyan ko." tumalikod naman ako kay Ma'am at inayos yung gamit ko dahil alam kong pinayagan na niya ako.

Kainis ka talaga Trigger Byun! Pahamak ka, mamaya ka sa akin sa bahay!

"Ah, ganun ba? Kaya mo na ba? Hmmm. Jigger, ihatid mo sya."

"Sus! Kaya na nya yan Ma'am!" sagot ni Jigs.

Napatingin naman ako sakanya at pasimple ko syang pinakyuhan. Alam na nyan kasi kung saan ako pupunta, eh.

"Gusto mo bang mabagsak Byun!?" Galit na sabi ng prof namin.

"Sabi ko nga, tatayo na ako Ma'am. Tara na, Rene..." sabi nya. Kinuha nya yung bag ko saka naunang maglakad.

*

"Hanggang gate lang ba o hanggang sa condo ng kambal ko?" tanong sakin ni Jigs. Kinuha ko naman agad yung bag ko sakanya.

"Hanggang dito nalang. Salamat Kiddo!" Sabi ko.

"No problem, bata..." Sabi nya.

*

"Siraulo ka talaga eh, no? Napauwi pa ko ng maaga!" bungad ko kay Trigs. He's my husband.

Ako, Siya, Kaibigan namin at ang parents lang namin ang may alam. Hindi ko na ikukwento kung paano nangyari dahil aabutin tayo ng book 3. May mga friends namin na hindi alam ang aming sekreto.

"Lutuan mo nalang ako. Kanina pa kaya ako nagugutom..." Sabi nya.

"Oh? Wala ka atang kalaro?" tanong ko.

What I mean is babae. Hindi naman kasi namin mahal ang isa't isa kaya okay lang na may girlfriend sya basta wag lang sa harap ko makipaglandian.

"Break na kami ni Lara, eh. She's too clingy!" ngumiwi siya sa sinabi nya habang pinapanuod ako habang nagluluto.

"Akala ko ba China pangalan ng girlfriend mo?" tanong ko.

"Iba pa yun, Ineng..." sabi nya. Napatango nalang ako.

Dami niyang babae!

"Ikaw? Ayaw mo magboyfriend?" tanong nya. Umiling naman ako.

"Kuntento na ako sayo. Sayo palang sabog na ulo ko, tapos dadagdagan ko pa?" sabi ko at napangiti naman sya.

"Akin ka lang naman kasi eh, diba?" sabi nya. Natigilan ako.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako agad nakapagsalita. Ang galing niya talaga sa babae, no wonder kaliwa't kanan ang mga babae niya.

Kailan kaya ito magbabago? Tss.

"Nga pala, type ko si Joy!" Sabi nya.

Joy is my bestfriend.

"Wag kang magkakamali na isali sya sa collection mo, Byun." banta ko saka sinamaan sya ng tingin.

"I won't. Iba sya e. I think magbabago na ko..." Sabi nya.

_____________

Pinublish ko ito noon dito bago ko simulan ang Shhh... It's A Secret (Book I) at inunplish din dahil... basta lang! Walang dahilan, haha. At pinublish ulit dahil wala lang din wahaha!

If you want to read Trigger Byun's story, you can freely check my works and find "Shhh... It' A Secret (Book I)) Medyo magulo lang ang pagkakasulat ko ng Book I pero ayos lang naman hehehehehehehe

-Ate Czelle

Married Life (Byun Series #1 - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon