Tsapter 22

4.1K 98 2
                                    

Taeyeon's POV











Nagpunta ako sa may Park malapit samin. May usapan kami ni Sooyoung ngayon na magjojogging, hindi na kasama si Tiffany kasi anytime, baka manganak na yun.









Umupo ako sa may swing habang inaantay si Sooyoung. Haaaaay! Si Chanyeol din kaya wala sa bahay nila? Si Sooyoung din kaya ganto nararamdaman? Nalulungkot ako. Miss na miss ko na si Baekhyun.











Nagulat ako ng may lumulutang na bottle of water sa harap ko. Wow lang. Hehe joke!










"Haba ng nguso mo. Bakit? Tell me." Sabi niya at naupo sa tabi ko pagkakuha ko ng tubig.











"Wala lang to." I lied. Pero alam kong hindi niya yun pinaniwalaan.












"Liar! Si Baekhyun ba?" Tanong niya.













"I.. I just miss him." Sabi ko at yumuko.











"It's okay. Isipin mo nalang na ginagawa niya to for your future. For your Baby's future." Sabi niya habang yung kamay niya ay nasa likod ko.










"Wooooooow! Just wow! Ikaw ba talaga yan Sooyoung? Yung reyna nang kalokohan dati?!" Biro ko.











"Sira ka! Ikaw na nga tong kinocomfort ang arte mo pa! Oh eto piso, bumili ka ng kausap mo" Sabi niya tapos inabutan ako ng piso.









"Yeeeey! Edi bibilhin kita!" Sabi ko.










"Oh yan!" Sabi niya at pinukpok sa ulo ko yung isa pang piso. "Napaka mo Taeyeon! =___= bipolar ka! Ganyan ka ba talaga magbuntis!?" Tanong niya.









"Aray ko naman! Pag ako nabobo, kasalanan mo to! Atsaka, ewan ko kung ganto ba ko magbuntis kasi duuuuuh! First Baby ko to no! =____=" Sabi ko.












"Matagal ka nang Bobo, tanga!" Asar ni Sooyoung.









"Kaya pala hanep ka kung makakopya sakin noon ha! Kahit nasa harap yung Adviser, basta may isagot gagawin ang lahat! =__=" Sabi ko.











"Sorry naman! Hindi kasi ko nagaral nung time na yun!" Sabi niya.











"Oo. Kasi inlove to the highest level ka na nun kay Chanyeol!" Sabi ko.










"Bakit ba ang ingay mo ha! Imbes na tapos na e." Sabi niya.














Tinawanan ko lang siya. Friend. Ay mali! Bestfriend. Ay mali ulit! Sister, yan ang maaasahan mo sa lahat.












Baekhyun's POV









Naghahanap ako ng signal. Kakatapos ko lang itayo yung tent na tutulugan namin ni Jam e, malapit yun sa may parang ilog kaya nakaligo na din kami.








7pm na. Kaylangan ko tawagan si Baby Love.








"Baekhyun! Dito may signal" Sabi ni Jam. Nagpatulong ako sakanya maghanap ng signal e. Dali-dali naman ako pumunta dun at nagdial.










Akmang aalis na si Jam pero hinawakan ko siya sa braso.









"Madilim.." Sabi ko. Natawa naman siya at umupo sa tabi.











"Baby Love!" Lively ng boses ni Baby Love. Nakakawala ng pagod ng pagakyat at paghanap ng kung anu-ano.










"Kwenta ka Baby Love. Mukhang madami kang chismis ah!" Natatawang sabi ko.










"Nagjogging kami ni Sooyoung kanina. Tapos naisipan namin na tawagan ang tropa para magkita kila Tao!" Sabi niya.










"Wow. Kainggit naman! Ako lang ba ang wala?" Tanong ko.











"Hindi. Si Xiumin, wala din pero pabalik na daw sabi ni Sunny. Tapos Baby Love, si Baby ang galaw kanina sobra =__= parang feel ko lalabas na siya. Tapos ang galaw talaga." Sabi niya. Naexcite naman ako. Gusto ko din maramdaman ang paggalaw ni Baby.












"Talaga? Wooow. Kausapin ko naman si Baby." Sabi ko.









"Oh. Ayan, niloudspeaker ko na." Sabi niya.










"Hey Baby.. Pagdating ni Daddy, galaw ka din ha? Pero wag muna ngayon, nahihirapan si Mommy e, masyado kang malaro. Mahal na mahal ko kayo ni Mommy.." Sabi ko. Syet! Ang gay ko. Naiiyak ako. Pwede ba ko umiyak? Kahit ngayon lang?










Jam's POV














Mukha lang akong walang pakelam pero bawat usapan nila, nakikinig ako. Naririnig ko. Naaawa ako sakaniya. Halatang miss na miss na niya yung pamilya niya.










Nanginginig na nga yung boses niya e. Halatang iiyak na. Pero 2days palang nga kami e //__\\








Nung natapos na siya makipagusap, ngumiti siya at hinila ako papunta sa tent.









"Tulog na tayo.." Sabi niya. Magkatalikuran kami ngayon pero I can sense na gising pa siya.









"Baekhyun?" Tanong ko.










"Hmmm?" Tanong niya.











"Tell me about yourself." Sabi ko.








"Ako? Hmmm. Pangarap ko lang dati, makapagtapos ng pagaaral tsaka makahanap ng magandang trabaho. Pero nagbago yun ng makilala ko si Taeyeon. Yung napakaganda kong asawa. Nangarap ulit ako, pero this time kasama na siya" Napakasweet niya. Parang ang sarap niyang mahalin.













"Happy family. Yun lang ang gusto ko ngayon, si Taeyeon, ako at ang magiging mga anak namin." Sabi niya.










"Ang swerte naman ni Taeyeon." Sabi ko.








"Ako ang swerte sakaniya" Sabi niya.












"Pag nagaaway kayo? Anong nangyayari? Sinong unang magsosorry? Sinong unang manunuyo?" Tanong ko.













"Ahh.. Ako. Hehe kahit kasalanan niya, ako parin yung nagsosorry, ayako kasing napapatagal yung away namin e. Pero minsan, siya. Timplahan niya lang ako ng Cold Milk, bati na kami" Sabi nuya habang tumatawa.










"Cold Milk?" Tanong ko.











"Oo. Minsan kasi nawawala yung galit ko or pagkaupset ko pag nainom ako." Sabi niya.










"Eh pag warm?" Tanong ko.










"Pwede na din. Pero mas prefer ko ang Cold." Sabi niya.









Sa kwento palang niya, ramdam ko na mahal na mahal nila ang isa't isa.

Married Life (Byun Series #1 - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon