Taeyeon's POV
Nagugutom na ko, wala pa si Baekhyun! Mamaya pa dating nun e.
Lumabas ako at pumunta sa Kusina para manghagilap ng pagkain.
Pero wala akong makita kundi Itlog lang! Hindi pa pala kami nakakapaggrocery.
Nagluto ako ng isa. Sunny-side up, tapos kumain ng kanin.
"Itlog sa gabi?" Napalingon ako at napatayo nung makita si Baekhyun at niyakap.
"Baby Love!" Sabi ko at hinigpitan ang yakap.
"Namiss ako ng maganda kong asawa." Sabi niya at tumawa.
"Ewan ko sayo. Magbihis ka na jan. Kumain ka na ba?" Tanong ko.
"May dala po ako magandang kong Asawa. Kaya mo pa bang kumain?" Tanong niya habang tinatanggal yung sapatos.
*Nod. Nod. Nod*
"Opo! Kaya pa! Ano ba yan Baby Love?" Tanong ko. Umupo naman siya sa harap ko at nilabas yung dala niya.
"Chenen! McDo!" Sigaw niya tapos binuksan na.
"Huwaaaaw! Kanina pa ko nagugutom" Sabi ko at sumimangot.
"Hindi ka ba kumain? Diba sabi mo kaninang tumawag ako, kumain ka." Sabi niya.
"Oo nga! Dalawa naman kasi kaming kumakain." Sabi ko at umirap.
"Pero ang laki talaga ng tyan mo para sa 5months Baby Love." Sabi niya at tumingin pa sa tyan ko. Napahawak naman ako, wala naman akong napapansin e. Sila lang nakakapansin =__=
"Healthy siguro kasi Baby Love kaya ganun." Sabi ko. Nilagay ko yung plato niya at nilagyan ng pagkain.
"Pa-ultrasound kaya natin?" Tanong niya.
"Pwede ba? Diba 6-7months nga ba yun?" Patanong na sagot ko.
"5months naman na e." Pilit niya.
"Sa susunod na. Busy ka pa diba?" Sabi ko.
"Sige na nga. Anyway, si Sunny at Xiumin nakita ko kanina sa Office kasama si Dylan, nagpaalam si Xiumin kasi papacheck-up si Dyl." Kwento niya.
"1 month na nga pala si Dyl no?" Sabi ko. Pano kaya kami pag lumabas na si Baby?
"Don't stress yourself too much, Baby." Sabi niya sakin. Napansin niya siguro na kumunot yung noo ko.
"Hey Baby! I love you." Sabi niya at hinawakan yung tyan ko at kiniss.
"Tara kain na." Sabi niya at pinaghandaan ako.
Naniniwala ako na He's going to be a great Daddy sa magiging anak namin. Napangiti naman akong pinagmasdan siya.
BINABASA MO ANG
Married Life (Byun Series #1 - Book 2)
RomanceWhat will happened in their married life? -Czezelle Lu!