Tsapter 41

3.8K 101 9
                                    

Taeyeon's POV

Hindi ko namalayan na nasa hospital na ako. Kanina pa ko lutang ngayon, yung kambal iniwan ko muna kila Mommy.

"Huminahon ka Taeyeon" Sabi ni Tiffany. Hindi ko sya pinansin. Simula nung nangyari to, wala akong pinapansin kahit na sino.

Paano ako hihinahon? Si Baekhyun lang ang ganito. Biglang lumabas yung Doctor.

"Sinong kamag-anak nung pasyente?" Tanong nya. Lumapit naman agad ako.



"Im his wife" Sabi ko.


"Stable na sya ngayon kaso.."



"Kaso ano!? Doc naman! Diba sabi niyo Stable?! Bakit may KASO pa!?" Sigaw ko. Hinawakan nila Kai yung braso ko.


"Bitiwan niyo ko!" Sigaw ko. Umiiyak na ko. May mga anak kaming nag-aantay samin ngayon! Bakit ganito!?


"Noona.." Sabi nila.




"Taeyeon. Patapusin mo muna kasi" Sabi ni Sica.


"Doc pakituloy." Sabi ni Sunny.


"He's in coma." Sabi nung Doctor. Lalo naman akong nagwala nun. Coma!? Hanggang kailangan? Kailangan namin siya. Kailangan siya nang anak namin.



"Taeyeon, nandito lang kami." Sabi ni Hyoyeon.


"Kumalma ka nga kasi!" Sigaw ni Yuri.





"Wag mo akong sabihan nang ganyan kasi hindi mo ko naiintindihan! Hindi nyo ko naiintindihan!" Sigaw ko. Lumapit naman si Kai kay Yuri. Nagnod lang si Yuri.



"Taeyeon, kasama mo naman kami eh. Hindi ka naman namin iiwan." Sabi ni Tiffany tapos tumulo yung luha nya. Napaupo naman ako at humagulgul.


Tinignan lang nila ako. Ayakong kaawaan nila ako pero hindi ko mapigilan. Sumisikip yung dibdib ko.

Nilipat nila si Baby Love sa room niya. Tinitigan ko lang sya. Puro gasgas yung katawan nya.


Hinawakan ko yung kamay nya. Ang lamig. Asan na yung kamay na mainit tuwing hahawakan ako? Tinignan ko yung nakapikit niyang mata. Hindi ko makita yung mata nyang laging nakangiti at nakatingin lang saakin. Bakit parang ibang Baekhyun ang kaharap ko ngayon? Asan na yung mapagbirong Baekhyun? Asan na yung manyak na Baekhyun? Asan na yung mabuting tatay na Baekhyun?


"Baby Love.." Nanginginig yung boses ko. Yung luha ko, tuloy tuloy lang sa pag agos.





"Ang daya mo naman eh! Sabi mo sabay nating lalagpasan lahat nang problema natin? Bakit iniiwan mo ko? Okay lang magpahinga ka muna pero gumising ka din ha? Hindi ko kasi kaya kung wala ka. Kailangan kita. Kailangan kami namin nang anak mo" Sabi ko habang umiiyak.



"Kumain ka muna Taeyeon" Sabi ni Mama. Namumula din yung mata at ilong nya.


"Hindi na po muna. Wala pa akong gana eh." Sabi ko.


"Kailangan mo ding umuwi. Hinahanap ka na nang mga anak nyo. Kahit isa lang sainyo ang magpakita" Sabi ni Mommy. May mga anak pa nga pala kami na nagaantay. Uuwi muna ako. Uuwi muna ako Baby Love ha? Gusto ko pag balik ko, gising ka na. Lalambingin mo na ulit ako.





Tumayo ako at nagpaalam muna. Nung nasa harap na ko nang gate, nakita ko yung taong may dahilan kung bakit nangyari to kay Baekhyun.






"Noon--" Tumakbo ako sakanya at sinampal sya.






"Bakit si Baekhyun!?" Umiiyak na sigaw ko. Habang nakaupo na sa sahig.



"Hindi ko din naman gusto to eh. Sorry Noona" Sabi ni Chanyeol. Naiyak ako lalo nung nakita ko yung luha nya. Naguilty naman ako sa ginawa ko.






"Sorry Chanyeol. Sorry.." Sabi ko. Umupo naman siya tapos pinunasan yung luha ko.



"Noona, kaibigan ako ni Baekhyun hindi lang kaibigan, hindi lang bestfriend, kundi isang kapatid. Masakit din para sakin to. Alam kong kasalanan ko to, pero tandaan mo Noona, hindi ko ginusto to." Sabi niya.



"Si Baekhyun Noona parang lasing lang yan na nakatulog. Yaan mo, bubuhusan ko nang tubig mamaya nang magising na." Natawa naman kami sa Joke nya.








"Maging matatag ka Noona, hindi para sa sarili mo, kundi para na rin sa anak nyo. Andito kami, hinding hindi ka namin iiwan. Pagsubok lang to sainyo. Ang problema, hinding hindi ka lalayuan kung patuloy mong tatakbuhan. Hahabul-habulin ka lang nyan. Hayaan mong ang problema ang sumuko, hindi kayo." Sabi nya.






Tumayo naman ako at ngumiti.





"Taeyeon.. Oh Chanyeol? Andito ka pala?" Sabi ni Tiffany.





"Hindi. Kaluluwa ko lang to, naglalakbay =__=" Sabi ni Chanyeol.






"Che! Buhutin mo na nga yung gamit dun!" Sabi ni Tiffany.







"Ay grabe!" Sabi ni Chanyeol.





Umuwi kami ni Tiffany sa bahay. Sumama sya sa bahay.




"Nanay!" Pumunta sila sakin tapos isa-isa nila akong kiniss.





"Si Tita Dyosa niyo, hindi niyo papansinin!?" Tanong ni Tiffany.






"Waaaah! Tita Dyosa." Sabi nila. Sinanay yan ni Tiffany na Tita Dyosa ang itawag sakanya.




"Wheres Tatay?" Tanong nila. Natigilan naman kami tapos naiiyak nanaman ako.



Lumuhod ako sakanila para pumantay yung height namin tapos niyakap sila. "Tatay is working." Sabi ko nalang habang umiiyak.




"Is Nanay crying?" Tanong nila. Umiling ako. Pinunasan ko muna yung luha ko bago ako humarap sakanila.





"Eh bakit si Tita Dyosa umiiyak?" Tanong ni Jigs.




"Ano kasi Baby, napulingan ako." Pagdadahilan nya.



"Halika Tita Dyosa. Trigs help you" Sabi ni Trigs. Lumuhod naman si Tiffany tapos hinipan ni Trigs yung mata ni Tiffany.




"Ayan. Okay na." Sabi ni Tiffany.




"Maglaro muna kayo dun." Sabi ko.

Married Life (Byun Series #1 - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon