Malapit na po siguro etong matapos ^^
Vote and Comment po ha? :)
Taeyeon's POV
"Gusto ko chocolate!"
"Okay."
"Gusto ko candy!"
"Okay"
"Gusto ko din nun."
"Okay."
"Tatay, isa pang chocolate. Please?"
"Ok--" Bago pa mailagay ni Baekhyun yung kitkat na gusto ni Trigs binatukan ko na siya.
"Ang dami na neto oh. Puro nalang chocolates" Saway ko.
"Baby. Yaan mo na." Sabi nya.
"Oo na!" Sabi ko.
"Oh eh. Hayaan natin sila sa gusto nila. Trigs ano? Gusto mo pa din to?" Tanong ni Baekhyun. Nagnod lang si Trigs tapos nagiwas nang tingin sakin.
Inakbayan naman ako ni Baby Love.
Nung nasa bahay na kami, kinain na nila yung mga chocolates nila.
"Awww. Wala na akong chocolate" Malungkot na sabi ni Jigs. Tatayo sana si Baekhyun pero pigilan ko sya. Pinagmasdan lang namin sila.
"Gusto mo pa ba talaga?" Tanong ni Trigs.
"Yes." Malungkot na sabi pa din ni Trigs.
"Oh. Ayako naman na din eh." Sabi ni Trigs pero halata naman na gusto pa rin nya talaga.
"Ayako." Sabi ni Jigs.
"Akala ko kuya gusto mo pa?" Tanong ni Trigs.
"Oo nga. Pero we can share naman eh" Sabi ni Jigs tapos nagnod lang si Trigs. Napangiti kaming dalawa ni Baekhyun.
--
Magte-three years na yung kambal. Napagplanuhan na nga din namin ni Baekhyun yung gagawin eh. Party lang dito sa bahay, yung kami-kami lang din.
"Noona! Papasama lang naman ako kay Baek eh!" Sabi ni Chanyeol. Andito sya ngayon sa bahay, malapit na kasi anniversary nila ni Sooyoung =__=
"Oo na nga! Bingi lang ganun?" Sabi ko. Naliligo na nga si Baek, nagungulit pa din tong si Yoda -__-
"Ayiee~ kaya mahal kita Noona eh!" Tuwang tuwang sabi ni Chanyeol.
"Hoy Chanyeol umayos ka. Baka makalimutan kong bespren kita!" Banta ni Baekhyun na kaka-baba lang.
"Hindi ko aagawin si Noona sayo no. Kala mo! Ayako sa flat-chested at hindi sexy!" Sabi ni Chanyeol. Sinikmuraan ko nga. Makalait eh =__=
"Haha. Lumayas ka na kaya dito? =___=" Sabi ni Baekhyun.
"Ouch naman! Baka nakakalimutan mo, saakin ka umiyak noon." Sabi ni Chanyeol. Lumapit naman si Baek kay Chanyeol tapos nagwrestlingan. Bwisit tong dalawang to, dito pa nagbromance -__-
"Tuloy niyo lang yan. Wala ako dito noh? -__-" Sabi ko.
"Sige na Baby Love. Alis na kami!" Sabi nya tapos kiniss ako sa lips.
"Baby! Aalis na si Tatay!" Sigaw nya. Naglapitan naman yung mga bata at niyakap sya.
Umalis na sila ni Chanyeol. Nakipaglaro lang ako sa kambal tapos nung mga gabi na, tumawag si Baekhyun.
"Asan na kayo?" Tanong ko.
"Pauwi na. Medyo malapit na nga eh. Yung mga bata?" Tanong nya.
"Tulog na kahihintay sayo." Sabi ko.
"Kumain na ba kayo?" Tanong nya.
"Oo. Ikaw?" Tanong ko.
"Oo. Kakatapo--" Tapos nakarinig ako nang banggaan. Kinabahan ako.
"Baby Love? Hello!? Anong nangyari?" Nanlambot yung tuhod ko nung walang sumasagot.
BINABASA MO ANG
Married Life (Byun Series #1 - Book 2)
RomanceWhat will happened in their married life? -Czezelle Lu!