Tsapter 42

3.6K 95 10
                                    

Taeyeon's POV










Gumising ako nang maaga para pumunta nang hospital.





Pagdating ko dun, andun halos lahat nang tropa.






"Andito nanaman kayo. Paano mga anak niyo?" Tanong ko. Nahihiya na din kasi ako eh. Problema namin to pero pati sila nadadamay.







"Diba sabi naman namin Taeyeon, andito lang kami?" Sabi ni Yuri. Niyakap ko naman siya at umiyak. Nahihiya ako sa ginawa ko sakanya kahapon.












"Sorry.." Sabi ko. Umiiyak na din sila.






"Asan na yung Taeyeon na malakas na nakilala namin? Magpakatatag ka." Umiiyak na sabi ni Hyoyeon.







"Oo nga Noona. Andito lang kami. Wag na wag mong kalilimutan yan" Sabi ni Sehun.






Pumasok naman kami sa room ni Baekhyun.






"Mama. Mommy. Daddy. Pa. Umuwi muna po kayo. Ako na po ang bahala dito" Sabi ko.






Umalis naman sila tapos inayos ko yung higaan ni Baekhyun at naupo sa tabi nya.







Sa tuwing nakikita ko syang ganto, parang feel ko ako ang nasasaktan. Umiiyak nanaman ako.






"Lagi ka nalang umiiyak. Tahan na.." Sabi ni Luhan tapos niyakap ako.








Niyakap naman nila akong lahat at umiyak.








Bumukas yung pinto nang room ni Baekhyun tapos pumasok si Mommy.





"Si Jigs, inaapoy nang lagnat!" Sigaw ni Mommy. Lumabas naman kami nang room tapos nakita namin si Jigs na nanginginig.







Niyakap ko sya at naiyak na lalo. Kakayanin ko ba talaga to?







Tinakbo nila si Jigs sa ICU (?) Nagantay lang kami sa labas. Ang sakit sakit na. Bakit pati anak ko!? Bakit hindi nalang ako?!







"Unnie.." Sabi ni Seohyun.







--

Nilipat na din si Jigs sa isang room. Hindi ko pinayagan na iisang room lang sila ni Baekhyun. Ayakong makita nya ang Tatay niya nang ganto.






"Magpahinga ka muna anak" Sabi ni Mama.





"Okay lang po. Kamusta po si Trigs?" Tanong ko.





"Ayun, sinamahan muna nang Papa't Daddy mo." Sabi ni Mommy.







Naiyak naman ako.






"Kakayanin mo to." Sabi nila at niyakap ako. Iniwan muna nila ako sa room ni Baekhyun.







"Baby Love. Gumising ka na." Sabi ko.









"Hinahanap ka na nang mga anak mo. Kailan ka ba gigising?!" Walang katapusang iyak. Kailan ba maayos ang lahat?











--

Inuwi ko na si Jigs sa bahay. Okay naman na daw sya.







Humiga kami sa kama at matutulog na. Tinabihan ko naman sila sa kama namin.







"Nanay, pag gising namin andito na si Tatay diba?" Tanong ni Trigs.







"We'll see." Sabi ko habang pinipigilan yung luha ko. Hinaplos haplos ko yung ulo nila para makatulog.







"Nanay. Sabihin mo kay Tatay bumalik na siya ah?" Sabi ni Jigs. Nagnod naman ako.





Maliit yung kama namin para saming apat pero parang ngayon, kulang. May space na nakalaan para kay Baekhyun.









Tong kwarto na to, naging saksi sa buhay mag-asawa namin. Saksi sa Harutan, awayan, lambingan at pagiisa namin ni Baekhyun.







Nung umaga, pumunta ulit ako nang hospital pero ganun pa din sya.







"Nagreresponse pa naman daw yung katawan nya sa gamot na tenitake nya" Sabi ni Chanyeol. Umaga palang andito na yan, minsan kasama nya yung iba pero madalas sya lang. Tapos pag gabi naman, anong oras na sila umuuwi.







Nagnod naman ako. Iniwan nya ko sa kwarto.










"Baby Love.. Malapit na birthday ng kambal, I didn't prepare. Wala ka kasi eh." Sabi ko. Siguradong malulungkot ang kambal.









"Gumising ka na kasi." Naiiyak kong sabi. Bakit hindi maubos-ubos tong luha ko?

Married Life (Byun Series #1 - Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon