MCCO 3 - #Cheater

6.2K 177 20
                                    

Chapter 3

"Uy, Narian, ano 'yung kanina." tanong ng isang usisera habang lunchtime.

Usually, mag-isa akong kumakain at kung sasama naman ako sa kanila, para din naman akong walang kasama dahil minsan lang nila ako napapansin.

But today was different. Hinila nila ako papuntang cafeteria ng hospital at ako ang topic nila. Very unusual.

"Wala 'yon. Kain na tayo." sagot ko at sumandok na ng pagkain gamit ang kutsyara ngunit pinaulanan nanaman nila ako ng tanong.

"Ikaw ba ang bago ni Master Bae?" tanong ng isa pang USI. Usisera.

Kumunot ang noo ko. "Master Bae?" takang tanong ko.

Ngumiti siya pero napanguso rin. "Syempre, si Castielle! As if hindi mo kilala, diba?" anito.

Nagkibit balikat nalamang ako. Ayoko silang sagutin. Hindi ko naman sila ka-close para sabihin sa kanila.

Bumuntong hininga ang mga USI. "Hay nako! Wala ka talagang kwentang kausap, Narian." komento naman ng isang maarteng bakla.

"Wala naman talaga kasi akong ikwekwento. Baka pinagti-tripan lang ako nung lalakeng 'yun." ani ko.

"Kunsabagay ay hindi ka naman magiging type ni Castielle. You're too simple and boring." ani naman ng isang clown and laughed.

I don't usually remember names, lalo na kung hindi naman mga importanteng tao. Tsyaka pakialam ko ba? Clearly, alam kong hindi niya ako type. Hindi niya type 'yung mga babaeng hindi siya pinapa-horny.

And as if naman pumupili pa ang malantod na lalakeng 'yun? Kahit nga siguro aso papatulan nun basta may mapasukan lang. Tss...

Dahil mukhang nabad-trip sakin ang mga kasamahan ko ay tumahimik na sila at hindi na nagtanong pa.

Paalis na kami ng cafeteria when Staven and Aebril walked together inside. Napalunok ako. Magkasama nanaman sila? Tangina.

Sinundan ko ng tingin si Staven. Seryoso ang mukha niya habang nagsasalita si Aebril.

"Bagay talaga sila~!" komento ng katabi ko.

"Relationship goals sila!" sagot naman nung isa. Kinikilig.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Agad akong bumaling sa kaniya. "Sila na?" I asked trying to be nonchalantly.

Tumaas naman ang kilay ng babae. Let's name her...Jana, ayon sa nameplate niya.

"Wow, first time mong maging interesado, Narian, ah? Crush mo si Staven, ano?" tukso nito.

Bumaling naman ang iba naming kasama. Mga anim kasi kaming magkakasama. Agad akong umiling dahil mukhang bumalik nanaman ang atensyon sakin.

"H-Hindi. Ahmm, curious lang." sagot ko at nag-umpisa ng maglakad para makaiwas sa panunukso nila.

"Poor Narian, minsan nalang nga magka-crush, taken pa." ani ng baklang suplado.

Umirap nalang ako. If you only knew. I already tasted that moron's fucking lips at kayo hindi.

I was looking at the floor while walking when I bumped into someone. When I looked up agad akong napaatras ng makita ito.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon