MCCO 36 - #Slipper

4K 140 31
                                        

Chapter 36

Tulala ako sa kawalan. Hindi ako makatulog sa kakaisip kung bakit siya galit na galit. Siya ba ang nasaktan? Galit ba siya dahil plinano kong lokohin din siya? Nagtagumpay ba kong saktan siya? Hindi naman, diba?

Bakit gusto niya 'kong masaktan? Hindi pa ba sapat ang ginawa niya para maghangad siyang saktan pa ko? Napapikit ako ng mariin habang nakatanaw sa bintana.

Napahawak ako sa labi ko. Kumirot ang puso ko kung kaya't napakagat labi ako. He kissed me ruthlessly like he was putting all his anger on that kiss. Ramdam ko ang galit niya. Ramdam ko pero ramdam niya rin kaya ang galit ko?

Hindi ko maintindihan at sa palagay ko hinding-hindi ko to maiintindihan. His actions are confusing me. It's not like he really di d love me, right? Sinong baliw ang maniniwala kung halos ipagkalat niyang nakuha niya ko?

That night should be wonderful! That night should be the night that I won't ever regret dahil naibigay ko ito sa taong mahal ko but he ruined it. Yun ang pinakamasakit. Ang pinaglaruan niya ako.

"Ate Nari, hindi ka pa matutulog?" tanong ni Dale o ni Vale. I don't know who is who dahil pareho ng nakalugay ang buhok.

Ngunit ng makitang asul na tsinelas ang sinuot ay napag-alaman kong siya si Dale.

Bumalik sila galing Arts Museum, ngunit mukhang dismayado ang dalawa at galit sa Kuya nilang hindi sila sinamahan. Tulog na si Vale at mukhang nagising si Dale dahil naramdaman ako.

Umiling ako, "I can't sleep..." sagot ko.

Tumabi siya sakin sa gilid ng bintana. "Ate Nari, ikaw ba si Narnia?" tanong ni Dale na ikinagulat ko.

"H-Ha?"

May alam kaya siya?

Tumango siya. "Si Narnia na laging tinutukso nila Ate Shian at Kuya Jucas kay Kuya Castielle." sagot nito at inosente akong tinignan.

Kumabog ang puso ko. Hindi niya pwedeng malaman. "I barely know your Kuya, Dale..." sagot ko at tipid na ngumiti.

Tumango-tango siya, "Akala ko ikaw. Narnia is the girl my Kuya likes. Ikwinikwento niya pa nga samin nila Mommy. Akala ko ikaw dahil sa pangalan mo..."

Bumilis ang tibok ng puso ko. I don't know what to feel. Bakit ganito? Bakit ganito nalang ang epekto sakin? Gusto kong magtakip ng tenga, ayokong marinig ito.

"Maybe Ate Loraine is Narnia..." dugtong ni Dale.

No! It's me! Gusto kong sabihin, pero para ano? Malaman niya? Mas mabuti na ito ang alam ni Dale. Especially that sooner or later, magiging isang pamilya na kami.

It sucks. Big time.

Mugto ang mata ko kinabukasan. Hindi ako makatulog buong gabi at mas gugustuhin ko nalang na maiwan sa hotel kaysa tumulak papuntang Siargao na paniguradong hindi ko ma-e-enjoy.

How would I enjoy when I could see Loraine with Castielle, at nakukuha niya narin ang atensyon ng kambal na bukod tanging nakakausap ko. Kumain kami sa restaurant ng hotel ng agahan bago tumulak sa Siargao Island.

The whole journey papuntang Siargao ay iritado ako dahil kausap lang naman ni Loraine ang kambal. Pakiramdam ko'y simula ng mag-usap kami ni Dale at napagtanto niyang si Loraine si Narnia ay lumapit ang loob nito.

I couldn't have the chance to talk with this girl. Tanging masasamang titig ang ibinibigay ko sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang gamitin ang impormasyong nalalaman tungkol sakin para makuha si Castielle. It could be it! Or... he fell for her... damn!

"Mana ka pala sa Kuya mo, mahilig sa basketball." Rinig kong sabi ni Loraine kay Dale ng banggitin nitong mahilig siyang maglaro ng basketball kahit babae siya.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon