Chapter 13
Sembreak. Hindi ko namalayang sembreak na pala dahil hindi ko mahanap ang self-esteem ko. Biglang nawala ang guts ko at confidence dahil kay Castielle.
Ang dami niyang dinedate and they were all beautiful. Sobrang ganda. Mga models, anak ng mga politiko and I even saw him flirting with a celebrity singer.
Para bang bumagsak lahat lalo na't hindi na ako ginulo ni Castielle matapos kong sabihin na tigilan niya na ako. Tumigil na siya at hindi kaya ng pride ko na lumapit sa kaniya.
Baka kung ano pang sabihin niya sakin. Kesyo, ako naman ang humahabol. Tsss! Knowing that guy. Pahihirapan niya ko.
"Nakauwi na si Castielle galing Palawan. Ano nang plano?" tanong ni Erene while scrolling something on her phone.
Erene and Ivan are back together. Para silang mga sira. But, I guess naging mas selosa si Erene at mukhang may trust issue na silang dalawa. Gusto ko napang umirap.
Love is complicated.
If I don't love Staven anymore, pipiliin ko nalang ang manahimik at wag nalang ulit magmahal. Nakakapagod umintindi at masakit lang.
"I don't know if I have the guts to talk to him or even seduce him. Nakakapaghina ang mga naka-date niya this past few days. Kung hindi mga sikat na tao, foreigner naman!" sagot ko at bumuntong hininga.
"Hindi ka pa ba nasanay? Pero, sa dami ng magaganda that night, napansin ka niya at dinala sa isang motel. Ikaw lang ang babaeng ni-reject siya and believe me, hindi niya 'yun malilimutan as a guy with overflowing pride." aniya habang nakatingin parin sa phone niya.
Napagtanto kong she's in her instagram stalking Ivan's friends and who he's following.
"Wala ka paring tiwala kay Ivan kahit inexplain niya na sayong may drug yung nainom nila sa party ng kaklase niya?"
"I trust him but his friends? No. Kaya nga I'm stalking his friends para alam ko kung saan siya lalayo. I'm just protecting him. Baka mamaya, may maka-sex nanaman siyang iba dahil sa tanginang drug na'yun, makabuntis siya! Pano na kami?" mahaba niyang litanya.
I rolled my eyes, "Ang OA mo pero may point ka."
She smiled and shrugged at bumalik sa pang-i-istalk niya sa mga kaibigan ni Ivan.
"Super ganda talaga ni Shian, ano? Yung kambal ni Sheun." aniya at pinakita sakin ang picture nito sa instagram.
I agree. She's beautiful. Nasa Coron, Palawan siya base on the location above her picture. Ngunit napansin ko ang lalakeng may copper blonde na buhok sa likod niya na may kasamang babaeng foreigner.
Halos mapairap ako. Hindi ko alam kung saan galing 'yung inis ko. Siguro dahil nakakainis at nakakairita talaga ang ugali niya. Para siyang uhaw na uhaw sa mga babae! Ughh!
"Diba magpinsan sila ni Castielle? Ba't di nalang gumaya si Castielle sa pinsan niyang si Sheun na stick to one? Sayang talaga." ani Erene, dismayado.
"Dapat talaga turuan ng leksyon ang lalakeng 'yan. Nakakainis ang pagiging babaero niya." asik ko.
"Pwede namang ikaw na ang magturo sa kaniya kung paano magmahal." pang-aasar ni Erene.
Erene doesn't know about Ynesa and her group plan. Gusto nilang isekreto namin ang balak namin kaya kahit si Erene ay hindi ko mapagsasabihan.
Buong tapang akong bumaba ng sasakyan ni Ivan. Kasama ko nanaman sila sa Prive—it feels like dejavú. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Master Casanova (Master #1) (Completed)
Romance"He put her in the pedestal, but he has to claim her now" Narian Esquillon was the only girl Castielle Ongcuanco didn't try to flirt with--because she's his favorite girl. He didn't want to play her. He didn't want to touch her not until he discover...
