MCCO 4 - #Revenge

6.5K 203 30
                                        

Chapter 4

I felt like a trash while walking in the corridor of our building. May klase ngayon kaya kahit wala akong ganang pumasok, I have to.

Isang taon nalang pagkatapos ng school year na'to ang titiisin ko para maka-graduate. I have alot of plan in my head and maybe I can do it without...Staven. Kahit marami nakong plano para sa aming dalawa.

But, how will I convince my heart to stop hurting? To stop aching? Pwede bang bunutin ko nalang ito palabas sa dibdib ko nang matapos na'to?

I didn't stop crying all night long. Mukha na'kong tanga. I'm thankful dahil nandyan si Papa para pagaanin ang loob ko.

As usual, wala namang akong kasama sa school. Nag-iisa lang. Noon naman, kahit papaano ay pinapansin naman ako at sinasamahan ni Stave. Last year lang talaga nagbago ang lahat.

Habang dumadaan ako sa corridor papunta sa klase ko. Pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nursing rin.

Siguro napansin nila ang mata kong pulang-pula na naniningkit na sa kakaiyak kagabi. Tangina kasing pag-ibig na'yan! Minsan na nga lang sa isang tao, sobrang sakit pa!

"Siya daw ang babae ngayon ni Castielle..."

"Oh? Nawalan naba ng taste si Master Casanova?" tumawa pa ito tila nangungutya.

"Kaya nga eh. Kaya nga galit na galit si Ynesa."

"Hala! Lagot na!"

Halos mapairap ako. Bwesit talaga 'yang fuck boy na'yan sa buhay ko. Ngayon naman ako pa ang pinagkakamalang babae niya. Tsk!

Patuloy lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa room. Everyone's eyes were all over me when I came.

Lihim akong napairap. Oh, come on! I really really hate attention so bad and yet here I am getting all of it. Tangina.

Bakit kasi sa kay dami-daming lalake sa mundo? Ang master fuck boy pa na'yun ang muntik ko ng maka-one night stand at tumapak sa gintuang EGO niya. Jusko!

Nilagay ko ang Jansport bag ko sa upuan at nilabas ang librong dinala ko in case hindi nanaman kami siputin ng tamad naming prof.

I'm a boring person ika nga nila. Tinatamad akong makipag-plastikan sa mga blocmates ko. Hindi rin ako ganoon kabait para ngitian sila.

I opened my book. Inayos ko ang salamin ko sa mata dahil bumababa ito dahil yumuko ako. Itinali ko ang buhok ko para hindi kumalat ang buhok ko habang nagbabasa.

I was busy reading Chapter 23 of China Rich Girlfriend where I have stopped the other day when I felt someone in front of me.

Tiningala ko silang tatlong mariin akong tinitignan. Napabuntong hininga ako at nilapag ang libro sa armchair.

Ano nanaman ba? Kapag ito tungkol nanaman kay sa master fuck boy na'yun talagang malilintikan sa'kin ang mga babaeng ito. Punong-puno nako!

"Anong kailangan n'yo?" kalmadong tanong ko sa kanila.

Ngumiti ang babae sakin. "Narian, pinapasabi ni Prof Santilla na puntahan mo raw siya sa Med building, sa room M207." sabi nito at tinaasan ako ng kilay.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon