MCCO 37 - #Melt

3.9K 123 26
                                        

Chapter 37

Buhat-buhat ako ni Castielle na parang sako habang nakasimangot. Itinapon niya ang bote ng vodka sa dagat.

Pinagtitinginan kami ng taong nadaraanan pero wala nakong pakialam. Nahihilo ako sa ginawa niya sakin.

"Ibaba mo nako..." ungol ko at sinapak ang kaniyang likod.

"Fucking, behave!" asik nito kaya napanguso ako.

Kanina pa siya dada ng dada. Puro mura ang lumalabas sa bibig niya at hindi ko na halos maintindihan lahat. Pakiramdam ko, gumagalaw lahat ng nakikita ko. Hilong-hilo nako.

"Nahihilo ako!" giit ko.

Napamura nanaman siya kaya mabilis siyang naglakad. Nakita kong pumasok kami sa isang banyo.

Niyakap ko ang sarili dahil nanuot kaagad ang lamig saking katawan dahil nabasa ako.

"Heat up." aniya at nilapag ako sa lababo ng banyo. Hinila niya ang kamay ko sa dryer.

"What if I didn't see you, ha? Baka kinabukasan ay palutang-lutang kana sa gitna ng dagat!" sermon niya.

"Eh, ano naman?!" pabalang kong sagot at nilaro ang paa kong nakaangat sa sahig.

"Eh, ano? Eh, ano? Damn it! Wake up, drunk woman! You nearly drown! For fuck sake!" aniya habang pinunasan ang mukha ko ng tissue ng bitiwan niya ang kamay ko.

"Paki mo?" asik ko.

Mariin niya akong tinitigan bago umiling-iling na pinupunasan ako.

"Wala ka namang paki." sagot ko sa tanong ko.

"Who said I don't? You're going to be my step sister..." aniya at nag-iwas ng tingin.

I smirked and laughed at the same time kaya tumigil siya at tinignan ako ng may pagtataka.

"Ginagago ata tayo ng tadhana. Of all people, ikaw pa? Ikaw pa talaga?" natatawang sinabi ko.

"Tsss, your fault that you left." bubulong-bulong niya at pinunasan ang braso ko.

"Sinong hindi aalis? Ginago mo ko." sabi ko sabay turo sa kaniyang dibdib. "Pinaglaruan." dugtong ko at muling dinuro ang dibdib niya.

Hindi ko alam kung bakit imbis na mas magalit ay pakiramdam ko nagiginhawahan ako. Gusto ko ng ilabas lahat at mukhang ito na ang tamang pagkakataon. Ang closure na kailangan ko.

Ngunit hindi ko magawang magseryoso dahil sa alak na nananalaytay sa katawan ko.

"You didn't trust me." giit niya.

Trust? Nagpapatawa ba siya?

Natawa muli ako. "Do you even think your trustworthy?"

Tumigil siya sa pagpunas at itinuko ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng binti ko kaya naman ay napalapit siya sakin.

He looked at me intently, "Maybe I'm not trustworthy. But, you could have trusted my feelings. My heart..." seryoso niyang sinabi at bakas sa mata niya ang galit.

I chuckled and pulled him closer to mine. Idinikit ko ang tenga ko sa dibdib niya. "Hi, puso? Trustworthy ka ba?" tanong ko pero halos mabingi ako dahil sobrang bilis ng tibok nito.

"Fuck, the drunk you, Narnia. Can't you even talk seriously?" asik nito at nilayo ako sa kaniya.

"I am serious! Sinasabi mo ba saking mahal mo ko noon? Wow! Master Casanova loved me." sarkastikong sabi ko at pumalakpak.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon