Chapter 40
"Oh, please, stop her..." rinig kong sinabi ni Eden.
Hindi ko masyado marinig ang sinabi ni Eden dahil natatabunan ito ng maingay na tugtog dito sa Prive.
Nagsalin ako mg vodka sa shot glass. "I can handle myself, may kasama akong pupunta." sabi ko kay Eden at sa iba naming kasama.
"You sure?" paninigurado nito.
"Oh, yeah. Kaya, tara inom..." aya ko sa kanila at sinalinan sila ng vodka sa mga shot glass nila.
"Doc Nari, wag mong dibdibin ang dalawang 'yun kanina, marami diyang iba." ani Hanny at lumagok ng kaniyang shot glass.
Umiling-iling ako. "Panget ba ko?" tanong ko sa kanila sabay turo sakin.
He said I'm ugly. Panget ba talaga ako? I'm not quite informed dahil alam ko ay may itsyura naman ako. Presentable naman...
"God! Nari! Tinatanong mo talaga 'yan? Of course!" reaksyon ni Eden.
Tumawa si Ana at Hanny. "Maganda ka, Doc. Sa tingin ko ay maghihiwalay din ang dalawang 'yun at maghahanap din ng bago si Doc Castielle..." ani Ana.
"Nako! Tama ka, girl! Iba na nga siguro bukas!"
Natawa ako. "Ano ba kayo? Hindi ako nagpapakalasing dahil sa kaniya, nu!"
Natahimik sila at binigyan ako ng tingin na parang hindi makapaniwala.
"Weeeh!!" sabay sabay silang tatlo.
"Oo nga! In fact, Castielle and I, are going to be siblings." sabi ko at nilagok ko ang shot ko.
We are going to be siblings... Now stop whatever is goddamn inside your heart! How dare you get hurt! Dapat ay hayaan ko ito at magpatuloy sa buhay!
Natigilan silang tatlo. This time laglag panga sila. Unang natauhan si Eden.
"What the hell? Really? Pero diba may relas—"
"Stop it, Eden. Wala na'yun..."
Natahimik siya. May tama nako. Ilang shot narin ang nainom ko pero tinawagan ko si Staven at pupunta rin sila dito at plano niyang ipakilala ang kadarating lang niyang girlfriend.
His girlfriend. Girlfriend niya na ito. I'm excited to meet her, 'yun nga lang lasing nako. I couldn't welcome her warmly.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan nating pumunta ng bar para uminom ng vodka, kung pwede naman tayong bumili sa store at uminom sa bahay." biglang kwento ni Hanny sabay simsim sa kaniyang vodka.
I suddenly remember the time when I bought a bottle of vodka and got drunk inside my room. Naalala ko si Erene...
I miss her. I admit I was wrong for neglecting her. Nag-aalala siya ng lubos at hindi ko 'yun pinansin dahil sa kadahilanang natatakot akong harapin ang realidad.
"Syempre kapag sa bahay, walang hot fafa! Kaya taralets na at mag-sight seeing!" aya ni Ana at inaya si Hanny tumayo.
"Anong gagawin natin?" takang tanong nito.
"Hahanap ng boylet, girl! Nakita ko si DJ Yves!" kinikilig na sagot nito at hinila si Hanny. "Sayo na si Cyril!" dugtong nito.
Yves Cordoval and Cyril Dee? Mga kaibigan ni Castielle? Nandito sila? Ano pa nga ba ang ineexpect ko? Prive to...
Umiling-iling ako. "Sasaktan ka lang ng mga yan..." bubulong-bulong ko ng mawala sila Hanny at Ana.
"Nari... Talaga ba?" paninigurado ni Eden.
BINABASA MO ANG
Master Casanova (Master #1) (Completed)
Romance"He put her in the pedestal, but he has to claim her now" Narian Esquillon was the only girl Castielle Ongcuanco didn't try to flirt with--because she's his favorite girl. He didn't want to play her. He didn't want to touch her not until he discover...
