Chapter 24
I wasn't aware of the party's theme kaya casual dress lang ang sinuot ko, little did I know, Castielle already bought a dress for me. I wasn't aware that it was a ballroom party at puro matatanda ang naroon at kami-kami lang ang mga bata-bata ani ng katuwang na pumunta rito sa kwarto.
I looked at myself in front of the big mirror inside our room. It was just a simple midnight maxi dress with spaghetti straps. I made my hair into a messy bun and put a little blush using my lip tint in my cheeks and just powder. Wala naman akong dalang make-up and I really don't want to use one.
I looked at the door. Hindi pa bumalik si Castielle. Ang naghatid ng damit dito ay isa sa mga katuwang dito sa mansion. Ang sabi ng katuwang ay magkasama sila Castielle at ng mga kaibigan.
Maybe he told his dear friends that he couldn't handle me or he's tired of me but he will do his best tonight to get me. Let's see kung maiisahan niya ako because no matter what, I wouldn't let him.
Umupo ako sa kama. But, who am I fooling? Ang totoo niyan, matapang lang ako kapag wala siya sa harapan ko pero kapag nariyan na siya natatameme nalang ako at nawawalan ng sasabihin. How could I win? I was so arrogant that I could break him, but I failed.
Biglang may kumatok kaya napatayo ako. When the door opened na dismaya ako ng makitang ito ulit ang katuwang na naghatid ng damit ko.
"Miss, pinapatawag na po kayo ni Sir Castielle sa ibaba." aniya ng nakangiti habang tinitignan ako. "Napakaganda niyo po, Miss." puri niya.
I shyly smiled, "Thank you,"
Humagikhik siya, "Kahit walang make up ay tumitingkad ang ganda mo, Miss. Hindi nako magtataka kung baliw nga sayo si Sir Castielle..." tukso nito at ngumiti ng malapad.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Siya baliw sakin? Alam mo bang babaero 'yun?"
Tumango-tango siya, "Opo pero rinig ko po silang nag-uusap nila Sir Cy at Sir Yves sa baba na baliw na baliw siya sayo. Ikaw po si Narnia, hindi po ba?" tanong niya.
Napalunok ako. Baliw na baliw? Damn it. Isa din ba siyang taga-sulsol? Ngumiti nalang ako sa kaniya. Iginiya niya ako papunta sa hagdan ng makarating kami ro'n ay nagpaalam na siyang umalis. Tumango ako at bumaba sa hagdan.
And there I saw Castielle wearing a black coat at nakapaloob ang kaniyang puting polo at nakasuot lamang ng puting converse shoes na hindi nababagay sa kaniyang itim na slacks pero para parin siya isang modelo. Kahit anong suotin niya ay bagay na bagay parin sa kaniya.
Each step I take I couldn't get my eyes off to the one pair of eyes looking at me. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Our eyes are fixated on each other and it's making my heart wild.
Castielle, you already won me. But, I won't let you have it all. Hayaan mong tirhan ko ang sarili ko dahil ayokong mabaliw. Mabaliw sayo...
Sinalubong niya ako sa hagdan. He still got that cold aura but his eyes were looking at me like I was the most beautiful woman he has ever met.
"The dress looks good on you..." aniya at pinaikot ang daliri sa takas ng buhok saking pisnge. It was naturally curled because of my hair.
Napakagat labi ako, "Thanks for the dress..." sagot ko at namataang hindi maayos ang manggas ng kaniyang coat.
Lumapit ako sa kaniya at wala sa inihibisyong inayos ang manggas at di namalayang iilang dipa nalamang ang layo ng aming mukha. He was looking at me intently and when our eyes met halos kapusin ako ng hininga. It's like he was getting all the air and I couldn't have some of it.
Bumaba ang mata niya saking nakaawang na labi. Napalunok ako at bumaba rin ang tingin sa kaniyang mapupulang labi. Tinignan ko ang kaniyang mapupungay niyang mata.

BINABASA MO ANG
Master Casanova (Master #1) (Completed)
Romans"He put her in the pedestal, but he has to claim her now" Narian Esquillon was the only girl Castielle Ongcuanco didn't try to flirt with--because she's his favorite girl. He didn't want to play her. He didn't want to touch her not until he discover...