Chapter 11
Ilang beses ko ng namura si Castielle sa isipan ko. Sinasabutahe niya ang pag-didiskarte sakin ni Loyd. Kanina pa siya nakikisali and unlucky me, dahil magkaibigan pala sila Ivan at mga fuck boys—were in the same table at pinalilibutan kami ng mga babae.
Syempre, kagagawan ng mga fuck boys na kasama namin. May katabi silang mga babae—lalo na ang Master Casanova syempre!
Bakit hindi nalang niya pagtuonan ng pansin ang pakikipaglandi sa mga babae niya? Isa siyang malaking epal.
"Nari, do you wanna dance?" tanong ni Loyd sakin nang matapos niyang inumin ang kaniyang basong may lamang whiskey.
Tatango na sana ako ng sumabat nanaman si Castielle sa usapan. We're both in between Loyd at kapag kinakausap ako nito ay para siyang girlfriend na inaagaw ang atensyon ni Loyd sakin.
Hindi ko alam na lalake na pala ang tipo ni Master Casanova. Ha! All girls would die! Ito pala ang sekretong petmalu nang tanyag na fuck boy sa Thaguro University.
"Loyd, do you think we can build another clinic around Taguig?" tanong nito at sinalinan pa ng whiskey ang baso ni Loyd.
Kailan pa siya naging generous at mabait? Tsk! Kanina pa 'ko nanggagalaiti sa lalakeng to, ah?
I really don't know why he's talking about business when he's still in second-year college! Ang bata pa nga niya! But, what do I know about him? Matalino daw siya. Sobra. Knowing his family. Siguro'y bata pa lang siya'y nag-aral na ng marketing at finance kahit medicinal course naman ang kaniyang larangan.
"Yes we can. May mga kilala akong fresh graduate na nangangailangan rin ng trabaho." sagot nito kay Castielle tila naging interesado kaagad.
Isa pa 'tong si Loyd, e. Hindi man lang makaramdam na nilalasing na siya ng lalakeng katabi niya. Bwesit! Minsan ay mahirap maging mabait din.
Naramdaman ko ang pagsiko sakin ni Erene na katabi ko. "Mukhang nagseselos si Master, ah?"
Tinaasan ko siya ng kilay, "Kanino?" tanong ko.
"Kay Loyd..." bulong niya.
Halos matawa ako. I smirked and lean on her, "Baka nagseselos sakin. Type ata niya si Loyd, eh..." bulong ko pabalik.
Kumunot ang noo ni Erene ngunit ng matanto ay humagalpak kami ng tawa. Nagtaka naman ang mga kasama namin.
Sinulyapan ko si Castielle. He was grinning and narrowing his eyes on me. Tinaasan ko naman siya ng kilay at tumayo.
Ramdam kong tiningala nila ako dahil sa ginawa ko. "Gusto kong sumayaw. Sayaw tayo, Erene?" tanong ko sa pinsan ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko at tumingin kay Ivan. "Sayaw lang kami babe, ah?" paalam niya sa nobyo at humalik pa sa labi bago tumayo.
I rolled my eyes. Hindi siguro talaga ako masasanay sa kanilang dalawa. Napaka-aggressive!
Naalala ko minsan ikwinento ni Erene sakin kung paano niya napabaliw si Ivan and I don't want to elaborate it. I couldn't undestand anyway.
"I'll come with you." ani Loyd at tumayo narin.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Nagsitayuan naman sila Ivan at sasama narin daw. Halos matawa ako dahil hindi maipinta ang mukha ni Castielle. Ha! Kung type niya si Loyd edi kukunin ko sa kaniya ng makaganti naman!
"Dude, tawag ka na sa itaas. It's time to get wild!" rinig kong ani Cyril kay Castielle sabay turo sa itaas kung nasa'n ang DJ na babae.
"Wanna can handle it, I'm not in the mood." anito. "Sasayaw ako kamo." dugtong nito at tumayo na at tumingin sakin mula ulo hanggang paa. Then he bit his lips, umarko kaagad ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
Master Casanova (Master #1) (Completed)
Romance"He put her in the pedestal, but he has to claim her now" Narian Esquillon was the only girl Castielle Ongcuanco didn't try to flirt with--because she's his favorite girl. He didn't want to play her. He didn't want to touch her not until he discover...