MCCO 18 - #Territorial

4.8K 159 33
                                        


Chapter 18

"Bakit ka nandito?" ulit kong tanong kay Staven at humakbang palayo sa kaniya.

Namungay ang kaniyang mata, "I miss you. I miss my Angel-yen..." aniya at muling lumapit sakin upang yakapin.

I felt the warmth and sincerity of his hug. Noon, I always like the way he hugs me tight. Pakiramdam ko, sakin lang siya. Pakiramdam ko, hinding-hindi niya ko sasaktan but I was wrong.

Kumalas ako sa yakap niya. I looked at him coldly, "Umuwi kana, Stave. You don't have any reason to stay..."

My heart is still aching. Mahal ko siya. Nararamdaman ko pa 'yun and it still hurts dahil sila ni Aebril yet here he is saying he misses me.

Alam kong aagawin ko naman siya. Ayoko lang sabihin sa kaniya dahil...dahil...

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi kung pwede naman. We could make a plan to save our fuck up relationship.

"Nari, please. I already told you the reason. Gusto kong maghintay ka sakin. Gagawan ko ng paraan..." malumanay niyang sinabi.

Napalunok ako. Ginagawan ko narin ng paraan Staven pero hindi ko pwedeng sabihin sayo dahil alam kong magagalit ka.

Pumayag ba naman akong makipag-make out sa lalakeng kinamumuhian niya lalo na sa lalakeng kilala bilang eksperto sa mga babae.

"Then, come back here when you succeed escaping your engagement." malamig kong sinabi at humakbang na papasok sa gate namin.

Sakto namang pagtunog ng cellphone ko hudyat na may tumatawag.

"Nari naman. Don't be so cold on me. Nandito na nga ako diba? Gumawa ako ng paraan para makapunta sayo dahil miss na miss na kita..." aniya at naramdaman ko siyang lumapit sakin kaya kaagad ko siyang hinarap.

Still, my phone was ringing. Hindi ko na nagawang tignan kung sino when Staven cupped my face and kiss me.

Nanlaki ang mata ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko nagawang pumalag lalo na ng hinila niya pa ko lalo sa kaniya upang diinan ang halik.

His kiss isn't familiar with me anymore. It's so weird. Noon gusto kong maramdaman ang labi niya. He kisses me back then, but we never used the tongue maybe that's why it's different.

But when Staven bit my lower lip, his tongue successfully entered my mouth. I was stunned but then I saw myself kissing him back. The same way his tongue move inside my mouth.

This is right, I know...

Si Staven dapat ang hinahalikan ko at hindi ang ibang tao. Hindi si Castielle. He's the person I should kiss but why do I feel that it's wrong?

I forcefully pushed Staven to stop him from kissing me. Nagkatinginan kaming dalawa. A smile formed his lips, "I love you, Nari."

Nag-iwas ako ng tingin. "Staven, umuwi kana." ani ko.

Tumango-tango siya habang nakangiti parin, "Okay, I'll go home. But it doesn't mean I'll stop visiting you." He said and winked at me.

Wala ako sa sarili habang papasok sa loob ng bahay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Staven and I just kissed in the next kind of level. It was different, alright. Ayoko man, pero si Castielle ang una kong halik. Ang totoong halik and he's my first make out. Shit!

"Ma'm?" tawag ni Tuning sakin habang nakatunganga ako sa salas.

"A-Ano 'yun?" tanong ko ng bumalik ako sa wisyo.

"Dumating na po si Sir Nate, kanina ka pa niya tinatawag sa kusina."

Napaawang ang labi ko at saka tumayo, "S-Sige, paki sabi nalang na magbibihis lang ako." sabi ko at umakyat na papuntang kwarto.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon