Chapter 46
It's a Monday morning and here I am in the kitchen, cooking breakfast. I feel like I want to do a lot of things right now.
"Ma'am Nari, ako na magluluto. Late kana..."
Umiling ako at pinagpatuloy ang ginagawang paggisa. "It's still early, Tuning. Ang mabuti pa, ihanda mo nalang ang mga kubyertos at pinggan." utos ko.
Napakamot naman siya. "Ang sipag mo, Ma'am Nari. Pati labahin, ikaw na naglaba kahapon. Tatanggalan mo na ba ako ng trabaho?" naguguluhang tanong niya.
I chuckled at her innocent question. "Hindi nuh? Tayong dalawa na nga lang ang nandito sa bahay, paaalisin pa kita?"
"Talaga ba? Gusto mo bang magkaro'n ng kasama dito, Ma'am Nari? Yung kapatid kong si Toyang, pwede ba dito kapag nag-aaral siya ng college?" masiglang tanong ni Tuning.
"College na kapatid mo?" tanong ko.
Tumango siya. "Dahil sa inyo ni Sir Nate, makakapagtapos siya ng high school, nakapag-ipon din ako para sa college niya."
Ngumiti ako. "How 'bout you? Ayaw mong mag-aral ulit?" I asked her while I put the pork in the pan.
"Ang tanda ko na, Ma'am Nari. 25 nako..."
"Pwede pa naman 'yan. Ano bang gusto mong kurso?"
"Eh... Ah... Nursing..." sagot nito. "Nababasa ko kasi libro mo kapag nakakalat sa kwarto mo..."
Napatingin ako sa kaniya. "Well then, sabay na kayong mag-college ng kapatid mo. Dito mo siya patirahin." nakangiting sinabi ko.
Nanlaki ang mata niya at halos takpan ang bibig. "Omygod, Ma'am Nari! Talaga ba!? My god, Ma'am!" di makapaniwalang sabi niya.
"Maraming salamat, Ma'am! Nako!! Paakap po!" dugtong niya at saka niya ako niyakap.
Natawa ako sa reaksyon niya. Talaga 'tong si Tuning, oh. We ate breakfast together since, kaming dalawa nalang talaga sa bahay.
I'm looking forward to meet her sister para magkaroon ng buhay ulit ang bahay having us three in it.
I don't know what's gotten into me. Gusto kong abalahin ang sarili ko, kahapon pagkatapos kung magpaalam kayla Tita Sarah, at matapos kong saksihan ang halikan ni Loraine at Castielle ay nagpaalam nakong umuwi.
I did all the chores I could do pagkauwi ko ng bahay just to prevent myself from sulking. Maybe, I should do this often. Gumawa ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa, because somehow it makes me feel good.
I went to work at Montañez Group Hospital. I'm in a new department now, though, hindi parin maalis ang takot na baka magkasalubong kami ni Castielle.
I know he's avoiding me too. Alam kong may sarili na siyang mundo ulit kay Loraine, at sinong maniniwalang seryoso na ito?
Hindi ibig sabihin na nandyan siya para kay Castielle ng tatlong taon, seseryosohin na siya nito. The Master Casanova will always cheat.
Mamaya't-maya ay naroon nanaman ito sa lungga niya sa Prive at mambababae. But, still even if I knew all of this, it sucks that it pained me.
"Doctor Esquilon, mayroon inassign sayo ang head ng department, nakatoka ka sa maternal ward, make a report of ten patients, and pass it this evening." anang Head Nurse.
Tumango ako habang sinusuot ang white coat ko at kinuha ang clip board kung saan mayroong mga pangalan ng mga pasyente.
But why would they assign this to me? Sampung pasyente talaga? Di naman ako pinahihirapan ano?
BINABASA MO ANG
Master Casanova (Master #1) (Completed)
Romance"He put her in the pedestal, but he has to claim her now" Narian Esquillon was the only girl Castielle Ongcuanco didn't try to flirt with--because she's his favorite girl. He didn't want to play her. He didn't want to touch her not until he discover...