MCCO 49 - #Anonymous

4K 125 58
                                    

Chapter 49

I woke up lying on a certain bed with a familiar ceiling that I always stare every time I feel alone. Pilit akong bumangon at pinipilit isipin kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. What happened?

Nasapo ko ang sentido ko ng tuloyan akong makaupo. I looked out the window to see that is now dark outside. Gabi na? Anong nangyari?

The last time I remember was that nandito si Tita Sarah at si Castielle at nasa kwarto kami ni Papa... Yakap ko si Papa... And Papa tried to rape Tita Sarah...

Napahilamos ako ng mukha. Everything is fucked up now, is it? Biglang kumalam ang tiyan ko kaya naramdaman ko ang gutom.

Lately, I'm getting hungrier and hungrier. To my surprise, the door opened revealing Tuning bringing food with her on a tray.

Napangiti ako. "You're in time, I'm hungry." sagot ko at umayos ng upo.

Tipid na ngumiti si Tuning. "Siguradong gutom ka, Ma'am." makahalugang sinabi nito.

May dala siyang gatas at beef steak pagkatapos may prutas pa. Pakiramdam ko'y biglang nanuyo ang bagang ko kaya kaagad kong kinain ang mga pagkain sa harap ko.

For a split second, I forgot my life is fucked up 'cause I just wanted to eat. Pakiramdam ko'y ilang araw akong hindi pinakain at talagang gusto kong kumain ng marami. Ugh!

"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Ma'am?" tanong niya. "Tumawag si Ma'am Erene. Dadalaw daw siya." dugtong nito.

Tumango ako. "Ayos na ako. Sobrang gutom lang. Si Papa nga pala?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya po nagpapahinga. Mabuti at hindi po umalis, marami siyang pinabili saking pagkain at alak." anito.

Kumunot ang noo ko. Bakit naman naisipan ni Papa ang magpabili ng maraming pagkain? Nauubusan naba kami?

Napakamot ng ulo si Tuning. Parang may bumabagabag sa kaniya pero hindi niya alam kung sasabihin niya ba o hindi.

"Ano 'yun?" tanong niya.

Napakagat labi siya. "Ah... Eh... Wala, Ma'am Nari. Yung doctor pala... Ang sabi stress ka lang kaya ka nawalan ng m-malay. Kain ka lang, Ma'am. Labas na 'ko." aniya at tinuro ang pinto at kumaripas ng labas.

Tumango nalang ako habang ngumunguya parin. She's a bit weird though. Tuning always chit chat nonstop. After I done eating, kaagad kong pinuntahan si Papa.

As quick as that, pagkatapos kung kumain ay binagabag nako ng mga alalahanin sa isip ko and it's stressing me out. Baka ito narin ang dahilan kung bakit nahimatay ako.

I'm becoming a doctor and I know it. But, my vomits? I don't know really, pero imposible dahil alam ko dapat ang nararamdaman ng katawan ko.

I'm starting to come up with an idea but I don't want to think of it. Ayokong malaman. Ayokong kumpirmahin.

Pagkarating ko sa kwarto ni Papa ay naka-lock ito. Hinanap ko ang spare keys but he already had it inside dahil wala sa drawer.

Mahina akong kumatok sa pinto. But no one answer.

"Pa, it's me. Are you still awake? Usap tayo?" sabi ko habang kumakatok.

But, still he didn't answer. Napapikit ako ng mariin. Kumatok ako ulit. Ayoko nitong kutob ko pero natatakot ako sa pwedeng gawin ni Papa.

"Papa, please open the door. Do not do anything reckless, please. Nandito ako, Pa. I'm still here..." naiiyak kong sinabi.

"Ma'am Nari..." tawag ni Tuning at lumapit sakin.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon