Chapter 1: Saw him Again

184 13 4
                                        

Chapter 1: Saw him again...

Lunathalia's POV

"Baby wake up na, breakfast is ready" rinig ko sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Okay mom, susunod na po ako" sabi ko habang nakatingin sa pinto

"Okay we'll wait for you" sabi ni mom at bumaba na siya sa dining area...

Hayyy, 1 month na simula ng lumipat ako dito, simula ng malaman ko na hindi pala ako tunay na anak nila nanay... Dati simple lang ang buhay ko pero ngayon maranggya ang buhay, kilala ng lahat... Sabi nila maswerte daw ako kasi lahat na nasa akin...

Pero hindi nila alam na may kulang parin, siya iniwan nalang niya ako ng parang bula... Dumating siya sa buhay ko pero bigla ding nawala... Hayyyyssss nevermind.

"Oh baby andyan ka na pala" sabi nila

"Goodmorning mom and dad" sabi ko sabay halik sa pisngi nila at umupo na ako.

"Anak first day mo na ngayon sa new school mo, mag enjoy ka huh" sabi ni mommy

"Oo nga anak, basta magenjoy ka lang huh wag masyadong magpastress haha mababait naman ang mga students duon" sabi naman ni daddy

"Yes mom, dad, syempre naman mabait sila, anak ako ng may ari eh" sabi ko

"Ahh basta anak sabihin mo lang pag may problema huh... Palagi kaming nandito ng mommy mo para sayo" -daddy

"Ok po" sabi ko nalang... Paniguradong maninibago ako nito.

"Tsaka nga pala mamaya na uuwi ang kuya mo, excited na siyang makita ka... Miss na miss ka nun eh" sabi ni mommy

"Ok po mom, maaga po akong uuwi at miss ko na din siya haha... Sige na mom dad pasok na po ako" sabi ko sabay halik ulit sa pisngi nila hehe...

Nasa school nako, lahat sila nginingitian ako, hayyy hindi ako sanay sa ganitong atensyon... Bahala na nga, pupunta nalang ako ng classroom namin...

Binuksan ko yung pintuan at bumungad naman sakin ang adviser siguro namin to...

"Ikaw na ba si Ms. Lunathalia Slanford?" Tanong niya

"Uhhmmm... Opo :)" sagot ko sa kanya.

"Halika na ija pasok ka, introduce yourself to the class" sabi niya ulit.

"Okay po" sabay harap sa buong klase, lahat naman sila nakatingin sakin... "Hi Lunathalia Slanford, 17 years old... Sana maging magkakaibigan tayong lahat" sabi ko sabay ngiti sa kanila

"Any question class?" Tanong ni ma'am

"Are you the daughter of the richest couple Mr. And Mrs. Slanford, also the owner of this university?" Tanong ng isang babae na parang coloring book ang mukha...

"Uhhhmmm... Yes, I' am" sabi ko

"Okay, you can choose anywhere you want Ms. Slanford" sabi ni ma'am, ako naman umupo sa may likod sa tabi ng bintana...

Nagstart na ng lesson si Ma'am nang biglang may pumasom sa room, napatingin kaming lahat sa kanya...

huh? Anong ginagawa niya dito? Kaya ba niya ko iniwan?

"Mr. Kinekiel Harris, late ka na naman!" Sigaw ng teacher namin

"Tss" sabi niya at dumiretso papunta sa lugar ko, mukhang di naman siya nabigla ng makita niya ko na nakaupo sa tabi ng inuupuan niya...

Pagkatapos niyang mawala ng parang bula wala man lang siyang sasabihin? Aba! Thalia! Wag kang iiyak! Please lang!

"Thalia, how are you?" Biglang tanong ng katabi ko... Hindi ko naman siya pinansin, aba bahala siya sa buhay niya, ano yun darating siya sa buhay ko tapos iiwan ako ng walang sabi sabi tapos makikita ko dito at classmate ko pa talaga tapos isa pa seatmate ko pa tapos tatanungin ako ng how are you? Aba manigas siya!

"Look Im so sorry... Kung bigla nalang akong nawala, sinundo na kasi ako nila mom and dad, biglaan lang kasi kaya di na ako nakapagpaalam, Im sorry thalia" sabi niya

Tinignan ko lang siya sabay irap sa kanya, Pakihanap ang pake ko, pagkatapos niya kong saktan, iwan, durugin ang puso ko ng pinong pino... Okay nagdadrama na pala ako hahaha...

*krinnggggg*

Finally bell na, ibig sabihin Lunch na... At makakaalis na din ako sa walangh*yang katabi ko... Hayyyssss you don't know me my dear!

Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko, sabay labas ng room... Pero nasa tapat palang ako ng pintuan may kamay ng pumigil sakin sabay hila paharap sa kanya...

"Ano ba? Hindi mo ba nakikita na nagmamadali ako?" Sabi ko sa kanya...

"No! Let's talk" sabi niya sabay hila sakin papunta sa parking lot habang pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sakin, pinagtitinginan na din kami ng mga schoolmate namin...
Pinasok niya ako sa kotse niya sabay drive ng mabilis.

Pagdating namin sa isang bahay or should I say mansion kaagad ko siyang tinanong " Ano ba? Wala tayong dapat pag----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong sinandal sa sasakyan sabay halik sakin, hindi lang smack it was a passionate kiss, you can feel the different emotions... Para bang sabik na sabik at punong puno ng pagmamahal, hindi ko na namalayan na sumasagot na ako sa mga halik niya...

Palalim na ng palalim ang bawat halik namin sa bawat isa... Nawala na ata ako sa sarili ko at namalayan ko nalang na nasa may sofa na kami... Bumaba ang halik niya sa leeg ko habang ang kamay niya ay naglilibot sa buong katawan ko...

"Hmmm... I miss you so much Thalia" sabi niya habang patuloy pa rin sa ginagawa niya...

At duon na ako biglang natauhan... Tinulak ko siya at tumayo mula sa sofa, kaagad kong inayos ang sarili ko habang siya naman ay nakatingin sa akin na para bang nagtataka... Tumayo siya sabay halik ulit sakin but this time tinulak ko siya ng malakas sabay sampal at sipa sa pinakaaalagaan niya...

"Sh*t!" Sigaw niya habang namimilipit sa sakit... Tsk tsk sorry nalang sa future mo my dear hahahaha

"Sa susunod na uulitin mo pa ang ginawa mo ngayon, hindi lang yan ang aabutin mo! Anong karapatan mo para gawin yun huh? Pagkatapos mo kong iwan at saktan yan ang gagawin mo? Kingina naman may natitira kapa bang hiya sa katawan mo huh!" Sigaw ko sa kanya sabay labas sa pintuan niya narinig ko pa siyang nagsasabi ng sorry pero I don't care ang kapal ng mukha niyang gawin yun, kahit na may kasalanan din ako at nawala ako sa sarili ko pero pinagsisihan ko na promise talaga! Muntik na! Hayyy nevermind

Sorry mo mukha mo!

****************************
Pero ano kayang nangyari at ganun nalang ang galit ni Thalia kay Kiel? Tsk...











Thank you sa nagbasa kung meron man haha...

How Will it End?Where stories live. Discover now