Chapter 13: Sweetness Overload
His POV
Ngayon na sinagot mo na ako, hinding hindi na kita pakakawalan kahit kailan...
Lunathalia's POV
Nakatanaw kami ni Love sa dagat at pinagmamasdan ang aming mga kasama na nagkakasiyahan sa paglalaro at pagsasabuyan ng tubig... Huling araw at gabi na namin ito dito sa beach resort nila Kiel, bukas ay uuwi na kami para pumunta na rin sa school upang kunin ang grades namin at para narin sa paghahanda sa third sem... Paniguradong magiging abala na kami sa susunod na buwan dahil sumapit na ang panahon ng paggawa ng aming mga thesis dahil nga kami ay graduating student na... Sana hindi kami mawalan ng oras para sa isa't isa...
"Love" biglang sabi sa akin ni Kiel na ngayon ay nakahiga na sa akin...
"Hmmm?" Mahina kong sagot sa kanya
"Thank you" nakangiti niyang sabi sa akin...
"Para saan?" Nagtayaka ko namang tanong sa kanya
"For giving me another chance... Salamat kasi kahit na sinaktan kita noon pinagkatiwalaan at minahal mo parin ako" pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi
"Love, kapag mahal mo kasi ang isang tao kahit na ano pang galit o poot ang nararamdaman mo tungo sa taong yun mananaig at mananaig parin ang pagmamahal mo sa taong yun" nakangiti kong sagot sa kanya
"Ahhh basta sa-" pinutol ko ang sinabi niya sa pamamagitan ng paghalik sa kanyang labi... Smack lang naman hehe
"Love tandaan mo na mahal na mahal kita, kahit na nagalit ako sa iyo, kahit na nasaktan mo ako, kahit na iniyakan kita, kahit na ano pang nangyari... Hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo, diba nga kasing lawak ng buong universe ang pagmamahal natin sa isa't isa?" Nakangiti naman siyang tumango sa akin...
"Yun pala eh, kahit na ano pang pagdaanan naten malalampasan at malalampasan naten iyon kahit na ano pa yun walang titibag sa atin dahil tunay ang pagmamahal naten sa bawat isa" pagpapatuloy ko at muli siyang hinalikan
"I love you very much Lunathalia Slanford Harris" sabi niya at mas lalong lumawak ang ngiti ko... Iba talagang magpakilig ang lalaking 'to..
"I love you too Kinekiel Harris, Love" nakangiting sagot ko sa kanya...
Kahit ano o sino mang humadlang sa amin, alam namin sa isa't isa na hinding hindi kami susuko, walang makakatibag sa tunay na pagmamahalan naming dalawa ni Kiel...
*-*-*-*-*-
Pagsapit ng gabi ay kinuha ko ang makapal kng notebook na pinaglalagyan ko ng mga tula at iba't ibang pangyayari sa aking buhay...
Marami sa atin ang naniniwala,
Sa sinasabi nila na,
Kapag mahal ka,
Babalikan ka,Sana naman tama na ang desisyon ko,
Na ipakita sayo ang tunay na tibok ng aking puso,
Sana ngayon sumabay ka sa daloy ng mundo,
Na nakatakdang magmahalan tayo,Korni man iyon sa pandinig mo,
Atleast nagmamahal ako ng totoo,
Sana ngayon tulungan mo ko,
Na ipaglaban hanggang huli ang pagmamahalang ito,Sana Love hindi mo na ako iiwan,
Kasi hindi ko na kayang masaktan,
Hindi ko na kayang wala ka,
Hindi ko kayang mabuhay ng hindi ka kasama,Sana Love huwag ka ng sumuko,
Huwag mo na sanang ulitin ang ginawa mo,
Baka mamatay na naman ako,
At hindi ko na alam kung titibok pa ba itong aking puso,

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...