Chapter 2: Flashback
2 years ago...
Ano ba namang buhay to? Bakit ba pinanganak akong mahirap? Nakakainis kasi mayaman ang taong mahal ko, dati wala akong pakielam kung mahirap pa kami sa daga basta kasama ko ang pamilya ko pero ngayon... Sana naging mayaman nalang kami para walang hadlang sa amin ng taong mahal ko... Si Kiel
Nakilala ko siya sa nung 1st year college ako, akala ko nun mahirap siya tulad ko kaya walang hahadlang sa pagiibigan namin kaso nalaman ko nalang na mayaman pala siya at pinarusahan lang siya ng parents niya.
Nung una wala kaming problema pero bigla nalang dumating yung time na cold na siya saken, wala ng time at palaging mainit yung ulo niya... Ayun pala may iba na siyang gusto, at sabi pa niya sa akin "hindi naman kita minahal, pinaglaruan lang kita, pampalipas oras ka lang" nung una hindi ako naniwala hanggang sa sumapit nalang yung araw na lumuhod ako sa harap niya pero wala siyang pakielam at ang masakit pa nagawa pa nilang maghalikan sa mismong harap ko...
Ang sakit sakit, pero hindi ako sumuko. Araw araw pumupunta ako sa apartment na tinutuluyan niya, duon na nga din nakatira yung taong mahal daw niya, ang sakit isipin na magkasama sila, yung iniisip mo na "ano kayang ginagawa nila?" Sobrang sakit ng pakiramdam na yun.
Isang araw nun nabigla nalang ako ng pumunta ulit ako sa apartment niya naabutan ko yung mommy niya, ayaw na ayaw niya sakin dahil mahirap daw ako at hindi kami bagay ng anak niya... Naghintay parin ako hanggang sa lumabas sila kasama na niya si Kiel at yung babaeng mahal daw ng taong mahal ko. Dala nila lahat ng gamit nila, muli nagmakaawa ako na wag niya akong iiwan na gagawin ko lahat para mapasaya at matutunan niya akong mahalin pero binalewala niya ako... Hindi pa natapis yun sa ganun sinampal ako ng mommy niya at binibigyan ng pera dahil yun lang naman daw ang habol ko...
Ang sakit nun na pati si Kiel sinabi sa akin na yanggapin ko na daw yung pera at tigilan ko na siya, dahil yun lang din naman daw yung kailangan ko kaya ako naghahabol sa kanya... Wow lang pagkatapos ng lahat lahat ng pinagdaanan namin yun pa ang sasabihin niya ang sakit na yung taong mahal at pinagkatiwalaan mo yun pa ang dudurog hindi lang sa puso mo kundi pati ng pagkatao mo...
Duon na ako tumigil sa kakahabol sa kanya, sabi ko sa sarili ko na hindi ko siya kailangan at ang pera nila... Ipapakita ko sa kanila na kaya ko at mapapantayan ko sila...
Gabi Gabi umiiyal ako, alam ko nag aalala na ang pamilya ko sa akin lalo na si nanay pero wala akong pakielam, ang gusto ko lang sa panahong yun mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Magmumove on na ako...
Nagmove on ako...
Nagmumove on nako...
Nakamove on nako...
Yan ang mga salitang sinasabi ko oras oras, minuminuto, segusegundo sa sarili ko...
Pero....
Hindi ko akalain na sa pagmumove on ko nagbabago na pala ako...
Sabi nila bumalik daw ako sa dati, sabi nila wala na naman ang buhay ko, sabi nila mas lumalala pa daw ako...
Hindi ko na napapansin na nagrerebelde na pala ako, sinasagot ko mga magulang ko, wala na akong pakielam sa pag aaral ko, puro pakikipagbarkada lang ang inatupag ko...
Lalo akong nagrebelde ng minsang marinig ko sila nanay na sinasabi na ampon lang ako, lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko... Akala ko yung pamilyang nakagisnan at minahal ko totoo yun pala hindi...
Hindi ko na kilala ang sarili ko, para bang bigla nalang umikot ang mundo ko... Umabot pa na gusto ko ng mamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko pero tuwing naiisip ko yun parang may pumipigil sa akin na wag kong gagawin kung ano man ang iniisip ko dahil mahalaga ang buhay at wag ko itong sayangin...
Ilang araw, linggo, buwan akong nagkukulong sa kwarto ko sa maliit naming bahay... Gusto ko lang na mapagisa... Dumating yung araw na lumabas na ako... Nabigla pa sila nanay ng makita ako pero binalewala nila yung mga katanungan sa isip nila at inasikaso ako... Humingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko...
Pinagpatuloy ko ang buhay ko, inayos kong muli ang buhay ko, kahit na mahirap kasi durog na durog ako, ang puso ko, ang buong pagkatao ko. Kinaya ko parin para sa sarili ko, at sa pamilya ko... Pinangako ko na mapapantayan ko sila at pagdating ng panahon na yun sila naman ang maghihirap, papahirapan ko sila hanggang sa lumuhod sila sakin gaya ng ginawa nila sakin...
Alam ko mali ang paghihiganti pero yun lang ang punasok sa isipan ko ng mga panahong iyon...
Isang gabi umuwi ako, pero nabigla ako na ang daming mamahaling sasakyan ang nasa tapat ng bahay namin, ang dami ding mga lalaking nakainuporme na para bang bodyguard... Pumasok ako sa bahay namin at duon ko na nakita ang hindi ko inaasahan...
"Anak sila ang mga tunay mong magulang, matagal ka na pala nilang hinahanap" sabi ni nanay
Nakatingin lang ako sa kanila ng lumapit ang isang napakagandang babae, may hawig ako sa kanya... Yinakap niya ko at humagulgol siya saking bisig, siya nga ang mama ko... Nararamdaman ko...
"Anak, ikaw nga yan" sabi naman ng isang lalaki na sa ringin ko ay ang ama ko.
"Ang tagal ka naming hinanap anak, sa wakas nakita ka na rin namin" sabi niya at yumakap na din
Sinuklian ko ang yakap nila, sinama na nila ako sa kanila, sa amin, nangako rin sila na tutulungan nila sila nanay...
Ako pala si Lunathalia Slanford, ang anak na babae ng pinakasuccessful tycoon na magasawang Slanford, may kapatid din daw akong lalaki, mas matanda siya sakin...
Ang saya ko dahil nakasama ko na ang tunay kong pamilya, hinding hindi ko ito sasayangin at papangalagaan ko ito habang buhay...
Habang Buhay....
-----------------------------------------------
"Baby okay ka lang" naputol ang aking pagiisip ng biglang nagsalita si daddy, nakasakay na kami sa sasakyan papunta sa airport kasama ko sila mom and dad, and as usual isang katerbang bodyguards na naman ang nakasunod samin...
"Yes dad, Im fine excited lang akong makita si kuya" sabi ko nalang
"Im sure he's excited too baby" sabi naman ni mommy
Nakarating na kami sa airport, at nakita ko na siya si kuya, shetttt ang gwapo ng kapatid ko hahaha pero totoo nga myghaddd...
"Mom! Dad!" Rinig kong sigaw niya sabay yakap kay mommy at daddy ako naman nakatayo lang sa likod hanggang sa mapatingin siya sa akin...
"Princess ikaw na ba yan huh?" Masayang tanong niya sa akin, sasagot na sana ako ng bigla siyang lumapit at yumakap sa akin ng mahigpit.
"Alam ko na ikaw yan, patawarin mo si kuya kung hindi kita naprotektahan, mahal na mahal kita princess" sabi ni kuya habang nakayakap sakin
"Mahal din po kita kuya, kahit hindi kita maintindihan okay lang alam ko naman na ginagawa mo lahat maprotektahan lang ako" sagot ko sa kanya
Nakiyakap na din sila mommy and daddy sa amin... Hayyy ang saya talaga sa pakiramdam na meron kang pamilya na nandyan palagi para sayo, sana hindi na matapos ito...
Sana...
****************************
Hayyyy, done Chapter 2 haha ayan alam na yung nangyari kung bakit galit na galit si thalia kay kiel...Grabe talaga siya tsk tsk hayyy kainis ang ginawa ni kiel kay thalia, bakit kasi ang konti nalang ng mga lalaking tunay kung magmahal at may busilak na puso? Yung tipong hindi paasa tss...
Okay nagdadrama na naman si ako haha
Thank ulet sa nagbasa ng story na to ;) kung meron man hehe

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...