Chapter 3: Poem
Lunathalia's POV
Back to school na naman, wala kaming ginawa buong weekend kundi magbonding ni kuya, mommy and daddy... Buti nga walang pasok simula Wednesday eh, kinancel kasi ni daddy para makapagbonding daw kami hahaha Im sure naman masaya ang mga student sa Slanford University dahil walang pasok.
Nagpunta lang kami sa Hongkong hahaha... Kasi naman tinanong nila ako kung saan ko gustong gustong pumunta tapos naalala ko na gusto kong pumunta ng Hongkong kaya ayun kaagad kaming pumunta dun gamit yung private plane ng family namin... Gara talaga nila mom at dad halos lahat na ata ng business eh pinasok nila, grabe sa isang iglap malalaman ko nalang na ganito pala kayaman ang tunay kong pamilya... Well nevermind nalang.
So ngayon nakasakay ako sa sasakyan ni kuya gusto niya akong ihatid sa school eh atsaka may dadaanan din daw siya sa Dean's Office files ata hayyy ewan bahala na...
"Princess andito na tayo" sabi ni kuya
"Oo nga kuya eh, nakikita ko may mata kasi ako eh hahaha" biro ko sa kanya
"Tsk, princess talaga tara na, hatid kita sa room mo" sabi niya
Habang naglalakad kami nagbubulungan sila kesyo ganito daw, ganun daw...
Gwapo talaga ni Lezander...
Oo nga tapos ang ganda din ni Lunathalia...
Walang duda magkapatid talaga...
Iilan lang yan sa mga bulungan na naririnig ko, hinayaan ko nalang masasanay din naman ako.
"Princess ito na classroom niyo, sige alis nako sunduin nalang kita ulit mamaya kasama sila mom and dad, kakain daw tayo sa labas eh" sai ni kuya
"Okay kuya ingat ka, Love You" nakangiti kong sagot sa kanya
"I love You Too princess, Goodluck ;)" sabi niya at hinalikan ako sa noo bago siya umalis
"Class I want each of you to make a poem about on what you want to say to the person that you loved or the person who hurt you, any language will do as long as the essence and the emotions are in there, okay" sabi ng journalism teacher namin
"Yes Ma'am" sagot naman namin
"Okay Class Dismiss" nakangiting sabi ng teacher namin.
Hayyy sakto makakarelate ako dito, tumingin muna ako sa kaseatmate ko bago ako umalis at sakto namang nakatingin din siya saken... Tss bahala ka sa buhay mo!
Next day....
Hayyyy sana naman okay itong poem ko, pinagouyatan ko to at feel na feel ko pa, naiiyak nga ako habang sinusulat ko ito eh...
"Goodafternoon Class" bati ng Journalism Teacher namin
"Goodafternoon Ma'am" balik namin sa kanya
"Okay you may now take your sit, so I ask you to make a poem right, now each one of you will recite the poem that you made and then explain why and how you written it ;)" sabi niya
"Okay Ma'am" sabi namin
"So let's start, I will pick a name okay" sabi niya nagtuloy tuloy lang sa pagrerecite ang mga classmates ko hanggang sa matawag na ang pangalan ko.
"Ms. Lunathalia Slanford" sabi ng teacher namin, tumayo naman ako sa harap ng klase sabay hinga ng malalim at sulyap sa kanya
Dumating ka sa buhay ko,
Nang mga panahong nasasaktan ako,
Mga araw na parang walang saysay ang mundo,
Mga oras na wasak na wasak ako,Hanggang sa dumating yung araw na,
Dahil sayo naramdaman ko muli kung pano maging masaya,
Araw araw nandiyan ka lang saking tabi,
Pinapasaya sa kabila ng aking mga hikbi,Dahil sayo nabuhay ako,
Dahil sayo sumaya ako,
Dahil sayo nabuo ako,
Dahil sayo nagmahal uli ako,Sinabi ko na mahal kita,
Ngunit isa lang ang sagot mo sinta,
Pasensya na,
May mahal akong iba,Oo binuhay mo 'ko,
Oo binuo mo muli ang pagkatao ko,
Pero di ko akalain na,
Ikaw rin ang sisira nito,Nagmakaawa ako,
Lumuhod ako,
Humabol ako,
Pero Suko nako,Ngayon bumalik ka,
Sinasabi mong 'mahal kita',
Pero gaya mo pasensya na,
Dahil para sakin huli na,*bow*
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko matapos kong bigkasin ang tulang ginawa ko.
"Wow! Ang ganda naman ng tula mo, may pinaghuhugutan ka ba Ms. Slanford?" Tanong ng teacher namin, humarap naman ako sa kanya at tanging ngiti lang ang sinagot ko.
"Well okay next tayo, Mr. Harris?" Tawag sa kanya ni ma'am, kaagad naman siyang tumayo at pumunta sa harapan.
Pag-ibig ko sayo'y totoo,
Ni walang halong biro,
Linya ito sa kantang paborito ko,
Kaya sana'y pakinggan mo,Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba o namamalikmata ako, kasi habang sinasabi niya yung unang saknong nakatingin siya sakin... Sumulyap muna siya sakin bago siya nagpatuloy.
Nandun ako ng mga panahong umiiyak ka,
Nandun ako para alagaan ka,
Nandun ako para buhayin ka,
Nandun ako para mahalin ka,Tunay ang nararamdaman na,
Mahal kita dati pa,
Di ko lang kayang ipakita,
Sapagkat ako'y nasaktan na,Napakasaya ko ng sabihin mong mahal mo rin ako,
Ngunit naduwag ako,
Nanguna ang takot sa dibdib ko,
Na kagaya ka rin niya manloloko,Di ko naman nais na saktan ka,
Di naman ako tanga para wasakin ka,
Di ko naman sadya na balewalain ka,
Di ko naman gusto na iwan ka,Ngayon nandito uli ako,
Sana naman mabigyan mo pa ako,
Kahit na isang pagkakataon,
Para naman mapatunayan ko na tunay ang pagmamahal ko sayo,*bow*
Nagpalakpakan ulit ang mga kaklase namin matapos niyang sabihin ang ginawa niyang tula, di ko alam pero parang sinagot niya yung tula na ginawa ko... Hayyyysss nevermind
"Wow Mr. Harris may pinaghuhugutan ka rin?" Tanong ng teacher namin
"Haha siguro nga ma'am, g*go kasi ako nasa akin na pinakawalan ko pa" sagot niya
"Woaahhhhh" sigaw ng mga kaklase namin
"Okay okay, sana nga bigyan ka niya ng second chance" sabi ni ma'am
"O cge na, class dismiss" ngiting sabi ni ma'am at umalis na.
Nagmamadali akong umalis dahil susunduin pa ako nila kuya...
Pero bago ako umalis tumingin muna ako kay Kiel, at nabigla ako ng makitang nakatingin din siya saken... Yung tingin niya parang punong puno ng pagmamahal at pagpaoatawad, yung para bang ako yung tinutukoy niya kanina sa tulang ginawa niya...
Dapat ko nga ba siyang bigyan ng isa pang pagkakataon?
****************************
Finally natapos ko din yung tula haha, kailangan ko lang pala siyang makita para matapos ko tong poem... Hayyy nagdrama na naman si ateng hahaha geh bye bye...Thank you sa mga nagbasa kung meron man haha †

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...