Chapter 20: Her True Love for him
His POV
Im so sorry...
Lunathalia's POV
Nagising ako na nasa kama na ako... Nilipat siguro ako ni kuya lezander o kaya isa sa mga pinsan ko. Kaagad kong inabot ang cellphone ko sa ibabaw ng side table ng kama ko, nabigla naman ako ng mapatingin ako sa alarm clock ko... 1 pm na? Bakit hindi nila ako ginising?
Kaagad naman akong tumayo at dumiretso sa banyo... Pagkasara ko sa pinto napatingin ako sa salamin dito sa cr ng kwarto ko... Hanggang ngayon pala namamaga pa rin ang mga mata ko, ano na kaya akong oras nakatulog kagabi? Siguro nakatulog ako dahil na rin sa sobrang kakaiyak... Ginawa ko na ang mga daily routines ko at nagbihis ng maayos dahil pupuntahan ko si Kiel after kong kumain ng breakfast or should I say Lunch.
Pababa na ako ng hagdan ng makita ko ang mga pinsan ko na nakakumpol sa sala at parang may seryosong pinaguusapan...
"Kuya Lezander hindi namin pwedeng palagpasin ito!" Sigaw ni kuya Kio
"Hindi pwede ito kuya!" Sigaw din ni kuya Mio
"Huwag kayong magpadalos dalos sa inyong mga desisyon baka sa huli si Thalia pa ang masaktan" mahinahon na saad ni kuya lezander... Ano? Anong masasaktan ako? Ano bang pinaguusapan nila?
"What the! Kuya lezander naman maghapon! Magdamag umiiyak si Thalia ng dahil sa kanya tapos wala tayong gagawin?! Hindi pwede kuya!" Sigaw naman ni kuya Dame
"Shut up!" Inis na sigaw ni kuya jared sa kanila...
"Bago kayo kumilos ng ganyan isipin niyo muna kung ano ang nararamdaman ni Thalia!" Sabi ulit ni kuya jared
"Hindi! Hindi pwedeng ganyan na basta nalang pinapaiyak si princess hindi pwedeng ganun!" Sabay sabay na sigaw nila kuya mio, kuya kio at kuya dame
"Tama na guys" pagpigil sa kanila ni ate andrea
"Hindi pwede!" Sigaw nila ng sabay sabay... Kaya naman lumapit na sa kanila si ate alex at isa isa silang binatukan
"Kayong lahat bakit hindi kayo magtigil? Dinaig niyo pa si Thalia kung makaasta kayo ah! Everything happens for a reason guys! Tignan muna naten ang at pakinggan ang rason at side ng bawat isa, hindi yung basta basta nalang tayo gumagawa ng galaw ng hindi natin alam kung ano ba talaga ang nangyayari!" Mahinahon na sabi ni ate alex pero halatang naiinis na rin ito
"Per-" pinutol ko na ang dapat sasabihin sana nila kuya dame ng lumapit at nagsalita na ako...
"Anong nangyayari dito?" Mahinahon kong tanong sa kanila
"Princess" halatang kinakabahan na saad nila at sabay sabay na humarap sa akin
"Please lang! Hayaan niyo munang ako naman ang kumilos ngayon! Hindi yung parang palagi nalang akong nakadepende at nakatago sa inyo! Matanda na ako kuya, ate... Sana naman hayaan niyong ako naman ang gumawa ng paraan para sa mga problemang kinakaharap ko!" Sabi ko sa kanila pero may diin bawat salita... Halos maiyak na din ako.
"Sorry princess" sabay sabay nilang sabi at niyakap nila ako...
"Mahal na mahal ka lang namin talaga princess, sorry kung nagpadalos dalos ang mga kuya ahh" sabi nila sa akin
"Mahal na mahal ko din kayong lahat, pero please lang pakainin niyo muna ako gutom na gutom na ako eh" nakangiti kong sabi sa kanila
"Hahaha o sige na tara na at kumain!" Natatawang sabi nila at iyon nga masaya kaming kumain ng sabay sabay at nagtatawanan... Sana bumalik na lahat sa dati sana okay na tayo Love...

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...