Chapter 22: Preparations
His POV
Im sorry, I love you, Sorry if I didn't choose the right thing to do... I hope someday you will forgive on what I have done Love... Just always remember that I love you, nothing and no one can change that...
Lunathalia's POV
Nandito kami ngayon sa pagdadausan ng debut party na niready ni mommy and daddy... Exactly three days from now ay gaganapin na ang debut ko, sa wakas malapit ng sumapit ang araw na magiging eighteen years old na ako...
After ng Graduation ay ikakasal na din kami ni Love na I think 5 months from now... Sana talaga matuloy ang araw na iyon, ang pinakahihintay naming pangarap ni Kiel...
Sana din pangarap pa rin iyon ni Kiel hanggang ngayon kagaya ko...
For the past weeks, okay naman kami ni Kiel, pero madalas kaming nagaaway o nagkakaroon ng tampuhan... Alam ko kahit hindi niya sabihin may nagbago sa relasyon namin, ayaw kong isipin iyon o kahit alamin pa dahil alam kong masasaktan ako ng sobra.
Maraming nagbago pero at the end of the day nandyan pa rin siya at pinapatahan ako sa bawat pagiyak ko...
"Sorry Im late" walang emosyong sabi ni Kiel... Nandito na pala siya... Magpapractice kasi kami para sa sasayawin namin sa araw ng debut ko... At siyempre si Kiel ang Escort ko.
"It's okay Love" I sweetly smiled to him and kissed his cheeks... Nakita ko naman sa peripheral vision ko na inikot ng mga babae kong pinsan at kaibigan ang mga mata nila habang ang mga lalaking pinsan ko naman ay nag iwas ng tingin...
Simula ng araw na nagkausap si Kiel and Dad nung nagwalk out si ate alex, lahat nagbago... Kung dati napaka supportive nila sa relasyon namin... Ngayon? Wala, halos hindi na nila matignan si Kiel... Hindi nagiba ang pakikitungo nila sa akin pero ramdam ko na kapag nandyan na si Kiel sa tabi ko o kahit kapag kasama ko siya iiwas sila sa akin... Basta ang daming nagbago...
At kahit alam ko kung ano iyon pilit ko itong iniiwasan, pilit ko itong binabalewala, masakit umasa pero kapag mahal na mahal mo ang isang tao ipaglalaban mo ito...
Ganoon ako, magkamatayan man ipaglalaban ko si Kiel, huwag lang sana akong maubos kasi baka hindi ko kayanin at ako na mismo ang sumuko...
Sana makaya ko pa...
Sana...
"Okay so let's start, kumpleto na naman tayo diba" tanong ng oraganizer ng party at siya rin ang magtuturo ng dapat naming gawin at steps sa sayaw...
"Yes! Let's start now" nakangiti kong sagot sa kanya... Kaya naman nagsimula na ang pagtuturo niya sa amin... Napatingin naman ako kay Kiel...Diretso lang ang tingin ni Kiel kaya nakinig nalang ako ng mabuti sa organizer.
Sa una bababa ako ng hagdan at sasalubungin ako ni Kiel... Habang ang mga pinsan at kaibigan ko na may kanya kanyang kapareha ay nakalinya sa tabi ng hagdanan... Kapag pumunta na kami ni Kiel sa may gitna ay papaikutan nila kami ng para bang hugis puso... At duon magsisimula ang sayawan...
"15 minutes break muna tayo, tapos last practice na and were ready to go!" Sabi ng organizer sa amin
"Water Love?" Tanong ko kay Kiel at inabot sa kanya ang tubig ko
"Thanks but I have my own... Just drink that since that's yours" cold na sabi niya sa akin kaya naman tumango nalang ako kasabay ng pagbuntong hininga ko...
Everything... As in lahat lahat nagbago na... Gusto ko ng magtanong... Gusto ko ng linawin lahat... Gusto ko ng tanungin kung ano ba ang problema... Gusto ko ng itanong kung may nagawa ba akong masama o kahit nasabing masama... Gusto ko ng itanong kung... Kung... Kung mahal pa ba niya ako... Gustong gusto ko pero natatakot ako, sobra sobrang takot ang narramdaman ko na baka tama lahat ng hinala ko na meron na siyang iba na meron na siyang ibang mahal na tuluyan na siyang mawawala sa akin... Natatakot ako ng sobra... Hindi ko kaya na mabuhay ng wala siya, ng wala si Kiel sa buhay ko...
Kung tutuusin dapat nga siya ang nakakaramdam nito kasi siya yung unang nagapproach, siya yung nagsabi na mahal niya ako, siya yung humiling na magkabalikan kami, siya yung nagmakaawa para lang sa atensiyon ko, siya yung humiling na mahalin ko siya ulit... Pero heto ako ngayon nagmamakaawa, lumuluhod, umaasa, humihiling na huwag niya akong iwan... Huwag sana niya akong iwan...
Finally tapos na ang pageensayo... And pauwi na kami...
"Kiel ihahatid mo ba ako?" Malambing na tanong ko sa kanya
"No" malamig niyang tugon at tumingin sa akin...
"Dala mo naman ang kotse mo diba? Hindi kita maihahatid ngayon may gagawin pa kasi ako kaya nagmamadali ako" pagpapatuloy niya
"Ahh ganon ba? Sige ingat nalang" malungkot na saad ko... At iyon lang nilagpasan na niya ako at sumakay sa sarili niyang kotse...
Kaagad naman akong sumakay sa sasakyan ko at pasimple siyang sinundan... Sana naman mali ang kutob ko...
Lumiko ang sasakyan ni Kiel sa isang subdivision... Hindi ito ang lugar kung saan sila nakatira...
Tumigil ang sasakyan ni Kiel sa tapat ng isang bahay at lumabas siya mula sa sasakyan niya kaya naman itinigil ko ang sasakyan ko ilang metro ang layo sa sasakyan niya... Nakangiti na ito ng bumaba sa sasakyan niya... How I miss to see that smile of yours love... Pero mukhang hindi na ako ang dahilan ng bawat pagngiti mo ngayon...
Nagdoorbell siya sandali at binuksan niya ang pintuan sa may passenger seat at may kinuha duon... Flowers... Sh*t... Wag kang iiyak thalia baka naman nandyan lang si tita...
Ilang sandali ay bumukas na ang gate ng bahay... At hindi niya inaasahan ang kanyang nakita....
No!
Hindi niya na napigilan pa at tuluyan na siyang napahagulgol sa pagiyak...
Sa lahat ng tao, sa lahat tao bakit siya pa... Bakit siya pa ang gagawa nito sa kanya? Bakit siya pa na pinagkatiwalaan niya ang gagawa nito? Bakit siya pa ang aagaw sa taong mahal niya? Bakit?
Bakit?
****************************
Sino siya? Sino ang taong iyon?
Hayyy naninikip ang puso ko habang tinatype ko ito... Sana maging okay na ang lahat.
Thank you sa mga nagbabasa at nagvote ng story na ito... Love you all ;)
---> Miss H

YOU ARE READING
How Will it End?
RomanceEverything in her life changed... Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang iwanan siya ng taong mahal na mahal niya... He came back and she gave him Second Chance... Pero hindi niya inaasahan na muli nitong wawasakin ang tiwala niya at babasagin ang puso...